Gladys Reyes on Sharon Cuneta’s "Twitter encounter" with an ABS-CBN exec: “Masakit. Alam n’yo, kapag nanay ka, ang sakit naman talaga kapag may nang-bash sa mga anak mo."

Gladys Reyes on Sharon Cuenta’s Twitter issue and bashers: “Nakakalungkot lang din ang nangyayari kay Ninang Sharon. Minsan, binabasa ko ang mga tweets niya pati mga nagtu-tweet sa kanya. Nakakalungkot lang na kailangang humantong sa ganoon."

(Inset photo) Gladys Reyes with the well-loved character Wako-Wako.


Ngayong gabi, Biyernes, May 25 ang finale ng fantaserye ng ABS-CBN na Wako-Wako.

Pero bago ito magwakas, tinupad ng show ang ilan sa mga naging kahilingan ng ilang letter senders ng nasabing fantaserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philipinne Entertainment Portal) ang isa sa cast ng Wako-Wako na si Gladys Reyes kamakailan nang magdaos ng programa ang cast at crew ng nasabing show sa Glorietta 5 Atrium para tuparin ang mga kahilingan at magpasalamat na rin sa mga tumangkilik ng fantaserye.

Ayon kay Gladys ay tinupad din ng Wako-Wako ang kahilingan daw niya na gumanap ng karakter na mabait at hindi naman kontrabida.

“Maituturing ko lang na mahal ko itong Wako. Ito yata ang nagbigay sa akin ng chance to portray a very loving, doting mother na walang touch ng pagkakontrabida.

“Or maybe, lumalabas lang ang pagkakontrabida kapag naman yung eksena ay nasasaling ang anak.

"Palaban na nanay pero may pagka-protective naman.”

Sabi pa ni Gladys, “Sobrang naka-relate kasi ako sa role ko rito sa Wako.

“Unang-una, yung anak ko rito, si Yogo Singh, halos kasing-edad ni Christophe,” pagtukoy niya sa panganay nilang anak ni Christopher Roxas.

“Older lang si Yogo pero feel na feel ko ang pagiging nanay ko rito.

“Kapag magkaeksena kami rito ni Yogo, yung pagyakap ko sa kanya, pag ki-kiss-an ko siya, feeling ko talaga si Christophe ang kaeksena ko.

“At ang maganda pa no’n, naging magkaibigan sila sa totoong buhay ni Christophe. To the point na si Yogo, para ko na rin anak.

“Nag-i-sleepover sa bahay ko ‘yan. ‘Tapos, pinapasyal ko sila. Dinadala ko sila sa Time Zone. So, para akong nagkaroon ng pang-apat na anak."

ANOTHER SHOW FOR KIDS? Sakaling pambata raw ulit ang tema ng susunod niyang show ay okay raw sa kanya.

“I really don’t mind kung after this, another pambata na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam nyo kapag pambata, capture lahat pati magulang, mga yaya na nag-aalaga, mga kasambahay,” sa panonood, ang nais niyang tukuyin.

“Siyempre, kapag bata hindi naman ‘yan puwedeng manood mag-isa, ’di ba?

“Kung binabantayan ng mga kasambahay, siyempre, bonding na rin ng pamilya, ‘di ba?

“Kaya itong Wako-Wako, ang laking achievement para sa akin. At siyempre, thank you rin sa ABS-CBN at kay Tita Cory Vidanes,” pagtukoy niya sa Channel Head ng Kapamilya network.

“Itong Wako-Wako, hiniling ko ‘to. Wish [ko] ‘to na magkaroon ng role na hindi kontrabida.”

MARICAR DE MESA. Sa isang eksena nila ni Maricar de Mesa ay nabalitang nagkapikunan daw sila dahil makatotohanan ang naging pananakit niya sa una? Kumusta na sila ng kanyang co-star?

“Yes, okay naman. Iki-clear ko rin naman na hindi kami nagkapikunan.

“More on siya ang napikon kasi nga, nasaktan siya. Pero, after all that, okay na, maayos na ulit. Back to normal and siguro, kasi, ganoon talaga.

“Narinig na rin natin ‘yan sa ibang iniidolo kong aktres na kapareho ko rin na nagkokontrabida.

“Na minsan, nagkakapikunan sa ganyan. Kasi nga, tao lang tayo.

"Kung minsan nasasaktan, iisipin natin, ‘Pine-personal yata ako nito.’

“Pero ang importante pa rin, at the end of the day, maipaliwanag sa isa’t isa na wala pong personalan.

“Ginagawa lang po natin ang gusto nating makakaganda sa eksena at mararamdaman ng manonood."

Pero magkaibigan ba sila ni Maricar?

“Hindi kami yung talagang friends from the very start. Pero, we we’re able to build yung…paano ba? Parang naging barkada rin, chikahan dito sa Wako-Wako.

“Iisa ang stand-by area namin. Nagkaroon kami ng chance magkakuwentuhan nang matagal-tagal.”

KAPAMILYA, KAPUSO OR KAPATID? May nabanggit na raw sa kanya ang manager niyang si Lolit Solis na sasalihan niyang show pagkatapos ng Wako-Wako.

Posibleng sa Kapamilya network pa rin daw ang susunod niyang gagawin. Si Gladys kasi ang isa sa mga artista ngayon na nakakalabas sa iba’t ibang istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasali siya sa Juicy ng TV5 at may Moments siyang hino-host sa Net 25, ang UHF channel na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation.

Sabi nga ni Gladys, “Tinatanong nga nila ako, ‘Ano ka ba talaga, Kapamilya, Kapuso o Kapatid?’

“Ang sagot ko naman diyan, ‘Ako po ay isang Katrabaho.’ Dahil kapag walang trabaho, magugutom ang aking ‘kapamilya,’ babagal ang tibok ng aking ‘puso’ at malulungkot ang aking mga ‘kapatid.’

“Kaya ako’y katrabaho. Certified katrabaho.”

SHARON CUNETA. Mayroong Twitter account si Gladys pero hindi naman daw siya nakararanas ng bashing at hate tweets.

“Wala pa naman yung nangla-lambast o ang tawag nga nila bashers.

“Kasi ako naman, hindi naman lahat ng nararamdaman ko, nilalabas ko.

“Siguro kung minsan, nananaig pa rin sa akin yung, ‘Teka...’ o pag-iisip daw muna bago mag-tweet.

“Ang dami ko pa rin kino-consider. ‘Teka, kapag tinuweet ko ba ‘to?’ iniisip ko na kaagad kung ano ang magiging consequence.

“Minsan kating-kati na rin [ako mag-tweet], like ako naman, very outspoken, very transparent kung ano ang nararamdaman ko, sinasabi ko.

“Pero, mas nananaig sa akin kung ano ang magiging consequence nito bilang nanay rin naman ako at may tatlo akong mga anak."

Aware si Gladys sa mga Twitter bashers at mga artistang sumasagot dito. ‘Tulad nga ng nangyayari kay Sharon Cuneta na ninang nila ni Christopher Roxas sa kasal.

Ayon kay Gladys, “Nakakalungkot lang din ang nangyayari kay Ninang Sharon.

“Minsan, binabasa ko ang mga tweets niya pati mga nagtu-tweet sa kanya. Nakakalungkot lang na kailangang humantong sa ganoon.

“Of course, isa lang naman ang Megastar natin kung papaano, isa lang ang Superstar, Star for all Seasons.

“Sana yung respeto kay Ninang Sharon, huwag naman mawala yun. Siyempre, entitled naman ang bawat isa sa nararamdaman niya.

“At yung Twitter, pampublikong networking site na rin ‘yan, ‘di ba?

“Kahit sino puwedeng magpahayag sa nararamdaman niya. So, respeto lang talaga siguro. Importante rin na think before you tweet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Maraming taong impulsive, ‘di ba? Ganoon talaga yun kapag masama ang loob mo, galit ka.

“Parang gusto mo maghanap ng mapagsasabihan,‘di ba? Yung sa akin lang, based on my own opinion, iniisip ko muna lahat ng consequence bago ako mag-tweet.”

REACTION AS A MOTHER. Kamakailan ay nag-react nang husto si Sharon sa isang tweet na nanggaling sa isang TV executive na ang pinatutungkulan ay ang anak nitong si KC Concepcion. (CLICK HERE to read related story.)

Kung sakali kaya at may mang-bash din sa pamilya ni Gladys, partikular na ang mga anak niya, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?

“Masakit. Alam n’yo, kapag nanay ka, ang sakit naman talaga kapag may nang-bash sa mga anak mo.

“Minsan, yung anak baka tatahimik na lang ‘yan. Pero ang nanay, baka hindi talaga kayanin na tumahimik. As in, ganoon na nila-lambast na ang mga anak niya.

“Kaya ‘di ba nga noon, si Ms. Regine Velasquez din? Nagsalita siya noong anak din niya yung parang tinitira.

“’Tapos, si Ninang Sharon nga. So, unawain na lang din natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN