Edu Manzano feels "strongly against" son Luis’s plan to enter politics

Edu Manzano on why he’s not in favor of son Luis’s plan to enter politics: "Ako, hindi naniniwala na gagawa ka ng pelikula o telebisyon at pagkatapos maghahandog ka rin ng public service. Madi-divide yung atensiyon."


Sa unang pagkakataon, magkakasama sina Edu Manzano at Joey De Leon sa lalabas na show ng TV5 ngayong June na mapapanood tuwing linggo, ang Game ’N’ Go.
Sa isang press conference na naganap kanina, May 24, sa Delta Theater, ipinahayag ni Edu ang kanyang saloobin tungkol sa proyekto nila ng comedian.
Aniya, “Pinag-uusapan nga namin ni Joey lahat nagawa na namin, e. Yun nga lang, except being together...
"But for me, golden opportunity dahil few times lately na magkakasama kami at nag-uusap kami, you know, nakita ko rin yung lalim ni Joey, e.
“Everybody looks at him as a funny man, komedyante, minsan critical, outspoken. Pero makikita mo rin yung kanyang ibang aspeto ng buhay niya.
"I mean, ako, I have a lot of admiration kay Joey.”
Hindi kaya magkapikunan kayong dalawa sa mga biruan or punch lines lalo’t hindi naman kayo masasabing magkaibigan talaga?
“Honestly? Inisip ko yun," pag-amin ni Edu.
"Kasi iba minsan yung biruan ng mga magkakaibigan. Mapagpapasensyahan mo, or may balik ka kaagad dahil close kayo, e.
"But you know, Joey never means to be hurtful, e. Yung sa kanya, gusto niyang makapag-isip lang ng laughter, e."
Dahil madalas nilang napag-uusapan lately ang show, dun nakikita ni Edu na "maganda yung fit."
Dugtong niya, "You know, masasabi mong cool, e, like kanina, sinasabi niya, ’O, nagbabatuhan na kami, ha?
“Ako, I don’t mind yung ako yung taga-deliver at siya yung taga-punch line e. Okey lang sa akin.”
Basta ang magiging hirit nila ni Joey, aniya, ay hindi magiging scripted.
“Wala... Kahit siya wala, e," aniya.
"Huwag mo siyang bibigyan ng script kasi kung may script, lilihis yun for sure. Depende sa kung ano ang mararamdaman mo at that moment at kung ano ang isasagot ng isang tao, doon mo ididirekta ang bato mo.
“So, ako, hindi ako umaasa na susunod sa script si Joey De Leon.”
Nag-bonding na ba kayo ni Joey bago sumalang sa show?
“No, I think it’s mutual respect, e.
"Ako, kahit sa ibang programa, pinapanood ko siya. Nakikita ko yung relationship nilang tatlo," ang ang tinutukoy niya ay ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey).
Sa pagpapatuloy niya, "Yung naririnig mo... kasi, I read his column every Sunday, e, sa Philippine Star. Well-travelled siya. At laging may gusto siyang mga bagong mga experiences at ganundin ako.
‘I think, we have so much to learn from each other.”
NO MORE POLITICS. Nadako naman ang usapan tungkol sa nalalapit na filing of candidacy ng mga nagnanais na tumakbo sa pulitika.
Wala na raw siyang interes na pasuking muli ito.
Ang kanyang pahayag: “No, actually, I gave it my best and that was very sincere. Sabi nga ng iba kong nakakausap, there were very many ways to be able serve as artista or public servant. Isa nga dun yung tinayo naming cancer wards sa Philippine Children’s Medical center na naisulat na ng ibang members ng press.
“To this day, we continue to support yung project na yun for children below the age of 18 na may cancer. Dun ang chemotheraphy, [blood] transfusion... Dinesensyo namin yung buong ward sa may kanto ng Quezon Boulevard.”
Maging ang pagkakaroon muli ng puwesto sa kahit na anong government agency o office gaya ng Optical Media Board (OMB), na dati niyang pinamunuan, ay wala na ring interes si Edu.
“Honestly, nung tinanggap ko yung OMB in 2004, tinigil ko na yung pag-a-artista, e. I stopped doing movies. Wala na ako ni isang pelikulang ginawa.
"Ilang years din ang ibinigay ko, sakripisyo.
"Six years na hindi ako tumanggap ng pelikula and then 2007, hindi na ako tumanggap ng teleserye.
“So you know, kung financial sacrifices marami na akong nagawa, e,” saad niya.
Ngayon pa lang ba siya babawi?
“With the help of TV5!” nakangiti niyang bulalas.
BEING A KAPATID. Galing ng GMA-7 si Edu bago siya muling bumalik sa TV5.
Marami ang nagsasabing hindi naging productive ang paglipat ni Edu sa Kapuso Network mula sa ABS-CBN dahil diumano, may mga ipinagakong show sa kanya ang una na hindi naman ibinigay.
“Hindi naman sa ipinangako,” paglilinaw ni Edu. “It’s just that, sometimes kahit gusto mong i-expand yung mga tema or yung mga konsepto o mga programa, ratings war talaga, e.
"You know, ayaw mo talagang sumugal sa mga bagong konsepto kasi nalalaglag kaagad.
“Kahit sabihin natin na isang istasyon ang lumalamang, next week yung kabilang istasyon naman. Ayaw mo talagang lumaki yung difference in ratings dahil aminin na natin, it’s a business, negosyo. Lahat, e...
"In the case of competing studios, may mga stockholders na ’yan, e. They have responsibilities sa kanilang mga stockholders. So, kahit minsan gusto nilang pagbigyan yung ibang konsepto, pag nalaglag ’yan at naapektuhan ang advertising revenue. mananagot sila ngayon sa kanilang mga share holders.”
Kuntento naman daw si Edu sa offer ng TV5.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga nakagiti ako, e,” ang kanyang nasambit.

“Actually, as you know, sila nag-i-eksperimento talaga. Even yung konsepto nila, yung programming, iniiba nila to give people an alternative form of programming.
"Isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko and sometimes it takes a while kasi nasanay na ang mga tao sa isang time slot na ’eto lang ang ipinalabas. Sa ibang time slot, ’eto naman ang ipinapalabas.
"Ngayong gusto nilang i-mix and hopefully, magustuhan ng mga tao.”
May kontrata si Edu sa TV5 pero hindi raw siya naniniwala sa exclusivity.
“Actually, its not it’s exclusive. It’s just [that] I respect that they’re investing good money in me and I should give them the same respect.”

LUIS’S POLITICAL PLANS. Pagdating naman sa napapabalitang intensiyon ng anak niyang si Luis Manzano na pasukin na ang pulitika, diretsahang sinabi ni Edu na hindi siya pabor dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“I told him no,” ang mabilis niyang sabi. “I’m strongly against it because he’s doing good money.
"You know, he’s working very hard. And he could render public service in many other ways. There is always a sacrifice."
Naniniwala si Edu na hindi puwedeng pagsabayin ang showbiz at political career.
Ang paliwanag niya, "Ako, hindi naniniwala na gagawa ka ng pelikula o telebisyon at pagkatapos maghahandog ka rin ng public service. Madi-divide yung atensiyon.
“The people do not deserve it, lalo na ngayon, we’re such a divided nation."
Noong tinanggap niya ang posisyon bilang chairman ng OMB, "sakripisyo talaga nong 2004," aniya.
Dagdag pa ni Edu, "Wala na akong pelikula ni isa. Kahit talagang offer. I don’t accept films anymore because I want to give it my 100 per cent. And I don’t believe in yung sinasabing quality time. Hindi quality time talaga yun!”
Anong reaksyon ni Luis no’ng sabihin mo sa kanyang hindi ka pabor na pasukin niya ang politics? Susundin ba niya ang advice mo?
Sagot ng host-actor: “Well, ano kasi e, maraming nag-u-udyok sa kanya.
"But of course, minsan nakakataba ng puso. But you know, you should allow your better judgement.”
Hindi niyo ba pinag-uusapan ni Vilma Santos ang tungkol sa pagtakbo ng anak nila?
“No, Vilma is entitled to her own opinion as I am entitled to mine.
"But I feel what is more important, Luis is 32 years old. He has to understand his ramification sa kanyang desisyon. Like halimbawa, hindi ka naging matagumpay sa pulitika, makakaapekto rin sa career mo, e.
"You have to understand na ang taong bumoboto sa iyo, buhay ang ibinibigay nila sa iyo. So, they deserve your unlimited time and attention.”

THE GIRL FOR LUIS. Ano ba ang mas gusto ni Edu— ang di pasukin ni Luis ang pulitika o ang pakasalanan ng anak ang kasintahan nitong si Jennylyn Mercado?
“A, siyempre, gusto ko makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya.” ang mabilis niyang sagot.
Pasado ba sa iyo si Jennylyn? Nahanap na ba ni Luis ang babaeng tama para sa kanya?
“Actually, nakilala ko si Jennylyn before na nakilala niya si Luis. Even sa case ni Angel...
"You know, you show me a child who show a lot of love for their parents, I will always have a soft heart for that child.
“So, nakita ko si Angel and her father. Nakita ko si Jennylyn and her mother. Pero yun yung mga qualities na nakakalimutan natin sa ating naging propesyon o sa ating industriya.
"But ang dami nilang common likes ni Jennylyn, e.”
Natutuwa raw siya na mas may panahon para sa isa’t isa ang dalawa.
“You know, nagugustuhan ko yung fact na they’re spend a lot of time together, not only working together. Iba yung nagtatrabaho kayo at iba yung meron kayong buhay sa labas.”
Nagkausap na kayo ni Jennylyn?
“Nagugulat ako minsan kasi kapag nagpupunta ako sa ibang lugar at natataon nandun siya at nalalaman niya, agad na nilalapitan ako. Kaya minsan, nagugulat ako kay Jen, e.
“So, I like yung attitude niya, yung quality na ’yan.
"But at the end of the day, kung saan happy ang anak ko, doon ako.”
Sa nakikita mong sitwasyon nina Luis at Jennylyn, sa palagay mo ba nahanap na ni Luis ang babaeng papakasalan niya?

“Well, matagal ko na siyang hindi nakikitang masungit, e. Magandang senyales ’yan, e. I hope so," pagtatapos ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN