Jessica Sanchez and Phillip Phillips face off on American Idol finale

Phillip Phillips and Jessica Sanchez faced off during the finale of American Idol Season 11 held earlier today, May 23, at the Nokia Theatre in Los Angeles, California.


Nagharap na sa finale ng American Idol Season 11 sina Jessica Sanchez at Phillip Phillips.

Interesado ang maraming Filipinos kung ano ang magiging resulta ng kanilang paghaharap at marami rin sa kanila ang gustong manalo si Jessica.

Ito ay dahil may dugong Pinoy ang finalist na si Jessica.

Ang ina ni Jessica na si Editha ay Pinay na tubong-Samal, Bataan; ang ama niyang si Gilbert ay Mexican.

Naninirahan ngayon ang pamilya nina Jessica sa Chula Vista, California.

Kanina sa finale—na ginanap sa Nokia Theatre sa Los Angeles, California—ay dumaan sa tatlong rounds sina Jessica at Phillip.

Una ay kinanta nila ang awiting pinili para sa kanila ng Idol creator na si Simon Fuller; pangalawa ay personal favorites nila mula sa season; at pangatlo ay ang magiging first single nila kapag sila ang nanalo.

Ang pinili ni Simon para kay Jessica ay “I Have Nothing” ni Whitney Houston. (CLICK HERE to watch video.)

“Stand By Me” ni Ben E. King naman ang pinili ng Idol creator para kay Phillip.

Sa round na ito ay si Jessica ang nanalo para sa mga judges na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez, at Randy Jackson.

Sa Favorite Performance ng dalawang finalists, kinanta ulit ni Jessica ang “The Prayer” nina Andrea Bocelli at Celine Dion. Kinanta ito ni Jessica sa Las Vegas round at nagpapasok sa kanya sa Top 24. (CLICK HERE to watch the video.)

Ang pinili naman ni Phillip na favorite performance niya ay “Movin’ Out” ni Billy Joel na una niyang kinanta sa Top 10.

Sa round na ito ay si Jessica ang pinili ni Steven, si Phillip para kay Jennifer, samantalang tabla naman para kay Randy.

Sa individual original songs round, “Change Nothing” ang titulo ng kinanta ni Jessica (CLICK HERE to watch video.) at “Home” para kay Phillip.

Hindi nagustuhan ng tatlong judges ang kanta ni Jessica, pero maganda raw ang pagkakaawit niya at binigyang-buhay niya ang kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang standing ovation naman ang iginawad ng tatlong judges kay Phillip pagkatapos ng kanyang huling performance.

Bagamat nagbigay ng kanilang mga komento ang judges tungkol sa performances nina Jessica at Phillip, ang desisyon kung sino ang mananalo sa kanila ay nakasalalay pa rin sa viewers.

Ang boto mula sa publiko ang magdedetermina kung sino kina Jessica at Phillip ang tatanghaling American Idol.

Kung purong boses ang pag-uusapan, walang duda na nakalalamang sa departamentong ito si Jessica.

Pero base sa obserbasyon ng experts, tila nasa pabor ni Phillip ang odds at ang kanyang pagiging WGWG—white guy with guitar.

Sa huling apat na seasons ng American Idol ay puro white guy na marunong maggitara ang nanalo—David Cook (Season 7), Kris Allen (Season 8), Lee DeWyze (Season 9), at Scotty McCreery (Season 10).

Bukod dito, ayon sa demographics, malakas ang hatak ni Phillip sa mga teenagers at kababaihan na malaking bulto ng American Idol viewers.

Kung magpapatuloy ang ganitong trend, si Phillip ang magiging ika-limang WGWG na mananalo ng American Idol.

Ang huling babaeng contestant na nanalo sa American Idol ay si Jordin Sparks noong Season 6.

Kung may isa namang kalamangan si Jessica kay Phillip, bukod sa boses, ay ang suportang nakukuha niya mula sa mga kapwa niya Pinoy—hindi lamang sa Amerika kundi maging dito sa Pilipinas.

Tiyak na magiging malaking tulong ang mga botong magmumula sa Pilipinas, lalo na’t marami ang nangangampanya upang tanghalin si Jessica bilang kauna-unahang half-Pinay na American Idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN