Jessica Sanchez’s supporters in Bataan predict win of half-Pinay singer on American Idol

Eksaktong alas-sais kagabi, May 23, nang itigil ang programa tampok ang mga Kapatid star dito sa covered court ng Samal, Bataan para bigyang-daan ang public viewing ng American Idol Season 11 finale kung saan kasali ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez. Ang kanyang ina na si Editha Sanchez ay nagmula sa bayang nabanggit.

Mula pa kaninang hapon kung saan inumpisahan ng isang programa ay parami nang parami ang mga taong


Eksaktong alas-sais kagabi, May 23, nang itigil ang programa tampok ang mga Kapatid stars sa covered court ng Samal, Bataan.

Binigyang-daan kasi ang public viewing ng American Idol Season 11 finale, kung saan kasali ang Filipino-Mexican na si Jessica Sanchez.

Ang ina ni Jessica na si Editha Bugay Sanchez ay mula sa bayan ng Samal.

Mula pa kaninang hapon ay inumpisahan na ang isang programa na dinaluhan ng mga taga-Samal at karatig-bayan.

Dito nagtipun-tipon ang mga taga-Bataan para tunghayan nang sabay-sabay ang performance ni Jessica at ng katunggali niya sa finale na si Phillip Phillips.

Nanguna sa mga nagpugay at nanood kay Jessica ay ang mayor ng Samal na si Generosa “Gene” M. dela Fuentes.

Sa pahayag ng mayora sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naniniwala siyang malulusutan ni Jessica ang American Idol.

Sabi niya, “I am certain na sa galing ni Jessica she will be on top.

“Win or lose she’s still a winner, kasi napakalaki ang nagawa niya para sa ating mga Filipino.”

Kasama rin sa nakipagpugay ay ang provincial board member ng Bataan na si Dexter Domiguez—na mas kilala kilala sa pangalang Teri Onor sa showbiz.

Pahayag ng board member, “Para sa amin dito sa Bataan, napakalaking kaligayahan ang nakamit ni Jessica Sanchez.

“Right from the very start… napanood ko kasi yung audition, lahat.

“Grabe, grabe si Jessica Sanchez! Grabe yung talent niya."

Isa sa mga Kapatid stars na nagtanghal sa mga taga Samal ay si Arnell Ignacio.

“Siya na yun!” patungkol niya kay Jessica.

“Parang wala namang kakuwenta-kuwenta kung hindi si Jessica Sanchez ang mananalo,” pagsisiguro pa ni Arnell.

Sa tanong namin kung handa na ba ang America na tanghaling American Idol winner ang isang hindi purong Amerikano…

“Not only America, the world is ready for Jessica Sanchez,” bulalas ng singer-comedian.

Nakapanayam din ng PEP Armida Bugay Demetia, ang first cousin ng lolo ni Jessica na si Eddie Bugay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Armida patungkol kay Jessica, “Very sweet siyang kumanta ‘pag love song, feel na feel niya.

“Proud na proud kami sa kanya. Kadugo namin yun, e.”

Sa kabuuan ay umapaw ang suporta ng mga taga-Samal, Bataan para kay Jessica.

Ngayong araw, May 24, inaasahang mas marami pa ang manonood para sa proklamasyon ng mananalo sa American Idol.

Dasal at hangad ng mga ng mga kababayan ni Jessica ang tagumpay ng kanilang pambato at kababayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN