Senator Tito Sotto on brother Vic running in 2013 poll: “Napag-uusapan.”

“At the moment, he doesn’t see the need for it. I don’t think it’s that important at the moment as far as he’s concerned,” says Senator Tito Sotto about rumors that his younger brother, TV host-actor Vic Sotto, will be running for a political position in 2013 elections.


Papasukin na ba ng Eat Bulaga! host at Box-Office King na si Vic Sotto ang pulitika?

Ito tanong ng publiko ngayon dahil lumalakas ang balitang kakandidato ang Enteng Kabisote actor bilang mayor ng Quezon City o di kaya ay bilang senador.

Sa pinakahuling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kapatid ni Vic na si Senator Tito Sotto, inamin nito na "maraming kumakausap" sa kanyang nakababatang kapatid.

Gayunman, nilinaw niya na wala pa naman daw plano si Vic.

“Sa ngayon, although paminsan-minsan ay napapag-usapan namin sa kuwentuhan ‘yan, wala siyang plano at wala kaming plano,” sabi ni Senator Tito sa inihandang press conference para sa ine-endorso niyang hair clinic na Svenson kamakailan.

Dagdag pa niya, “‘Yang mga ganyang salita, lalo siyang naaano [umaayaw].

“At the moment, he doesn’t see the need for it. I don’t think it’s that important at the moment as far as he’s concerned.

“He’s doing public service right now, di ba?

“‘Yong programa kasi namin [Eat Bulaga!], e, it is now a public-service program, masquerading as an entertainment show.

"Di ba, gano’n na ang nangyayari ngayon, e.”

Pagkatapos nito ay nagbiro pa si Senator Tito, “Unless uminit ang ulo niya, at the moment, wala pa.”

Kung sakaling magdesisyon si Vic na pasukin ang pulitika, susuportahan ba niya ang kanyang kapatid?

“Of course, and most probably he will join my party,” sagot ng senador.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng PEP sa kasalukuyang alkalde ng Quezon City at dating aktor na si Herbert Bautista, naniniwala siya na hindi tatakbo bilang alkalde si Vic sa susunod na eleksiyon.

“I don’t think he’ll do that… Pero, bossing, huwag naman!” pahayag ni Herbert.

Kung sakali kasi ay magiging magkatunggali sina Herbert at Vic para sa posisyon ng alkalde sa 2013 elections.

Si Herbert ay tatakbo sa nasabing posisyon para sa kanyang ikalawang termino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN