Iza Calzado is back in new ABS-CBN teleserye Kahit Puso’y Masugatan; ready for new bonds, new ties

Iza Calzado, after coping with the death of her father Lito Calzado and breakup with Atticus King, is back on her toes. She reveals she is dating now: "I’m still dating the same guy. Wala pa kasi kayong pinapa-date pa sa akin… yung iba naman, ayaw lumapit."


Matagal-tagal na rin mula nang pumirma ng kontrata si Iza Calzado sa ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat mula sa GMA-7.

Bukod sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa regular stint niya sa ASAP, hindi pa napapanood ang aktres sa isang regular na teleserye.

Kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang naghihintay ng pagbabalik-serye niya.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) at Cinema News si Iza sa press launch ng clothing line ng Uniqlo sa Manila Intercontinental Hotel last May 16.

Dito ay nilinaw ni Iza kung bakit medyo nawala siya sa sirkulasyon.

Aniya, “I mean, there was just a lot of time for few months that I wasn’t really doing a lot of things, but honestly masaya ako dun.

“I was really grateful because prior to that, I can’t take vacation ‘coz my father [the late Lito Calzado] was sick.

"Actually, I really think everything that happened is just a gift.

“Feeling ko, He gave me, ‘Anak, magbakasyon ka. Okay anak, wala pa. Sige, mag-relax...’

"Pero ngayon, ’Okay anak, oras na para magtrabaho, tigilan mo na ‘yan, back to work na.’”

NEW TELESERYE. Itinuloy ni Iza ang kuwento na nagsisimula na sila ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan.


Kasama niya rito sina Gabby Concepcion, Andi Eigenman, at Jake Cuenca; mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.

“Bukas, mayroon na kaming photo shoot, storycon... mag-i-start na ang lahat.

“Kumbaga, the wheel will start its turn, the ball is rolling, so malapit na malapit na ang Kahit Puso’y Masugatan.

“Hindi pa kami nagwo-work, nag-workshop pa lang kami.

"Okay naman, masaya... marami akong natutunan sa proseso.

“Si Tito Pen [Medina] ang nag-conduct ng workshop, maraming naidulot na maganda.

“Kasi kumbaga, ina-analyze namin yung character, yung panggagalingan namin, yung objective ng character namin…

“It’s good thing to do before starting a program, so you don’t go in the set empty-handed or parang lost.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m happy and excited working with all of them... Direk Wenn [Deramas].

"I’m very happy to be part of this program right now," saad niya.

ADJUSTMENT PERIOD. Nakapag-adjust na ba siya sa ABS- CBN?

“Mabuti naman," sambit ni Iza.

"Nawawala-wala pa rin ako sa ELJ [isang building sa ABS-CBN compound], naliligaw pa rin ako!

“Sabi ko nga, bago kasi ako. ‘Tapos may ID na ako."

Marami na ba siyang naging kaibigan dito?

"Oh, yes... but my personality kasi, I don’t like, ‘Hey, let’s hang out.’

“Only of course there’s a need to hang out, occasional dinner, but I do have my friends in ABS, like Karylle.

"Kahit nga si Kay [palayaw ni Karylle], hindi kami nagkikita, mag-aaya pa ba ako ng iba?

“But I’m sure I’m starting a new series and I will be spending more time with other people.

“Maybe because of that, I will develop new bond, new ties.”

STILL DATING. Open book na nauwi sa breakup ang ilang taong relasyon ni Iza sa kanyang non-showbz boyfriend.

Nang tanungin ng PEP kung open siya sa bagong pakikipagrelasyon sa ngayon, sinabi niyang hindi siya nagsara ng pinto.

“I didn’t say that, there’s always time for love, di ba?

“I’m dating, I’m still dating the same guy.

"Wala pa kasi kayong pinapa-date pa sa akin… yung iba naman, ayaw lumapit.

“Ang tagal ninyo, ang bagal ninyo kasi!

“Baka naman talagang wala—waley,” natatawang pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN