Dingdong Avanzado celebrates 25 years in the music industry with new album

Dingdong Avanzado talks about his new album, Download: "First na album ko na all my compositions ang laman. Pero may mga collaborations din ako dito. There [are] about 15 tracks.” One song is dedicated to his wife Jessa Zaragoza. “Oo naman. Ito ‘yong song na ’The Moment I Found You.’ Isinulat ko ito when we got married. Ito ‘yong naglalakad siya sa altar, gumawa ako ng kanta na iyon ‘yong th


Iba ang sigla ni Dingdong Avanzado nang hindi inaasahang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) recently sa GMA network compound. Sobrang excited daw kasi siya sa pagpu-promote ng bago niyang album na Download under Viva Records, which was released kaalinsabay ng kanyang 25th anniversary sa music industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Dalawampu’t-limang taon na po ako sa industriya,” nangiting sabi nga niya.
Dumaan man ang panahong hindi siya aktibo sa recording scene, tuloy-tuloy lang naman daw ang kanyang career bilang isang performer ni Dingdong.
“I’ve been doing a lot of shows especially abroad. Part na iyon ng buhay namin [ng asawa niyang si Jessa Zaragoza], e. Iyon ang buhay namin.
“Yong pagiging song writer, iyon ang sobrang na-miss ko. Kaya sobrang excited ako dito sa bago kong album na Download kasi lahat ng awitin ko dito, ako ang sumulat.
"First na album ko na all my compositions ang laman.
“Pero may mga collaborations din ako dito. There [are] about 15 tracks.”
For sure, may isinulat siyang kanta para kay Jessa na kasama sa kanyang bagong album.
“Oo naman. Ito ‘yong song na ’The Moment I Found You.’ Isinulat ko ito when we got married. Ito ‘yong naglalakad siya sa altar, gumawa ako ng kanta na iyon ‘yong theme ko.
“Alay ko ‘yong kantang iyon sa kanya. Tapos dito sa bagong album ko, duet kami do’n sa song na iyon.”
Bakit natagalan bago nai-record ang nasabing kanta?
“Actually, some of the songs here, I’ve already done before. Hindi lang nai-record kaagad kasi parang naghihintay kami ng tamang opportunity, e," ang sabi ni Dingdong.
25TH ANNIVERSARY. “Naisip ito… kami ng manager kong si Noel Ferrer, na for my 25th anniversary, gumawa kami ng album. And we wanted to show something more that people probably don’t realize much.
“Na people don’t realize na… si Dingdong sumusulat din ng kanta. Na… after 25 years, ano pa ang puwede kong gawin? Di ba?
“Never pa akong gumawa ng album na lahat ng kanta ako ang sumulat, e. So I wanna show the people how I have evolved in 25 years. As an artist. As a person.
“And I guess ito ang naging reflection sa album. And ang kagandahan sa album na ito, isinama naming dito ‘yong istorya ng bawat kantang isinulat ko dito. Kung paano nalikha," aniya.
“’Yong ibang songs dito, may co-writer ako. Isinama ko rin dito ‘yong ’Paalam Na,’ na duet naming ni Rachel [Alejandro na naging girlfriend niya noon].
“Nag-record din dito si Ms. Sharon Cuneta who’s a dear friend of mine also. I wrote a song for her way, way back. And it’s also part of this album, ‘yong ’Maghihintay Sa ‘Yo.’
“Nag-collaborate din ako with new artists of this generation. I have a song with Gloc 9, ‘yong ’Limutin Ka.’ Ako ang sumulat ng song at naisip ko na gusto kong magkaroon ng rap part.
“Mabuti naman napakinggan ni Gloc. Nagandahan siya. Ginawan niya ng rap.
“Meron kaming collaboration ni Juris also. ‘Yong song ko noon na isinulat, ang ’Much Longer,’ duet namin ito this time ni Juris. So I’m really very excited for my new album," ang sabi ni Dingdong.
CARRIER SINGLE. “Pero ang pinaka-pinu-promote namin dito ay ‘yong carrier single na title track ng album which is ’Download.’ I wrote it with Ogie Alcasid," pagpapatuloy niya.
“I think it reflects kung ano ang nasa puso ng Pinoy sa kasalukuyan. And sabi nga namin no’ng isinusulat namin ito ni Ogie, we’re really pushing for original materials, e.
“So no’ng inupuan namin ito, sabi namin… gusto namin ‘yong nando’n ang puso ng Pinoy. And mukhang nasasakyan naman nga ito ng Pinoy.
"Kasi it shows kung ano ang nangyayari sa lipunan natin ngayon. Kung ano ba ang uso o common na naririnig natin.”
Aside from his new album, ano pa ang ibang plano kaugnay ng kanyang 25th anniversary sa music industry? Magkakaroon din ba siya ng major concert?
“We’re also planning that towards the end of the year siguro. Kasi ang dami ngang activities, e.
"We need to promote as many songs as we can. We plan to go around and promote the album. To go on tour," ang sabi ni Dingdong.
THE DOORBELLS. “I also just recently put up my band, ‘yong The Doorbells. Para kapag nag-tour ako. I perform with my band now.
“If you’ll notice, the other artists sa ibang parte ng mundo, kapag nag-perform sila, kahit solo act sila, may sarili silang banda. Di ba? That’s part off the evolution.
“At saka feeling namin, hindi ka kumpletong artist kapag wala kang sariling banda. So this time around, I have my own band.
"And we just decided to call them The Doorbells. Kasi… from Dingdong. Di ba?” nangiting sabi pa niya.
“And maganda ‘yong samahan naming. Tapos ‘yong MD [musical director] ko is alo my co-producer dito sa album.
"And part of our idea is to put up my own band nga. At iba ang feeling kapag nag-perform ka sa stage na ang kasama mo, banda.”
HOME LIFE. Makikita sa mukha ni Dingdong na kuntento at masaya siya sa buhay niya ngayon. Kung sabagay, ano pa nga ba ang mahihiling niya? Okey pa rin ang takbo ng kanyang singing career. At naging matatag ang pagsasama nila ni Jessa sa kabila ng mga matitinding pagsubok na pinagdaan nila noon.
“Ang nakapagpatatag sa relasyon naming? ‘Yong mga intriga!” sabay tawa ni Dingdong.
“Sabi nga nila kapag may pagsubok, lalong tumitibay. So I think ‘yong mga pinagdaanan namin mga trials at problema, it helped us become stronger.
“But what really is significant para sa aming dalawa is… ‘yong faith naming dalawa sa Panginoon, e. Na… siguro kung hindi kami parehong Christian, I don’t think our relationship would have lasted this long.
“I mean we’re now on our 11th year. It doesn’t seem like eleven years," aniya.
“Sa dami ng aming pinagdaanan. May mga issue pa na naghiwalay na raw kami. Or pilit kaming pinaghihiwalay. Or hindi raw kami para sa isa’t isa.
“But I’m thankful to God because we’re still together. And we have our daughter na isa rin sa nagpapatibay sa relationship namin. She is turning 9 this year.
“It’s just a blessing to have a family that’s intact. Tapos we have our careers. And we love what we do in our careers.
“We both love music. Even our daughter loves music.
“I think that’s also one key ingredient, e. Na… meron kayong isang bagay na pareho ninyong ini-enjoy.”
Bakit hindi pa nasusundan ang unica hija nila?
“Paano kasi… biyahe kami nang biyahe,” nangiting muli si Dingdong.
“We’ve been travelling all these years.
“Alam naman ng lahat na we went to the States for a while. And it’s just hard to raise a family when you’re on the road," ang sabi ni Dingdong.
“’Yong trabaho namin kasi as a singer, hindi lang naman kasi kami sa TV, e. Di ba? Mas more nga kami on concerts and shows. So it’s really hard for us.
“Pero kung tatanungin kami, naiisip namin na magdagdag ng anak. Actually iyon nga ang inihi-hint ko sa kanya [Jessa], e. Medyo naging busy lang kami pareho kasi she’s also doing her album.
“Halos sabay nga kami. Nauna lang akong maglabas. But I think next month lalabas na rin ‘yong kanya.
“’Yon lang. Timing lang ‘yan.”
FOLLOWING IN HIS FOOTSTEPS. Hindi ba nila nakikitaan ng interes ang anak nila na maging singer rin o kaya’y mag-artista?
“Sobrang nakikitaan namin ng hilig. In fact sa birthday niya this June, ang gusto niyang party… imbes na usual children’s party, siya… gusto niya mag-concert sa birthday niya, e.
“But talking about priorities niya, kailangan imulat muna naming siya sa tamang values at priorities. Na dapat ang uunahin muna niya, pag-aaral niya," aniya.
“’Yong showbiz naman, it would be there naman for her, e. If you’re really talented.
“We will support her. Kasi she is still in the stage na… she’s still developing. Bata pa siya, nakikitaan mo na ng potential. Pero she’s still not where you know she can be.
“Eventually, alam mo na mas malaki o malayo pa ang mararating niya hopefully. So gusto namin siyang i-enc ourage na tama ang pundasyon niya.
“Kasi sinasabi naman sa kanya… huwag kang magmadali anak. Because your time will come. At kapag panahon na niya, gusto namin handa siya. Na tama ‘yong nailagay naming pundasyon sa kanya.
“Kasi importante iyon, e,” panghuling nasabi ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN