Win or lose, celebrities show support for Jessica Sanchez on Twitter

Two of the country’s finest singers Ogie Alcasid (left) and Zsa Zsa Padilla are very proud of Jessica Sanchez, the only Asian so far who almost won the AmericanIdol title.


Ngayong araw, May 24, naganap ang finale ng American Idol Season 11, kung saan kasama sa Top 2 ang may dugong Pilipino na si Jessica Sanchez.

At kahit na ang kanyang katunggali na si Phillip Phillips ang nanalo, proud pa rin ang mga Pinoy dahil sa impressive performance ng 16-year-old singer.

Kabilang na rito ang maraming local celebrities na nagpaabot ng kanilang suporta kay Jessica sa pamamagitan ng Twitter.

Isa na rito ang Kapamilya actress na si Iza Calzado.

"Dear @JSanchezAI11 you are an amazingly talented artist. It’s just a title. You can be so much more than that. Make it happen! Mabuhay Ka!," pahayag ni @MissIzaCalzado.

Pinuri din ng Journey frontman na si Arnel Pineda si Jessica.

"@JSanchezAI11 You did a great job and will always be a winner in our hearts," said @arnelpineda.

Ipinagmamalaki naman ng Kapuso singer-actor at chairman ng OPM na si Ogie Alcasid ang dalaga.

"Jessica! We are proud of you!" saad ni @ogiealcasid.

Samantala, kahit proud ang Kapamilya singer na si Zsa Zsa Padilla para kay Jessica ay in-acknowledge din niya ang pagkapanalo ni Phillip.

"Congratulations, Phillip Phillips. Great job, Jessica!!! Extremely proud of you!!!" sabi ni @zsazsapadilla.

Para naman sa award-winning composer and musical director na si Ryan Cayabyab, si Jessica ang "champion."

"PHILlIP PHILLIPS. American Idol. But Jessica will remain the champion in my heart. Congratulations to you both. It was a good season," saad ni @ryancayabyab.

Ipinaabot naman ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pagmamahal niya para kay Jessica.

"i guess america isn’t ready yet for an asian-latina american idol winner.. but the world is!!!! we love you @JSanchezAI11! :) #idolfinale," saad ni Bianca (@iamsuperbianca).

Umaasa naman ang TV host na si Rovilson Fernandez na magpe-perform si Jessica sa Pilipinas.

"Dont fret ya’ll. Im sure BOTH will be performing here in Manila. The Flexican at the new MOA Coliseum and Phillips at Ayala Malls," saad ni Rovilson (@rovilson_f)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN