American Idol runner-up Jessica Sanchez still makes kababayans in Bataan proud

Jessica Sanchez gets support from the kababayans of her mom Editha Bugay in Samal, Bataan, which mounted a public viewing of the American Idol Season 11’s finale.


Bahagyang nalungkot ang mga kababayan ni Jessica Sanchez sa Samal, Bataan, nang banggitin ang pangalan ni Phillip Phillips bilang winner ng American Idol Season 11.

Simula kagabi, May 23, nagtipun-tipon ang mga residente ng lugar sa plaza, kung saan naganap ang public viewing ng head-to-head performance nina ni Jessica at Phillip.

Kaninang umaga, May 24, nakatutok pa rin sila para naman sa announcement ng results.

Kasama ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at YES! magazine ang Associated Press at Reuters na sumadya sa bayan ni Editha Bugay, ang ina ng 16-year-old half-Pinay finalist.

Naging malakas ang palakpakan nung nakipag-dueto si Jessica kay Jennifer Holliday sa kantang “And I Am Telling You I’m Not Going.”

Bigla namang bumaba ang energy nung hindi si Jessica ang binanggit na winner.

Habang papaalis ng covered court, halo ang reaksiyon ng mga tao— ang iba ay nakangiti, ang iba ay dismayado.

Ang pahayag naman ng mayor ng Samal, Bataan na si Gene dela Fuentes, “Medyo kinakabahan pa ‘ko hanggang ngayon. A…I keep on saying, it’s not going to make any difference. Kung ano ang naipakita ni Jessica, kung ano ang naidulot ni Jessica sa sambayanang Filipino, it will remain the same.

“Jessica, you’re still the champion! Ikaw ang number one!”

Ang taga-Samal ding si Jack “Jackie” Canlas, na nagbihis “diva” para sa kanyang pagdalo sa public viewing, ay nagsabing "disappointed siya sa resulta."

Aniya, "Kasi parang hindi naman tama yung naging desisyon na… talagang blood is thicker than water talaga,” na ang tinutukoy niya ay ang pagpili ng mga Amerikano sa kapwa puti.

Nanghina at nanghimutok naman ang isa pang residente na si Red Gonzales, “Medyo bitter kasi pinakita talaga ni Jessica yung talagang performance level niya and deserve niya manalo."

Ganito rin ang komento ng isa pang residente na Judel ”Sweet”Llanes: “Ang reaksiyon ko? Sobrang bitter ako ngayon kasi, ‘di ba, hoping kami na siya talaga yung magta-title. Kasi sa performance-wise talaga, kung titingnan mo yung performance ni Jessica, siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero,kung titingnan mo sa pagboto talaga, naniniwala pa rin ako na blood is thicker than water. Mga Americans pa rin.

"Di ko naman sinasabi na racist sila. Pero nakaka-intriga lang na kahapon sa showdown, hindi naman gano’n kabongga yung performance ni Phillip pero nag-standing ovation sila.

"Pero si Jessica nakita mo naman, buong mundo ang magsasabing napakahusay niya.”

Ayon naman kay Beth Pagaduan na hindi ininda ang ulan at ambon makapanood lang, “Nalulungkot ako, pero siguro talagang gano’n. Kasi nga yung kulay niya siguro yung tiningnan.Pero siyempre, mas gusto sana namin siya yung nanalo, pero inaasahan namin talaga na siya yung mananalo. Pero talagang gano’n...”

Si JosephineMacalinaw naman ay positibo pa rin sa sinapit ng kababayang si Jessica. Ayon dito, “Masaya rin naman kami kahit hindi siya yung naging first sa American Idol."

Pahayag naman ni Mang Reynaldo Guelas, “Para sa ‘kin si Jessica Sanchez po rin kasi mahusay naman siya, e. Pinakita naman niya yung kakayahan niya bilang isang Filipino… na tayo’y nakilala lalo na ang buong Bataan. Ipinagmamalaki siya pati ang buong Pilipinas din.”

Sa kabuuan, masaya na rin ang mga taga-Samal, Bataan dahil nakapag-uwi raw si Jessica ng kotse at may naghihintay nang record deal sa second placer ng American Idol Season 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN