Dennis Trillo describes his lovelife: “Tahimik, masaya. Perfect para sa akin.”

Dennis Trillo portrays a villain in the movie Boy Pick-up The Movie. "Magkakaroon ako ng maraming tattoo, magkakaroon ng ibang kulay ang buhok ko. Magkakaroon ako ng piercing sa mukha. Kung paano ako magiging villain at kung paano ako magiging masama, malalaman niyo yun kapag pinanood niyo na ang pelikula," he says.


Si Dennis Trillo ang gaganap na kontrabida sa Boy Pick-up The Movie, pelikula ng GMA at Regal Films.

Pero nang makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa huling araw ng shooting nila noong Huwebes, May 17, wala sa hitsura nito ang isang makikipaglaban para sa pick-up lines.

Guwapo at hindi naman ito naka-pick-up shirt. Kuwento niya, may transpormasyon daw kasi sa karakter niya.

“Ako yung main villain dito. Iba talaga. Kung nakita niyo na ganito ang hitsura ko, may isang part sa movie na magta-transform ako.

"Magkakaroon ako ng maraming tattoo, magkakaroon ng ibang kulay ang buhok ko. Magkakaroon ako ng piercing sa mukha.

“Kung paano ako magiging villain at kung paano ako magiging masama, malalaman niyo yun kapag pinanood niyo na ang pelikula.”

Naitanong namin kay Dennis kung sa totoong buhay, gumagamit din ba siya ng pick-up lines.

Nakangiting sabi naman niya, “Hindi e, dito lang. Meron lang akong sariling style, pero hindi yun pagbibigay o pagbabato ng pick-up lines.

"Pero hindi ako nasanay. Kaya ginagawa ko lang yun dito sa pelikula talaga.”

Alam din daw ni Dennis ang mga pick-up lines na ginagamit ng manliligaw.

“Oo, kalat na rin talaga ang mga pick-uptero. At saka kahit bata, appealing ang pelikula,” sabi niya.

Kahit na mas kilala si Dennis sa pagiging isang mahusay na dramatic actor, hindi na rin naman daw siya naninibago sa komedya o pagpapatawa.

“Nag-Bubble Gang na rin naman kasi ako at matagal na naming ginagawa ang mga pick-up sketches, kaya hindi na rin bago sa akin.”


LOVE LIFE. Kamusta na ang bongga at makulay niyang lovelife?

Dennis Trillo and Bianca King are rumored to be in a relationship.

Sabi naman ng aktor: “Bongga, makulay? Tahimik lang. Ganoon ko idi-describe.

"Tahimik, masaya. Perfect para sa akin.”

Pinili ba nila ni Bianca na mas maging tahimik at mas pribado ang relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pinili. Natural na dumating sa amin na ganoon. Kasi, ganoon kaming klase ng tao.

"So, wala kaming pinili. Lumalabas lang ang natural kung ano kami sa relasyon namin ngayon.”


BIRTHDAY BOY. Nang magdiwang ng kaarawan si Dennis sa Boracay noong nakaraang linggo, balitang nagpaiwan daw si Bianca kaya na-extend ang kanilang bakasyon.

Ayon naman kay Dennis, “Hindi nagpaiwan. Naano namin yun, matagal na naming plinano na magpapa-extend kami.

"Yun…tinaon na lang din niya sa birthday ko. Kasi, gusto ko rin siyempre na kasama ang pamilya. Binitbit ko ang buong pamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kumusta ang naging selebrasyon ng kanyang 31st birthday noong May 12?
“Masaya, masaya. Ang daming surprises sa akin. During the trabaho. After ng trabaho.
"Parang hindi tumitigil ang mga bumabati sa akin. Ang naging event doon, parang naging isang malaking birthday party ang lumabas.
"Kaya nakakatuwa at nagpapasalamat din ako sa lahat ng bumati, nagbigay ng regalo at nang-surprise.”

ON SON CALIX. Balitang malapit na rin daw ang anak niya na si Calix Andreas kay Bianca.
Ayon naman kay Dennis, “Close naman sila, dati pa. Si Bianca maalaga. Napapalapit din yung anak ko sa kanya.”
Nabanggit din daw ni Bianca sa isang interview na may pagkakataon na tila mas sumusunod pa raw si Calyx kay Bianca kesa kay Dennis.
Sabi naman ni Dennis, “Ako kasi, spoiler ako. Mahilig akong mag-spoil.
"Minsan, alam niyang kayang-kaya niya ko. Minsan hindi nakikinig sa akin.
"Pero nakikinig na siya ngayon. Okay na siya. Minsan matigas ang ulo, pero, okay naman. Nakakaya ko naman.”

LATE SARAH. Nagkaroon daw ng aberya sa shooting ng Boy Pick-up dahil na-late daw si Sarah Lahbati na nanggaling pa sa isang out-of-town cinema plug.
Ilang oras daw naghintay si Dennis. Pagdating ni Sarah sa set, pinuntahan agad niya ang aktor at humingi ng paumanhin.
“Pumunta siya sa akin, nag-sorry siya. Sabi ko, wala yun.
"Naiintindihan ko yun kasi, nagti-taping din ako sa malalayong location," sabi ni Dennis.
"Minsan, nangyayari talaga yung hindi nakakapag-communicate. Nangyayari yun minsan sa mga lugar na walang signal.
"Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi namin siya na-contact."
Kumusta naman si Sarah bilang leading lady?
“Okay siya, walang problema katrabaho. Siguro, sa mga nagawa niyang soap dito, nahasa na rin siya.
"Kaya ngayon, simple lang naman ang mga eksena namin dito. Sanay na sanay siya. Walang problema katrabaho siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN