Albert Martinez finds no reason for daughter Alyanna to stop styling Annabelle Rama’s daughter, Ruffa Gutierrez

Albert Martinez on why his wife Liezl Martinez’s work as an MTRCB board member is helping her and not detrimental to her health: “Kasi the problem when you’re into a situation, depression will kill you. Si Liezl ngayon, she’s very happy. And for her, it’s not stress. It’s giving her a new… parang reason to live other than the family, of course.”


Ang ipalalabas na debut movie ni Angeline Quinto, katambal si Coco Martin, na Born To Love You ang isa lang sa mga magagandang proyekto na ibinibigay ng ABS-CBN kay Albert Martinez.

Sunud-sunod ang projects ni Albert sa Kapamilya network mula sa unang proyekto niya noong 2006 na Sa Piling Mo.

Kasalukuyang napapanood si Albert sa primetime series na Princess And I.

Natutuwa si Alberty dahil binibigyan ng importansiya ng Kapamilya network ang pagiging isa niyang dedicated actor.

“Nagpapasalamat po ako sa ABS with all the best projects that the network has been giving to me,” nakangiti niyang sabi nang makapanayan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan para sa promosyon ng Born To Love You.

Nakaranas na rin si Albert ng pakikipagtrabaho sa ibang mga istasyon, pero hindi niya raw maikumpara ang importansiyang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN ngayon sa dating pinaglingkurang network.

“You cannot compare, e. Iba yung panahon noon, iba na ang panahon ngayon,” esplika niya.

“Iba na yung level noon.

“Noong araw, puwede na yung ganito lang, ganyan. Pero ngayon hindi, e. Kailangan puwedeng-puwede.

"Iba na yung playing grounds.

“And I’m happy and very thankful dahil inabot ko itong ganitong klaseng level in my lifetime na international caliber na yung product mo.

“Yung story telling mo ina-appreciate sa international market. And you’re working with the top-caliber directors, actors, writers.”

CAREER LONGEVITY. Aminado si Albert na hindi madali ang magkaroon ng mahabang career sa showbiz industry at maging in demand pa rin hanggang ngayon.

“Of course, hindi siya gano’n kadali. It’s a combination of so many things—from sacrifices, hardships, and getting the right project and materials,” sabi niya.

Ayon kay Albert, kasama sa hanapbuhay niya ang magkaroon ng maayos na personalidad at hindi kumukupas na ganda o kakisigan kahit may edad na.

“It’s a number one requirement. Kung hindi, next project mo, bababa ka, lower level. Bababa ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ka makakapamili kung yun lagi ang ino-offer sa iyo,” saad niya.

Maliban sa pagiging dekalibreng aktor, isa ring direktor at producer si Albert.

Kaugnay nito, aniya, “We’re co-producing Pusong Mamon [sequel ng naunang Pusong Mamon] together with Viva Films.

“Kami nina LT [Lorna Tolentino] and Eric Quizon. We’re producing the project.”

Pagdating naman sa pagdidirehe, wala raw muna sa plano niya na sundan ang period movie na Rosario na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado.

“Pahinga muna tayo because it takes so much of me to direct one film.

“And right now, I’m enjoying yung resulta ng career ko.

"Ima-maximize ko muna siya kasi maraming magagandang projects ang dumarating. Kaya ini-enjoy ko muna siya.”

HIS WIFE. Tungkol sa kanyang asawang si Liezl Martinez, proud si Albert sa pagsasabing sumakto sa asawa niya ang trabahong pinasok nito bilang board member ng Movie and Television Regulatory Classification Board (MTRCB).

“Oo nga, respetadung-respetado siya, e!” masayang bulalas ni Albert.

Bukod sa nagugustuhan daw ni Liezl ang trabaho nito, nagkaroon raw ito ng dedication sa mundong pinasok niya.

“Actually, buhay niya ngayon yun,” pagpapatunay ni Albert.

“She’s just excited to sleep early… excited to wake up in the morning and she’s excited to what’s she’s doing.

“I’m very happy and very pleased that she was considered to be part of the MTRCB.”

Wala raw talaga sa interes ni Liezl ang humarap sa kamera at umarte, ayon pa rin kay Albert.

“Ay, oo, even my kids. They’re the same.

"More [on] behind the camera,” patungkol niya sa interes ng kanyang asawa at mga anak.

Kabilang daw si Liezl sa unang desisyon ng MTRCB na isuspinde ang palabas sa TV5 na T3 Kapatid Sagot Kita!, hosted by the Tulfo brothers Erwin, Ben at Raffy, kaugnay ng mga naging pahayag nila on-air laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Albert, hindi raw naging topic sa tahanan nila ang tungkol sa isyu.

“Actually, we didn’t talk about it. It’s just that Liezl is a very fair person. She’s just doing what’s written sa book ng MTRCB.

"And basically it’s a collective decision ng mga miyembro, ng board members. She’s a part of the big team,” paliwanag niya.

Walang pag-aalala si Albert sa kalusugan ni Liezl kahit sinasabing stressful ang trabahong pinasok nito dahil sa dami ng isyu at complaints na inihahain sa MTRCB.

“Well, surprisingly, it’s the other way around. It keeps her alive more.

“Kasi the problem, when you’re into a situation, depression will kill you.

“Si Liezl ngayon, she’s very happy. And for her, it’s not stress. It’s giving her a new… parang reason to live other than the family of course.”

DAUGHTER ALYANNA. Ang kanya namang panganay na si Alyanna ay kilalang celebrity stylist nina Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, at iba pa.

“Alyanna is very successful in her… kaya nga hindi ko na anak si Alyanna—tatay na ako ni Alyanna, baliktad na!

"Because she’s very successful sa field niya.

“Ibang mundo siya, e. At ang maganda dun, naging successful siya on her own, not because of me.

“It’s because of her own talent. Her own time, title… and I’m very proud na na-achieve niya yun.”

HIS MOTHER-IN-LAW? Pero mukhang hindi pabor ang lola nitong si Amalia Fuentes sa pagiging stylist ni Alyanna dahil ang gusto raw ng dating movie queen ay mag-artista ang kanyang apo.

Ano ang reaksiyon dito ni Albert?

“E, siyempre may kanya-kanya tayong ambisyon at pangarap para sa ating mga mahal sa buhay.

“Kanya-kanya yun, e. Hindi yun ang ginusto ni Alyanna.

“Pero for me naman, Alyanna is happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the end of the day, ang importante ay happiness.”

May tampo ba si Alyanna sa kanyang lola dahil hindi nito tanggap ang pagiging isa niyang stylist?

“A, that I do not know. Hindi yata ganun yun.

"Hindi sa hindi sinusuportahan... as I’ve said earlier…” putol niya sa susunod niyang sasabihin dahil sa tanong namin kung totoong mas gusto ng kanyang biyenan na mag-artista si Alyanna.

“Ay, no, no, no!” tanggi ni Albert.

“Mas gusto niyang maging professional si Alyanna.

“Kasi si Alyanna graduated college nang maayos. She’s a marketing and fashion journalist.

“So, medyo parang it could have been… not could have been better kasi what’s she’s doing is good and she’s happy with it.

“Pero mas gusto siguro… like any other parents na mas gusto nating maging doctor or abudago yung mga anak natin.

“Pero yung field na pinasok ni Alyanna, not a normal or regular na pinapangarap ng magulang.

“But then again, surprisingly she’s successful sa ginagawa niya.

"And as a father, I’m very, very proud,” pagmamalaki niyang pagsasalarawan sa naabot ng anak.

Hindi normal ang tingin ng iba sa sitwasyon ngayon ni Alyanna dahil dinadamitan pa rin nito si Ruffa Gutierrez, na kaaway at idinemanda ng libel ng kanyang Lola Amalia.

Pero sa tingin ng marami, pinairal lang daw nito ang pagiging professional sa kanyang trabaho.

“She’s very professional. Sa kanya kasi ang trabaho, trabaho.”

FAMILY MATTERS? Hanggang ngayon ay balitang may samaan pa rin ng loob si Albert at asawang si Liezl kay Amalia.

Nauungkat ito ngayon dahil sa kontrobersiya na kinasasangkutan ni Amalia sa pamilya ng Gutierrez, partikular na kay Annabelle Rama at Ruffa, kung saan ay wala raw makitang suporta ang una sa kanyang manugang at anak.

“Ang tagal na niyan, 2012 na.

"Yung issue na ‘yan way, way back pa…1986 pa yata,” naiiling na reaksiyon ni Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa interview ni Amalia, sinabi nitong maayos ang samahan nila ng kanyang anak na si Liezl at pati ang manugang nitong si Albert.

“Wala kaming nakikitang problema with my mother-in-law. Wala,” pagpapatunay ni Albert .

“Siyempre, pare-pareho na kaming tumanda. May kanya-kanyang landas na tinatahak.

“Iba-iba na ang mundo namin. May kanya-kanya rin kaming issues sa buhay.

"May sarili rin akong problema…ganun yun, e.

“Tayo naman, we have to handle lahat ng situations sa problema natin on a case-to-case basis.

“Dahil kung hindi, mao-overwhelm tayo.

"Like right now, siyempre, ang basket ko puno na.

“Kung magdadagdag pa ako ng isa pa, baka tumapon na yun at malaglag yung laman.”

Walang planong mag-react si Albert sa isyu ng kanyang biyenan sa kasalukuyan dahil hindi raw niya personality ang ganun.

“Ang pagkatao ko talaga hindi ako nakikialam sa hindi ko away, e. ‘Pag hindi ko away, I’d rather stay away.

“Wala naman akong maitutulong. Hindi naman ikagaganda ng Pilipinas ang gagawin ko, so what’s the point?

“Pero if you ask for my help or assistance, I’d be more than happy to assist. Ganun lang.

“Pero hindi ako mamimilit or manghihimasok. Kumbaga, pare-pareho tayong matatanda na at alam natin ang pinapasok natin so…” pahayag ni Albert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN