Lian Paz on being a full-time mother with a full-time career: “Hindi katulad noong dati, sarili mo lang iniisip mo... ngayon, marami ka nang iniisip, pinaglalaanan.”

Lian Paz wants to pursue a career and be a fulltime mom. She works in a public relations agency and appears on TV soaps. She’s also a doting mom to kids Xonia at Xalene, and a loving wife to Paolo Contis.


Sa kabila ng pagiging hands-on mother ng dating EB Babes na si Lian Paz sa dalawang anak nila ng aktor na si Paolo Contis, naroroon pa rin ang kagustuhan niyang magamit at ma-practice ang pinag-aralan niya sa Miriam College.

Kaya’t nag-apply at natanggap siya sa advertising firm na Full Circle bilang media relations officer.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lian kagabi, May 24, sa isang restaurant sa Shangri-La Mall. Kagagaling lang niya sa isang event ng kanyang opisina.

“Hindi talaga ko sanay na walang ginagawa,” salubong ni Lian.

“Ako naman, I studied Communication Arts, parang gusto ko talagang ma-try yung ang pinag-aralan ko.

“Ever since na nag-aaral ako, gusto ko talaga na maging journalist, hindi matupad-tupad,” natatawa niyang kuwento.

“Excited ako noong nag-aaral ako na gusto kong mapunta sa ganito, ganyan.

“Hanggang sa wala—nagdire-diretso nga ang show business. ‘Tapos ‘eto, meron akong time.

“Naisipan kong maghanap. Sa Internet ko ‘to hinanap, on my own.

“Nag-search ako sa Internet ng job and then, I tried public relations. Unang-unang lumabas yung Full Circle Communications.

“Nakita ko naman ang background ng company. Kaya sabi ko, ‘Parang okay rito, parang masaya.’

“Nag-send ako ng CV [curriculum vitae] ko, then, next day, may e-mail sila sa akin at interview na.”

JOB INTERVIEW. Noong ini-interview raw siya, natawa raw siya sa naging experience niya sa mismong boss nila.

“Sabi niya, ‘Sigurado ka ba, na nag-send ka ba talaga ng CV? Kasi, parang hindi ko alam kung iinterbyuhin ba kita o magpapa-picture ako sa ‘yo.

“Tapos yun, sinabi ko na serious po ako talaga. Natanggap naman ako.”

Mag-iisang buwan pa lang si Lian sa trabaho niya pero nakapag-adjust naman siya agad.

“Malaking tulong na nasa showbiz rin tayo, nakakausap ko rin ang media.

“And in fairness, ang saya. Gusto ko talaga, nag-e-enjoy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibang-iba ang mundo ng showbiz at ibang-iba yung corporate, parang nasa behind [the scene] ka naman.

“Fun yung pakiramdam. Nakikita ko yung effort na ginagawa ng media before. Like kami, kapag kukuhanin kami sa show.”

Malaking bagay rin daw na supportive ang mister niyang si Paolo sa mga gusto pa niyang gawin.

“Very supportive naman si Pao. Natuwa naman siya dahil very professional naman at alam naman niyang yun ang pinag-aralan ko.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Sana huwag maging isyu. Siyempre, PR [public relations] din ito.’”

MORE TIME WITH FAMILY. Dalawa ang anak na babae nila ni Paolo, sina Xonia at Xalene, at hindi naman daw siya nawawalan ng oras para sa kanila.

“Hindi naman siya nababawasan. In fact, ang maganda nga ngayon, nakakauwi ako nang maaga.

“I get to see my kids ng mas maaga. At the same time, may extra income ka.

“Puwedeng dito na kukuhanin ang pang-grocery—para makatulong din.

“Actually, yung mga bata, ang sarap na rin ngayon kasi. Pagdating mo, ‘Mama, Papa,’ namimiss ka na nila.

“Kapag weekend, alam na nila na family time na.

“At saka, maganda rin kasi sa company, okay sila na tuloy pa rin ako sa showbiz… flexible ang time ko.”

Ngayong araw nga, may taping siya ng Untold Stories sa TV5 kunsaan kasama niya sina Gelli de Belen at Yul Servo.

“Ang plano ko, e, mangarag,” natatawa niyang biro sa kanyang ginagawa.

“Siyempre, first love rin naman natin ang showbiz. Hindi rin mawawala talaga.”

FORMER CAREER. Unang nakilala si Lian bilang isa sa miyembro ng EB Babes ng Eat Bulaga, hindi ba niya namimiss ang pagsasayaw?

“Actually, sa bahay ako nagsasayaw,” natawa niyang inamin.

“Yung love ko for dancing, nandiyan talaga.

“Like ako, noong hindi pa ako nagwo-work sa corporate, nagtuturo ako ng dance—nagtuturo ako ng zumba [dance exercise].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag napapanood niya ang EB Babes, ano ang pakiramdam niya?

“Kapag nakikita ko silang nagsasayaw, namimiss ko rin talaga.

“Parang, if given a chance lang to go back and dance, kahit isang beses lang.

“Iba rin ang pakiramdam kasi… doon ako nagsimula. Ngayon naman, ang achievement ko, happy ako sa buhay ko.

“May dalawa akong anak, nasa public relations ako and then, tuloy pa rin yung acting.

“Minsan naiisip mo, ‘What if gawin ko yun?’ Mas may puso na talaga, e.

“Hindi katulad noong dati, sarili mo lang iniisip mo... ngayon, marami ka nang iniisip, pinaglalaanan.”

Sa dalawang babaeng anak nila ni Paolo, sino ang nakikita niyang susunod sa kanilang dalawa sa showbiz?

“Si Xalene… parang mas si Xalene [bunso],” mabilis na sagot ni Lian.

“Pero silang dalawa, kapag daddy na nila ang naglalabas ng camera, parang yun na, pictorial na.

“Kapag ako, parang Xonia… Xalene… picture—ang hirap.

“Hindi ko nga alam kung bakit kapag papa nila… Pero sa dancing, si Xonia, nakikita ko na sumasayaw-sayaw siya, mahilig din.”

Parehong mestisahin at magaganda sina Xonia at Xalene at open silang mag-asawa kung sakaling mag-TV commercial ang mga ito.

“Actually, ang daming nagsasabi sa commercial nga raw. Kami naman, okay lang since bata pa naman sila.

“Hindi pa naman nag-aaral, so go lang kung talagang meron.”

ADJUSTMENT PERIOD. Sa samahan naman nila ni Paolo bilang mag-asawa, kumusta?

“Okay naman. Siyempre, may mga adjustments kami. Talagang hindi naman mawawala yan.

“Sabi nga nila, may adjustment during the first three years [of marriage], pero I think and I believe, every year, e.

“Pero siyempre, everyday adjustment. Nasa sa inyong dalawa kung paano ninyo iha-handle…

“And since ang mga bata naman, lumalaki na, may kunsuwelo ka na sa kanila, so yun din ang nagpapatibay ng relationship.”

“Yung mga selosan, parang wala na, parang natapos na yung ganoong stage,” huling dugtong ni Lian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN