Joey de Leon gives take on TV5 Manny Pangilinan’s reported buyout of GMA-7

Joey de Leon says politics is not his cup of tea. "Ang hilig kong lumayas, e. Pag pumasok ka sa pulitika, hindi mo na magagawa lahat iyan," he says, referring to his travels abroad.


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang tungkol sa umano’y pagbili ng TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan sa GMA Network.

Bilang nagtatrabaho sa parehong TV networks, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey de Leon kung ano ang komento niya sa isyung ito?

“Hindi natin alam kung ano ang plano ng mga may-ari. Pero sa akin maganda yun. Sa tingin ko naman wala namang babaguhin. Patatakbuhin niya [MVP] rin yun.

"Hindi ko lang alam kung saan niya ira-ride, sa 7 o sa 5. Tingin ko yung 5, gagawing news. Kung ako siya [MVP], siyempre yung 7 ang gagamitin ko,” ang sabi ni Joey.

Nakausap ng PEP si Joey sa press conference ng bagong Sunday noontime show ng TV5, ang Game ‘N Go, na ginanap kahapon, May 24, sa TV5 Delta Studio sa Quezon Avenue, Quezon City.

Anuman daw ang mangyari sa pagitan ng TV5 at GMA-7, confident si Joey na naroon pa rin ang Eat Bulaga, kung saan isa rin siya sa main hosts.

Ang kuwento pa ng komedyante, “Ewan ko kung dapat kong sabihin. Siguro mahal na mahal ni Manny Pangilinan yung Eat Bulaga kaya niya binibili yung Siyete. Nabalitaan ko iyan sa kanya mismo, e.

"Puwede kong sabihin, matapang kong sasabihin na noong nagwo-work siya sa Hong Kong, sabi niya sa amin, ‘Wala akong ibang pinapanood kundi Eat Bulaga!’ So, sa amin, ‘Salamat, sir.’

“E, ngayon siyempre, nasa siyete kami, hindi kami makalipat."

Kung siya raw ang masusunod, gugustuhin niyang lumipat sa TV5 ang longest-running noontime show.

Ang kanyang rason: para makuha ng Eat Bulaga! ang "record" na tanging Pinoy program na umere sa lahat ng istasyon.

Ang paliwanag pa ni Joey, "Kung ako lang si Mr. [Tony] Tuviera [big boss of Eat Bulaga!], ililipat ko, e, dahil for record purposes. For me lang, ha, kasi hindi naman ako producer, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para masabi ko sa mga apo ko na, ‘Hoy, ang show lang namin ang nag-channel 2, nag-channel 9, nag-channel 7, at nag-channel 5.’ At nandun pa rin, di ba?

“E, kaso hindi ganun. So, ang masusunod yung producer.

"Siguro dahil mahal na mahal ni Manny yung Eat Bulaga, ang ginawa na lang niya, ang pinakamadali ay, ’Bilhin ko na lang [ang GMA-7], di ba?

"Tingin ko, yun. Pakiramdam ko. Puwedeng ganun, di ba?”

WORKING IN DIFFERENT TV NETWORKS. Wala ba siyang nagiging problema sa GMA-7 ngayon dahil dumarami ang shows niya sa TV5?

“Wala, wala. May show rin ako sa GMA, e.”

So, exempted siya sa policy ng network tungkol sa paghihigpit sa kanilang talents?

“Wala, ako kasi ang nag-umpisa niyan, e. Actually, sabi ko nga sa 7, nauna pa ako sa 5, e, bago nag-7.

"Ang tagal ko na rin sa Singko. Bago pa ang Wow Mali na 13 years na, nasa Singko na ako.”

Ano naman ang reaksiyon ng mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong game show sa TV5?

“Wala, e, may show din sila, si Vic, sa Singko, e. Ako lang ang nagyayaya sa kanila. Ako ang nag-iimpluwensiya sa lahat diyan, e, para, ‘Oy, subukan n’yo.’

“Wala, kami lang ang nakakatawid, e, sa palagay ko. May mga ilan din. Iniisip ko nga na gumawa rin ng show sa Channel 2. Totoo yun, e, di ba gumawa nga ako ng pelikula roon kasama si Sarah Geronimo [Won’t Last A Day Without You]?

“Kumbaga lisensiyado na kami, e. Ilan lang yung puwedeng ganun. Kasi yung iba, pag pinapirma ng kontrata, exclusive na. Wala kaming kontrata, e.

"Maski sa Bulaga, wala kaming kontrata, alam n’yo ba yun. Ano lang, trust, kaibigan lang.”

Saan mas malaki ang talent fee niya, sa GMA o sa TV5?

Natawa muna si Joey bago sumagot, “Pare-pareho lang iyan. Pero kung sasagutin ko talaga ang tanong mo, sa Singko dahil marami akong shows sa Singko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang ako nasa Siyete dahil kay Lolit [Solis], e, sa Startalk. Yun na lang ang show ko dun, e.

"Yung Eat Bulaga naman, Seven, pero iba naman ang producer.”

NEW GAME SHOW. Kasama si Joey bilang isa sa mga hosts ng Game ‘N Go, na mapapanood sa TV5 tuwing Linggo 12:30 p.m., simula sa June 17.

Wala raw siyang problema sa mga kasama niya sa show na sina Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Shalani Soledad dahil kilala niya lahat ang mga ito at magaan silang katrabaho.

Nasanay na ang mga tao na pag Linggo ng tanghali ay musical-variety shows ang napapanood natin gaya ng Party Pilipinas ng GMA-7 at ASAP Rocks ng ABS-CBN, kaya magandang alternative daw ang Game ‘N Go para sa viewers.

Paglalarawan ni Joey, “Ibang offering ito for a Sunday show kasi lahat musical, e. Ito purely games na wacky, wild and crazy.”

Iba rin daw ito sa Eat Bulaga! dahil, "Ano lang, P’inoy Henyo’ at saka yung public service na may kasamang comedy yung ’Juan For All, All For Juan.’ Actually, wala namang game sa Eat Bulaga! kung tutuusin. At saka Sunday show naman ang Game ‘N Go. Yung ginagawa ko dati sa Celebrity Samurai, minix lang dun sa Game ‘N Go na idea ng Channel 5. Yun pinagsama-sama. Basta maganda siya, masaya lang.”

Mag-iiba ba ang atake niya sa Game ‘N Go dahil hindi niya kasama rito ang kanyang Dabarkads?

“Alam mo, hindi ko naman sinasabing nagkakasawaan na kami. Iba ito dahil iba ang mga kasama mo. Iba ang mga lengguwahe niya, iba ang mga tiyempo niyan.

"Although kilala mo sila. Si Gelli nakasama ko na iyan [Mixed Nuts]. Si Arnell din. Si Edu, kilala ko rin. Napamahal na si Edu sa akin kasi ang initials niya ay EM. Yun din ang initials ng asawa ko si Eileen Macapagal. Si Shalani lang ang first time. Ang tawag ko nga sa kanya ay Ms. Energy. Wala, walang problema sa amin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Originally, dapat ay daily show ang Game ‘N Go, pero ginawa itong weekly show. Ano ang komento niya rito?

“Nabalitaan ko nga na parang tanghali rin, di ba? Well, buti na lang hindi nila itinuloy kundi magiging biktima rin sila ng Eat Bulaga.

"Mapapasama sila doon sa mga nakatapat na namin, hindi mo masasabi, e, mabibiktima rin. Sayang naman.

"E, di gawin mo na lang once a week na bongga. ’Tapos part pa ako. Madali pang i-plug sa Bulaga dahil pag ’Pinoy Henyo’ kunwari, pag sinabi namin, ‘O, ready ka na?’ Pag sinabi, ‘Game.’ Okay, go! Mapa-plug mo pa, di ba?” biro ni Joey.

VIC SOTTO IN POLITICS? Samantala, inusisa rin ng PEP si Joey tungkol sa balitang pagpasok diumano ng kaibigan niya at Eat Bulaga! co-host na si Vic Sotto sa pulitika. Ano ang masasabi niya rito?

“Narinig ko na iyan. Well, isa ako sa dapat makaalam niyan kung totoo siyempre. Wala akong naririnig kay Vic. Baka manunurpresa siya. Nababalitaan ko nga iyan.”

Kung sakali man daw magdesisyon si Vic na pasukin ang pulitika, sigurado naman daw na susuportahan niya ang kanyang kaibigan.

E, siya ba, may balak ba siyang pumasok sa pulitika?

“Wala, ang hirap, e. Paano ka lalayas ]mag-abroad]? Ang hilig kong lumayas, e. Pag pumasok ka sa pulitika, hindi mo na magagawa lahat iyan. Kasi mag-iiba ang priorities mo. Hindi talaga ako for politics."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN