Ai-Ai de las Alas on possible movie with Vice Ganda: "Siguro next year.”

“Siyempre, comedy icon. Kung isa kang baguhan, siyempre isang malaking pangyayari sa buhay mo yun na makasama mo ang mga comedy icon. Yung tinitingala talaga. Kaya una kong nabanggit, ‘Si Ms. AiAi po,’” says Vice Ganda when asked who among the stars he’d like to do a movie with and why.


Naging balita ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda noong nakaraang taon.

Sa katunayan inamin ito ni Vice Ganda sa naging panayam sa kanya ng The Buzz na may insidente ngang nagkita sila ni Ai-Ai sa isang hotel nang hindi sinasadya, pero hindi raw talaga sila nagpansinan.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa birthday party ng ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes noong isang linggo naganap ang pagbabati at pag-uusap nina Vice at Ai-Ai.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa taped interview ng The Buzz kina Vice at Ai-Ai ay ikinuwento nila ang nangyaring pagbabati nila.

Ayon sa kuwento ni Vice, “Birthday yun ni Tita Cory Vidanes. Nandoon ako at nandoon din si Ms. Ai-Ai.

“’Tapos tinawag ako ni Tita Cory. Noong tinawag niya ako, hawak-hawak niya ang kamay ko, nandoon na pala si Ms. Ai-Ai sa tabi niya.

“’Tapos sabi, ‘Si Ai-Ai, nandirito.’ Sagot ni Vice, “’Ay, good evening po.’

“Instant… noong nagkatinginan kami ni Ms. Ai-Ai, nagkayakapan na kami.

"Noong nagyakapan na kami, ‘I love you.’ ‘Tapos noong nag-’I love you siya’ sa akin.

"Sabi ko, ‘Sorry po. Kung anuman yun, I love you rin po, sincerely. I love you. Not only because it’s Tita Cory’s birthday, pero sincerely,’ sabi kong ganoon.

“’Tapos sabi niya, ‘Naku, dedma na yun. Basta love kita. Walang camera ‘to, walang camera.’

“’Tapos sabi ni Tita Cory, ‘Naku, wala. Walang camera ‘yan, para sa akin lang ‘yan.’”

Para kay Vice, nararamdaman naman daw niya na magkakaayos din sila ni Ai-Ai dahil wala naman daw silang seryosong pinag-awayan talaga.

Aniya, “Away? Ni hindi nga kami nagkatagpo na may commotion. Walang ganoon, e.

“Basta na lang lumaki rin, kasi nga, kung kani-kaninong bibig na lang din nanggaling yung istorya.”

MOVIE TOGETHER? Sabi rin ni Vice, mas magaan at mas maluwag raw ngayon na maayos na sila ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi kong sinasabi yun, mas masarap na marami kang kaibigan kesa sa kaaway.

“Kung magkasalubong kami sa ABS, mas maluwag, di ba? ‘Ms AiAi!’ Puwede akong sumigaw nang ganoon.

“Ganoon naman kami dati. Marami kaming common friends.”

Ngayong okay na sila ni Ai-Ai, posible na kayang magkasama sila sa pelikula?

Sagot ni Vice, “Ako naman, noong tinanong ako ng Star Cinema… noong gagawa ako ng pelikula sa Star Cinema, tinanong ako nila Tita Malou [Santos], ‘Kung meron ka bang request, sino ba ang gusto mong makasama?’

"Siya [Ai-Ai] ang una kong sinabi. Siyempre, comedy icon.

"Kung isa kang baguhan, siyempre isang malaking pangyayari sa buhay mo yun na makasama mo ang mga comedy icon. Yung tinitingala talaga.

"Kaya una kong nabanggit, ‘Si Ms. Ai-Ai po.’”

A GIFT. Katulad ni Vice, pareho lang din daw ng saloobin si Ai-Ai.

Nang makausap ng The Buzz ang comedienne, sinabi nito na: “Yun ang isang gift ko kay Tita Cory. Kasi yun ang hiniling niya sa akin.

"Actually, wala naman kaming yung hidwaan na talagang malaki.

“Siguro nagkataon lang na, alam mo na, kapag show business, di ba, hindi mo alam, may mga nasasabi minsan na hindi mo gusto.

"May nasasabi rin ako na baka nakakarating sa kanya na hindi niya nagugustuhan.

“So, nag-sorry siya, nag-sorry rin ako kung ano yung ano para okay na.”

‘Tulad ni Vice, sinabi rin ni Ai-Ai na mas magaan raw na nagkaayos na sila.

“Siyempre masarap yung wala kang kasamaan ng loob. Masarap yung lahat kayo happy.

“Kasi, maliit lang ang show business. Maliit lang ang mundo.

"So, lahat tayo magmahalan na lang.”

Pagdating sa pagsasama nila ngayon sa pelikula, ang tanging naisagot naman ni Ai-Ai: “Why not? Oo. Siguro next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN