Heart Evangelista opens up about breakup with Daniel Matsunaga; says she and Sid Lucero are "very close"

Heart Evangelista on reason of her breakup with Daniel Matsunaga: “You know, we’re very different and someone once told me, in the olden times daw, ’pag pini-pair up ang dalawang tao, tinitingnan nila yung compatibility—meaning upbringing, culture... And I think it’s true. At the end of the day, it’s still different when you both come from different worlds and the cultural differences come in and you fight about little things and


Live na nag guest si Heart Evangelista sa Startalk TX noong Sabado, May 20.

Una muna ay ang tungkol sa career ang pinag-usapan nina Heart at ng host na si Butch Francsico, ‘tulad ng primetime series niya sa GMA-7 ngayon na Legacy at ang upcoming na Luna Blanca.

Naging lifetime friends na raw ni Heart at naging parang mga kapatid na ang Legacy co-stars niyang sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Last taping day nila for Legacy noong Biyernes, May 18, at pinilit daw nilang huwag umiyak.

SID LUCERO. Pagkatapos pag-usapan ang women of Legacy, tinanong naman si Heart kung kumusta ang men of Legacy na sina Gabby Eigenmann at Sid Lucero.

“We’re all very close. Actually the whole set, lahat kami close kami.

“This is the first show na naging kaibigan talaga namin ang lahat.

“Walang negative, we all hang out, ‘pag walang trabaho magkakasama din kami," sabi niya.

Kaya ba sila nali-link ni Sid ay dahil very close sila?

“That is true,” sagot ni Heart.

Ano ang real score sa kanila ni Sid?

“It’s funny kasi… nakakatuwa. Madaming mga fans yung Iñigo [Sid’s character] at Diana [Heart].

“At least we know we’re doing a good job at napu-portray namin nang maigi kasi kinikilig talaga sila na in real life, feeling nila na kami na, in short.

“But no, we’re really, really good friends.

“We’re very, very close, we also go out—all of us.

“And kahit if not everybody’s there, it’s really just a good friendship, it’s a very good friends, yes.”

So, may good friendship na sila ni Sid?

“Yes, we’re very close.”

Would that lead to something else?

“I’m not ready,” sabi ni Heart.

Nagpaparamdam na ba si Sid na interesado itong manligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to say anything kasi parang I don’t wanna give myself parang pressure who I want to be with or anything.

"I just want to enjoy my life, no complications muna ganyan.”

Mabait daw si Sid.

“Sobrang bait, sobrang bait talaga.”

So puwedeng “candidate” as a boyfriend si Sid?

“Ayokong isipin na ganun kasi mapi-pressure ako so baka hindi na ako makipagkita.

“Ayoko ng candidate or something. Parang the more na feeling ko puwede siya, the more na ‘Ay, ayoko na.’”

May nararamdaman ba siya na nagpaparamdam si Sid?

“I don’t think of it that way, e, kasi we’re very close.

"He talks about his lovelife, I talk about my lovelife.

"If he was really interested he wouldn’t open up to me about these things kasi dapat hindi ko malaman yun.

“So I don’t think so, but we’re very, very close.”

REFLECTION. Magulo ang lovelife at buhay ni Diana sa Legacy, ito ba ay reflection ng totoong buhay ni Heart?

“Minsan pakiramdam ko, pero like Diana, siya kasi, when there’s a problem, pini-face niya. Ako kasi umiiwas ako sa gulo, e.

"So I hate confrontations, I hate complications, anything like that.

"So hindi ko masasabing sobra akong nakaka-relate ako sa kanya.”

DANIEL MATSUNAGA. Kumusta na sila ni Daniel Matsunaga after their breakup?

“To be honest, I haven’t talked to him.

"I think that’s what’s gonna really happen, na after a breakup, you give each other time.

“But I’m not angry, I’m not… everything’s okay, I don’t feel any anger or bitterness and I hope we can be friends one day," saad niya.

Ano nga ba ang tunay na dahilan ng breakup nila?

“You know, we’re very different and someone once told me, in the olden times daw, ’pag pini-pair up ang dalawang tao, tinitingnan nila yung compatibility—meaning upbringing, culture...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I think it’s true.

"At the end of the day, it’s still different when you both come from different worlds and the cultural differences come in and you fight about little things and it’s just accumulation of little things and we’re different.

“But it doesn’t mean that the other was horrible or masama ang ugali, no nothing like that," paliwanag ni Heart tungkol sa naging relasyon nila ng Brazilian-Japanese hunk.

Yung pag-uwi ba ni Daniel sa Brazil at pamamalagi doon ng isang buwan ay nakadagdag sa kanilang paghihiwalay?

“No naman," sagot ni Heart.

"I think when you love each other so much and you’re separated, the more you miss each other.

"But this, in a way, nakadagdag siya by making me think or making him think about what was going on and realizing things.”

Walang jealousy?

“No jealousy.”

So cultural differences lang talaga basically ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel?

“Yes, yes, basically.”

Pero hindi ba niya naisip sa simula pa lang ng relasyon nila ang tungkol sa cultural differences nila ni Daniel?

“Hindi, hindi talaga.

"Siyempre in the beginning it’s all, di ba, parang roses and magic and sparks.

"And then when reality sets in, and then you think about little things or the real world and what’s happening… basic things and you can’t get [over]… na yun, nag-aaway kayo sa maliliit na bagay, and then parang…”

Anong maliliit na bagay?

“Basta, ayoko ng… basta little things, stupid things, ganyan, na hindi na dapat pinag-aawayan, things you don’t’ ask for.

"And it’s the same with him, sometimes I don’t understand, so iyon.

“So instead na mag-away pa kami, instead that we end up hating each other, it’s better to end it like that na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May natitira pa bang pitak o space si Daniel sa puso niya?

“I will always love the person that I was with, always, but it’s just not like that anymore.”

Ano ang pinaka nami-miss niya kay Daniel?

“His ano, tina-try niya mag-Tagalog, iyan, nami-miss ko ’yan,” sagot ni Heart.

May kinalaman ba ang antas ng pamilya niya sa antas ng pamilya ni Daniel sa hiwalayan nila?

“For me, that’s not a problem.

"I think my parents will always get involved with everything that I get into, but at the end of the day, it’s my choice.

"And I never let them affect relationship or anything that I’m doing so hindi siya naging problema para sa akin.”

Sabi ni Heart, hindi raw matapobre ang kanyang pamilya.

Ano ang naging reaksiyon ni Heart nung umiyak si Daniel sa Showbiz Central nang nag-guest si Daniel after their breakup?

“Of course I felt bad, I felt bad.

"I was confused kung feeling bad ba ako para sa sarili ko, kung feeling bad para sa kanya na … but choice namin ito, e.

“We both came out on TV, inamin namin sa buong Pilipinas na kami, ganyan, we asked for it.

"So everything started in public and I guess everything will end in public kasi we owe it to the people kasi naku-curious sila.

"So iyon, ganun talaga.”

May last straw ba nangyari kaya nagwakas ang relasyon nila ni Daniel?

“No, wala namang ganun, wala naman siyang ginawang major that I decided to end it but it’s just…

"I’m twenty-seven and I’m really in a stage where it’s either I need to be alone, alone na lang ako, or I’m with the right person that I don’t have to argue my way out to get something, what I want or…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So parang for me, I couldn’t be in that relationship anymore kung hindi talaga siya nagwu-work.”

Ang mensahe ni Heart para kay Daniel…

“To Daniel, to Vanessa [Matsunaga, Daniel’s sister and Heart’s good friend], to everybody, I love you guys so much.

“And to Daniel, thank you so much for being such a good person, I know that you are a good son.

“Inaalagaan niya ang pamilya niya sa Brazil.

“You are who you are, I am who I am, we’re both from two different worlds but thank you so much for trying your best.

"I really appreciate that and I really wish you all the best, God bless you!”

SENATOR CHIZ. Tinanong naman si Heart kung aware ba siya na nali-link siya kay Senator Chiz Escudero.

“Yes,” ang tumatawang sinabi ni Heart.

“Yeah, I’m aware of that.

“It’s very showbiz to say, but we’re good friends. I’ve looked up to him for a very long time.

“He’s brilliant, he’s amazing, I enjoy talking to him and we’re good friends and that’s just it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN