Kathryn Bernardo on Daniel Padilla’s pronouncement that he’s ready to marry her: “Sabi? Talaga? Let’s see after 20 years."

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla’s plan to court her: "Bata pa ako, 16 pa lang ako..."


Ikinagulat ng marami ang naging pahayag ni Daniel Padilla noong Sabado, May 19, sa Showbiz Inside Report na seryoso ang nararamdaman niya para sa kaparehang si Kathryn Bernardo at handa siyang pakasalan ito.

Consistent noon pa man si Daniel sa pagsasabi ng special feelings niya para sa young actress.

Liligawan raw niya si Kathryn pagkatapos ng serye nilang Princess and I para maipakita na ang mga sinasabi niya ay ’di lamang para sa promo ng pinagtatambalang soap.

WIFE MATERIAL? Napangiti si Kathryn nang banggitin sa kanya ang sinabi ni Daniel.

“Sabi? Talaga? Let’s see after 20 years. Bata pa ako, 16 pa lang ako," ang nasambit ng dalaga sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong May 20, sa backstage ng ASAP.

Sa pagpapatuloy ni Kathryn, "Yung pagpapakasal siguro, joke lang ni DJ [tawag niya kay Daniel] yun kasi mahilig yung mag-joke, pero ‘di yun totoo."

Wife material daw kasi ang tingin sa kanya ni Daniel?

“A wife material? Siguro kasi nakikita nila na para akong mommy din sa set na parating nagsasabi na bawal magpalipas ng pagkain.

“Lahat naman sila very caring naman ako, ‘Oy, ‘wag nga kayong ganyan. Oy ganito ‘yan.’ Ayoko namang nagbi-BI [bad influence] din kasi ang aking mga kasama."

Pero wala pa raw sa isip ng 16-year-old actress ang pag-ibig.

Aniya, “Pero sa akin kasi, I think dapat manligaw ‘pag nasa legal age na. So ako naman open ako sa panliligaw, pero bata pa ako, e.

“’Di ko masasabing nanlilligaw sa DJ. Siguro lang kino-consider niya lang ako na very special friend.

“And napi-feel ko naman na very caring siya, gentleman. Siyempre ‘pag babae ka, napa-flatter ako kasi may ibang nagke-care sa akin na tao bukod sa family and friends ko, ‘di ba.”

DANIEL’S CHANCES. May pag-asa ba sa kanya ang young actor kung ipu-pursue nito ang balak na panliligaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sincere namang manligaw, kahit sino may pag-asa."

May pahayag dati si Kathryn na ayaw niya sa isang lalakeng babaero. Ano ang masasabi niya sa tingin ng ilan na mukhang "playboy" daw si Daniel?

“Siguro naman lahat ng babae, ayaw namang bolahin at maging babaero yung boyfriend nila o nanliligaw sa kanila.

“Para sa akin siyempre, ayoko naman talaga. Yung kay Daniel, siguro yung dating lang niya, yung karakter niya," ang pahayag ni Kathryn.

“Pero ‘pag nakilala ninyo siya in person kung ano talaga ang character niya, ibang-iba sa akala ninyong mayabang na maangas na playboy.

ENVY OF GIRLS. Sa estado ng kanyang career, marami siyempre ang humhanga sa kanya at gustong maging katulad siya.

Ang komento ni Kathryn, “Siguro nakakatuwa kasi sa akin naibigay yung… kasi sa role ko, marami ang naa-ano kasi tatlo-tatlong boys nga raw [ang katambal], so ganyan.

“Happy ako kasi ako yung nasa shoes na yun."

Sa mga girls naman na may crush kay Daniel, ang natatawang sabi ni Kathryn, "Yung kay DJ naman, well may pag-asa pa sila... Naku, ayokong sumagot.”

Hindi kaya mauwi sa totohanan ang relasyon nila ng katambal dahil sa mga pag-u-udyok ng fans?

“’Di naman ako napi-pressure kasi kino-consider ko si DJ na bestfriend ko na lalake.

“’Di kami napi-pressure na dapat kami ang magkatuluyan.

"Basta ang importante, yung ngayon, hindi yung future.

“Basta ako, thankful especially sa Kathniels [tawag sa fans nila ni Daniel].

“Dun sa Twitter makikita mo na sinusuportahan nila kami.

"Sana sa mga mall shows namin, magkikita-kita tayo kasi yun ang way ng pag-thank you namin sa kanila.”

Sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Princess and I, mas nakakahinga na raw siya nang maluwag.

“Nakahinga kaming lahat nang malaman namin na pataas nang pataas yung ratings ng Princess and I every night. ’Tapos dun pa kami sa primetime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming, maraming salamat sa tumanggap sa amin sa Primetime Bida.

"Yung mga viewers na nanood every night, thank you guys,” ang masaya niyang sambit.

Ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahan niyang serye ay patunay raw na kaya na ni Kathryn na magdala ng sarili niyang show.

“Hindi naman sa akin lang yung credit. Of course, nakatulong yung tatlong leading men saka sila Ms. Gretchen Barreto and Mr. Albert Martinez.

“So para naman sa akin, ‘di naman siguro dahil lang yun sa akin, I think it’s because of the other cast din.”

Noon ay kinukumpara siya kay Julia Montes at sinasabing napag-iiwanan na siya nito.

“I think yung sinasabi nila before na napag-iwanan, I think hindi yun ang right word.

“Nauna lang siyang i-launch na mag-isa. Para sa akin, okay lang na waiting kasi alam ko na may plano din sa akin ang management.

“Ngayon, thankful na lang kami, magkasunod pa yung shows namin sa primetime.

“So ‘yung mga fans ng Mara Clara before, after nila akong panoorin, si Julia naman.

“Kami, sinu-support namin ang isa’t-isa. Wala sa amin yung paangatan o yung sinasabi nilang nakahabol na ako kay Julia.”

PROJECT WITH JULIA? Sakali mang pagsamahin sila ni Julia ulit, ikatutuwa raw ito ni Kathryn.

“Of course naman, very open ako to work with her again, and sana magkaroon ng chance na magkasama kami uli after ng projects namin.

“Continous pa rin‘yung friendship, nandun yung communication, nagkikita-kita kami paminsan-minsan kahit yung schedule super busy.

“’Di naman kahit kailan kami naapektuhan ng mga intriga.

“Mamaya, magkikita kami, may dinner kami. Kami lang ‘tapos may barkada kami na non-showbiz na parang mommy namin.

“Parang celebration namin ng Mother’s day," pagtatapos ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN