All-boy group Down To Mars to represent Philippines in South Korea celebration

All-boy group Down To Mars said they were contacted by the Department of Tourism to go to South Korea to perform on its National Day on July.


Masayang-masaya ang grupong Down To Mars kahapon, May 22, dahil natupad na ang kanilang pangarap—ang magkaroon ng album.

Kahapon nga ay pormal na ini-launch ang kanilang kauna-unahang album sa Dolce Bar, Quezon City na dinaluhan kanilang mga tagasuporta, fans at mga miyembro ng media.

Self-titled at naglalaman ng anim na kantang pawang orihinal ang album na ini-record ng tinaguriang “Interpop Group” sa PolyEast Records.

“My Everything,” “O, Oh Here We Are,” “Fly,” “ Fool’s Paradise,” “Nandito Lang Ako,” at “My Everything (Remix)” ang bumubuo sa songlist ng album.

Puro mga half-Pinoy at may lahing Korean, Chinese, at Japanese ang pitong miyembro ng Down To Mars na sina Kenji Chua, Jang Seung Ri, Jeongwon Song, Sky Young, Daisuke Hagihara, Yheen Valero, at Kiro Rivera.

Pero lahat sila, sa Pilipinas halos ipinanganak at lumaki, kaya sa puso at pagkatao nila, masasabing mga Pinoy raw sila.

HOW THEY STARTED. Paano nga ba nabuo ang Down To Mars at paano nila naisip ang pangalan ng grupo nila?

“Yung Down To Mars, kinuha po namin sa ‘down-to-Earth.’ Kasi, naniniwala po kami na yung success, humility rin po,” paliwanag ni Jeongwon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na naroon.

“Tinapatan yung word na ‘Earth’ sa Mars. Kasi po, ‘Men came from Mars and Women came from Venus.’ Kaya naman po yun ang naisip naming,” dugtong naman ni Jang na may reference pa sa 1992 American best-selling book on relationships na Men Are From Mars, Women Are From Venus na isinulat ng American author na si John Gray.

Mismong ang veteran dance choreographer at talent manager na si Geleen Eugenio ang unang naka-diskubre sa grupo nang makita niya ang ilan sa mga ito sa Party Pilipinas.

Matagal na raw silang magkakasama, at sa kanilang grupo at music lang daw sila naka-focus.

Sabi nga ni Daisuke, “Wala pa po kami sa showbiz, magkakaibigan na po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakatira po kami sa isang bahay. Wala po sa isip namin ang hiwa-hiwalay kasi, ngayon pa lang po, ito na ang na-achieve ng aming grupo.

“Solid po kami. So, bakit po namin iisiping maghihiwa-hiwalay agad?

“Marami pa po kaming gustong ma-achieve.”

WORKING WITH MARIAN. Marami naman ang naiintriga kung paano raw napapayag ng DTM (initials ng Down To Mars) ang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera na maging bahagi ng kanilang unang MTV para sa kanilang carrier single na “My Everything.”

Paliwanag ni Kenjie, “Sa pagkausap po kay Miss Marian, malaki po talaga ang utang na loob namin sa aming nanay, si Ms. Geleen Eugenio po talaga ang kumausap sa kanya.

“At napakasarap po talagang katrabaho ni Miss Marian.

“Sa totoo lang po, napakabait niya po sa amin.”

A SONG FOR MS. WILMA. May kanta naman ang DTM para sa dating GMA-7 executive na si Wilma Galvante, ang kantang “Nandito Lang Ako.”

Isa raw kasi ang dating GMA-7 Senior Vice President for Entertainment sa mga taong nagbigay ng pagkakataon sa kanila noon. Hindi raw nila makalimutan si Ms. Wilma.

Kaya naman natuwa sila nang makitang personal na dumating ang dating Kapuso exec sa kanilang album launch.

Naluha pa si Ms. Wilma nang ialay ng DTM ang “Nandito Lang Ako” sa kanya.

Nang tanungin naman ng PEP kung may girlfriends na ba ang pitong miyembro ng DTM, pare-pareho silang nagsabi na pawang single pa sila.

Nagtilian tuloy ang fans ng grupo na matiyagang nanonood sa itaas na palapag ng Dolce Bar.

Lalo pang nagtilihan ang mga tagahanga ng DTM nang sabihin nilang ang fans daw nila ang kanilang girlfriends ngayon.

PITTED AGAINST XLR8? Hindi naman maiwasang intrigahin ang DTM sa isa pang boys group ng Party Pilipinas na may katulad din nilang porma at klase ng musika, ang XLR8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong nga sa DTM, pakiramdam ba nila’y naungusan na nila ang XLR8 at sila na ang pumalit sa mga ito sa pang-Linggong afternoon show ng GMA-7?

“Hindi naman po namin naiisip na kami po talaga yung pumalit,” sagot ni Jang.

“Kasi kami po, ginagawa lang po talaga namin ang trabaho namin sa Party Pilipinas. We are assigned to perform.

“Regarding po sa kabilang grupo, hindi po namin alam what happened to them.

“Basta po kami, buo po kami sa grupo namin,” dagdag pa ni Jang.

GOING TO SOUTH KOREA. Masaya ring ikinuwento ng grupo na sa July ay tutungo sila ng South Korea para i-represent ang Pilipinas sa National Day ng nabanggit na bansa.

Mismong ang Department of Tourism ng Pilipinas daw ang kumausap sa kanila para pumunta sa selebrasyon ng South Korea.

Kakanta raw sila ng tatlong awitin sa selebrasyong iyon.

Bukod pa sa pagpunta nila sa South Korea, posible rin dawn a mapanood Down To Mars sa ilang sitcoms ng Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN