Rayver Cruz on girlfriend Cristine Reyes’s issue with Ara Mina: "Basta lagi lang akong nandito para sa kanya."

Rayver Cruz on portraying the role of Xerces, the brother of Joseph Marco’s character in MMK: “Sobrang masaya ako sa feedback sa MMK ko kagabi [May 19]. Happy ako na maganda ang kinalabasan.”


Nitong mga huling buwan, napabalitang hiwalay na ang showbiz couple na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.
Mariing itinanggi ito ng dalawa, at madalas nilang sabihin na maayos naman ang kanilang relasyon.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at Cinema News noong nakaraang Linggo sa dressing room ng ASAP Rocks, sinabi ni Rayver na ang mga intrigang pinupukol sa kanila ni Cristine ay lalo lamang nagpapatatag at nagpapatibay sa kanilang samahan.
Ang bungad nito, “Same pa rin kami ni AA [palayaw ni Cristine]... Kung ano kami dati, ganun pa rin kami ngayon.
"Oo, siguro dahil din sa mga intrigang ’yan naging mas matatag kami.
"Ako, para sa sarili ko, mas naging matatag ako.
"Saka hindi mawawala ’yan, e, yung mga issues... Sa showbizness naman, pag di pa kayo, pilit paaamining kayo na, at pag kayo na, paaamining hiwalay na kayo. Ganun lang naman talaga sa atin, kumbaga sanay na kami.”
Napunta ang usapan sa reklamong grave coercion at libel na isinampa ni Ara Mina sa nobya ni Rayver, ano ang masasabi ng binata tungkol dito?
“Mabait na tao si Cristine. Basta lagi lang akong nandito para sa kanya,” ang matipid nitong sagot.
Huli siyang napanood sa Reputasyon bilang leading man ni Cristine. Ang susunod nitong proyekto ay ang seryeng Ina, Anak, Kapatid pero balitang "support" lamang daw ang role nito sa mga bidang sina Kim Chui, Xian Lim, Enchong Dee at Maja Salvador.
Pero hindi naman daw ito problema sa Star Magic talent.
Aniya, “Siyempre natuwa ako [na] after ilang months, start na ulit akong magtrabaho. Na-miss ko talagang umarte.
"Happy ako, excited [dahil] bukod sa primetime, mapapanod na uli ako ng tao na umarte uli.
"Ang nakakatuwa pa ’yung mga cast na kasama ko, mga kaibigan ko at magagaling silang mga artista kaya happy ako sa project na ito.
“Walang issue sa akin kung bida man o support lang, maganda yung role and very challenging, yun ang importante sa akin.
"Basta maganda ang proyekto at mga kasama mo mga magagaling na artista, mga kaibigan ko pa, masaya ako sa project an ito. Never naman na naging issue sa akin na kailangan palaging ako yung leading man.”
Naniniwala si Rayver na walang malaki o maliit na role sa isang artista.
Dagdag pa niya, “Basta gawin mo lang ang trabaho mo nang maayos at ipakita mo sa kanila na karapat-dapat ka at yun naman talaga ang gagawin ko."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN