Ai-Ai delas Alas explains why she’s out of the Bong Revilla-Vic Sotto MMFF entry: "Private matters."

Ai-Ai delas Alas wants to keep her relationship with boyfriend Jed Alvin Salang private. “Oo, kasi, unang-una, he’s a private person. Hindi naman siya from show business. So, I think, kailangan naman niya ng konting privacy. Siyempre ako, from show business, minsan nakakasama siya sa balita," she says.


Kararating lang ni Ai-Ai delas Alas mula sa kanyang halos isang buwan na pagbabakasyon sa America.

Ngunit personal itong dumating sa isinagawang promo ng Wako Wako, ang "Dear Wako, Anong Wish Mo?" sa Atrium ng Glorietta 5 kahapon para ibigay ang hiling ng isang masuwerteng letter-writer.

Isang batang may cerebral palsy ang nag-wish ng mga regalo para sa kanyang kapatid at personal sana na makilala ng ina nila ang Comedy Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Si Ai-Ai ang gumaganap bilang Dyosa Marishkasa sa Wako Wako, na magtatapos na sa Biyernes.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung ano ang naging impact ng naturang fantaserye sa kanya.
“Ang Wako Wako ay pambata at bumalik tayo sa pagkabata. At naniniwala tayo na kung anuman ang ating mga wish, ang iba rito ito ay natutupad.”
May naging partikular na wish din ba siya habang ginagawa ang serye?
“Ako naman, always, I wish for the happiness ng family ko, children, health and peace to all mankind,” natatawang sabi pa niya.
Ano ang mami-miss niya sa pagtatapos ng serye?
“Mamimiss ko si Direk Wenn [Deramas] at lahat sa cast.”
FAMILY VACATION. Galing sa Amerika si Ai-Ai kunsaan nagbakasyon ito kasama ang pamilya.
Bakasyon lang talaga ang inilagi niya sa isang buwan niya sa U.S. of A.?
“Nagbakasyon ako, one month ako roon. May show rin, pero more on personal ang reason.
"Okay naman. Babalik pa rin ako sa June dahil yung mga anak ko, nandoon pa rin, naiwan.”
LOVE LIFE. Kitang-kita sa aura ni Ai-Ai na masaya siya at mukhang fresh na fresh. Kinamusta namin ang love life niya.
“Fine, we’re happy,” ang nakangiti niyang sabi.
Masaya siya ngayon?
“Yes, masaya. Ganoon naman talaga. Kailangan laging ’think positive.’”
Nakikita ba niyang pang-matagalan na nga ang relationship niya?
“I hope forever…I hope,” natatawa niyang sabi.
PRIVATE PERSON. Bakit gusto niyang gawing pribado ang tungkol sa boyfriend niya ngayon?
“Oo, kasi, unang-una, he’s a private person. Hindi naman siya from show business.
"So, I think, kailangan naman niya ng konting privacy. Siyempre ako, from show business, minsan nakakasama siya sa balita.
“Pero kung maaari, ako na lang, ako na lang sana.”
Napag-uusapan na ba nila ang kasal?
“Let’s see…hindi pa natin alam. No comment na lang muna.”
TALENT SHOW. Pagkatapos ng Wako Wako, magpo-focus muna si Ai-Ai sa susunod niyang project sa ABS-CBN, ang Pilipinas Got Talent Season 4. Kung gagawa man daw siya ng teleserye, posibleng sa susunod pang taon.
Sabi ni Ai-Ai, “Usually, once a year lang ang teleserye ng artista. Unless, kasama sa kontrata mo yung dalawa o tatlo.”
JUDAY IN, AI-AI OUT. Binigyang-linaw din ni Ai-Ai na hindi na siya matutuloy na makasama sa gagawing pelikula nina Vic Sotto at Bong Revilla.
Silang tatlo sana ang magkakasama sa pang-Metro Manila Film Festival entry nila ngayong December 2012.
Ayon kay Ai-Ai, “Yung sa akin, hindi na matutuloy.”
Nang tanungin namin kung ano ang dahilan at hindi na ito matutuloy, natawa nitong sinagot, “Private matters.”
Si Judy Ann Santos na raw ang papalit sa kanya.
Dagdag pa niya: “Sa movie, next year na ko magma-Manila Filmfest.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN