Ogie Alcasid thankful for moral support wife Regine Velasquez is giving him

Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez: “Ay, ang laki-laki ng pasasalamat ko sa asawa ko! Ang laki-laki ng suportang ibinibigay niya sa akin. Hindi lang yung moral support kung hindi alam mo yung… siyempre nag-aalala rin ako sa anak ko, sa mag-ina ko. Pero pag-uwi ko, okay sila. At perfect wife… perfect mother.”


Isa si Ogie Alcasid sa pinaka-visible na artista sa kasalukuyan dahil sa dami ng kanyang mga ginagawang proyekto.

Bukod sa malapit nang ipalabas na Boy Pick-up The Movie, tinatapos niya rin ngayon ang musical film na I Do Bidoo Bidoo.

Sa TV naman, bukod sa regular shows niya sa GMA-7 na Party Pilipinas at Bubble Gang, nag-premiere na noong Linggo, May 20, ang talk show nila ni Michael V na Pare at Pare.

Malapit na ring mapanood si Ogie sa early primetime series na Daddy Dearest.

Si Ogie rin ang kasalukuyang presidente ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Kaya naman ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie ay kung natutulog pa ba siya?

“Last night… last night nakatulog ako.

“Pero kami ni Dom [Dominic Zapata, director ng Boy Pick-up], sanay na kami ng one-hour sleep.

“At saka yung one hour na yun, uuwi ako, four, four-thirty, pag-uwi ko, gising ang anak ko.

“Siyempre, laru-laro muna kami. Lambing-lambing.

“Minsan, napapatulog ko pa. Saka lang ako makakatulog.”

Nakausap ng PEP si Ogie sa last shooting day ng Boy Pick-up noong Huwebes, May 17.

REGINE AS WIFE AND MOM. Ayon pa sa singer-comedian, napakalaking bagay na ang misis niyang si Regine Velasquez ang nakatutok sa kanilang six-month-old baby na si Nathaniel James o Nate.

“Ay, ang laki-laki ng pasasalamat ko sa asawa ko!” sambit ni Ogie.

“Ang laki-laki ng suportang ibinibigay niya sa akin.

“Hindi lang yung moral support kung hindi alam mo yung… siyempre nag-aalala rin ako sa anak ko, sa mag-ina ko.

“Pero pag-uwi ko, okay sila.

"At perfect wife… perfect mother.”

Kumusta ang first six months nila kasama si Nate?

“Ang sarap, e. Kasi siyempre, yung six months niya, ang dami na niyang tricks.

“Umiikot-ikot na siya. Medyo tumatayu-tayo na ang ulo.

“Gusto niya yung kinukuwentuhan mo siya. Gusto niya yung surrounded by girls,” nangingiting kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas din daw kinakantahan ni Regine ang anak nila.

“Alam n’yo ang asawa ko, hindi ako kinakantahan niyan.

“Pero ang anak namin… nandoon sa album namin. Basta, inspirational song.

“’Tapos kapag ako ang kumakanta, siyempre songwriter ako, nag-iimbento na lang ako.

“Like, ‘Tutulog na si Bubu, mabaho ang pupu…’ Napapangiti ko naman siya.”

Kinumusta rin ng PEP kay Ogie kung ano na ang plano ni Regine at kung kailan ito magbabalik talaga sa showbiz nang full blast.

“Hindi ko alam, e. Siya na lang siguro ang tanungin n’yo,” sagot niya.

Hindi nila napag-uusapan ang tungkol dito?

“Hindi naman. Inuuna niya lang muna ang pagpapayat—yun ang objective niya so far. And she lost almost 10 pounds.

“Siyempre, gradual ‘yan. Hindi mo naman puwedeng madaliin ‘yan.”

Nagkaroon na rin ng TV commercial si Nate. May kasunod na ba?

“Wala pa, wala pa,” sabi ni Ogie.

“Inquiry, marami. Sana mas madali kung kasama kaming dalawa o at least, kasama si Reg.”

FAMILY REUNION. Sa September naman daw ay nakaplanong personal na magkita ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Sarah at Leila at ang anak niya kay Regine na si Nate.

Kuwento niya, “Sa September, nakaplano kaming pumunta ng Singapore. Manonood kami ng Formula 1.

“’Tapos, marami raw bagong rides doon, yung Transformers...

“And I’m also turning 45, so doon lang kami.”

Hindi na raw tutuloy ng Pilipinas ang dalawang anak niyang babae, si Michelle at ang mister nitong si Mark Morrow.

Sabi ni Ogie, “Doon naman. Palagi naman dito. Maganda rin naman yung magkita naman kami sa ibang bansa.”

Excited na rin daw ang mga anak niyang babae na makilala ang bunso nilang kapatid.

Sabi ni Ogie, “Super, super!

“And it would be nice na makilala nila ang kapatid nila. Gusto kong malaman kung ano ang feeling no’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN