Eugene Domingo hopes the Kimmy Dora sequel will do as well as the first

Eugene Domingo says she cannot believe Kimmy Dora is going to have a sequel. “Halos di ako makapaniwala. After almost three years, mayroon pa palang kasunod—ang Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme, ito na nga yun."


Ipapalabas na sa June 13 ang sequel ng Kimmy Dora, ang Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme.

Pinagbibidahan pa rin ito ni Eugene Domingo sa ilalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal kung saan makakapareha niya si Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Kamakailan ay lumabas ang balita na kaya special participation na lang daw sa sequel ng pelikula si Dingdong ay dahil hindi raw ito pinayagan ng GMA kung saan exclusive talent dito ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa music video shoot ng Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme, May 23, sa Studio 2 ng ABS-CBN, agad naming hiningan ng reaksyon si Eugene tungkol dito.
“Hindi ko alam e, kasi pagka may shooting naman kami nandun naman siya. Saka ang alam ko mayroon siyang gagawin sa Star," ang sabi ni Eugene.
"I think naman si Dingdong is always open to more projects na fresh at saka magaling siya e. I don’t think na bawal or ano, I think he’s very open.
"Sabi ko nga kay Dingdong sana someday i-direk naman niya ako, alam ko na magaling siyang mag-direk.
“Bagay na bagay na maging special participation kasi nakasentro ang kuwento sa pamilya namin e. Kaya very special yung kanilang participation kasi hahanap-hanapin kasi sila talaga ng fans ng Kimmy Dora.
"At nakapaka-cute ni Dingdong Dantes dito, ang feeling ko nga pag lumlabas siya sa Kimmy Dora nakakapag-relax siya from drama.
"Ang galing nilang mag-comedy. Si Dingdong, bagay sa kanyang mag-character role.
"Si Zanjoe naman, luko-loko talaga. Saka game na game sila, pag sinabing kiss, kiss.”
PRESSURE. Sobrang laki ng kinita ng Kimmy Dora kung saan nagpatunay daw ito na kaya nang magdala ni Uge ng isang pelikula. Aminado naman ang komedyana na may pressure ngayon sa kanya, pero siniguro niya sa amin na talagang pinaghandaan at mas pinaganda nila ang sequel ng pelikula.
“May pressure, oo naman pero tama ka, talagang this time sinigurado namin na kung hindi man madoble, matriple kasama na yung mga original na nanood.
"Pumasok silang lahat sa sinehan, doble ang inilaki ng paggawa ng sequel sa lahat ng aspeto, mula sa costume ko, sa makeup ko, sa location namin," aniya.
"Naisip kasi ng Spring Films na gagawa ka ng sequel, e talagang lakihan mo na, kasi marami ang nag-aabang.
"Kaya mula sa istorya, sa production, sa creative team, sa lahat talagang pinagbubuti kasi gusto naming maraming-maraming manood.”
Hindi pa rin makapaniwala si Uge na magkakaroon ng sequel ang Kimmy Dora, dahil tatlong taon na ang nakakalipas nang huli itong mapanood sa mga sinehan.
“Halos di ako makapaniwala. After almost three years, mayroon pa palang kasunod—ang Kimmy Dora, The Temple of Kiyeme, ito na nga yun.
"We are so, so excited kasi nga pag nakakakita ako ng mga bata at mga Filipinos here and abroad, lagi nilang tinatanong, ’Wala bang sequel yung Kimmy Dora?’
"Ang tagal din nun, so finally natapos, malapit na malapit na. Asahan ninyo, mas pinalaki, binigay na lahat, may horror, may comedy, may love angle sa maniwala kayo’t sa hindi.
"Nandito pa rin with the special participation of Mr. Zanjoe Marudo and Mr. Dingdong Dantes, ang ganda-ganda ko, di ba?
"Nandiyan pa rin ang very talented cast namin, ang superstar dog na si Mickey na maraming-marami ng fans.
“Kung nagustuhan ninyo yung unang Kimmy Dora, lahat yun, heto na, maraming nadagdag dito sa sequel ni Chris Martinez sa ilalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal.
"Katulad nga ng sinabi ko siksik, talagang pure entertainment, nakakatakot, nakakatawa, nakakakilig sa nakakatawang paraan at saka may fantasy saka di mawawala yung message of love for your sister, for your father and for your family, di natin bibitawan yun.
FILMING IN KOREA. "Mayroon kaming ibubunyag na lihim ng pamilyang Gokonghei kaya kami nagpunta sa Korea, sa Seoul.
"Nakaranas kami ng winter, ang ganda-ganda. Makikita ninyo sa sinehan yung pinagdaanan naming wagas na lamig.
"Umabot nga kami sa -17 kasi nagpunta kami talaga sa temple, sa taas ng bundok habang peak ng kanilang winter.
"Hanggang sa nag-shooting na kami dito sa Pilipinas, inabot na kami sa peak ng summer.”
Marami sa mga eksena ang kinunan pa sa Seoul, Korea, kung saan kitang-kita talaga na ginastusan ang nasabing pelikula.
“Sa Seoul mismo, siyempre yung mga shopping areas nila sa YeoungDong, tapos dinala kami ng Korean Team Organization sa parang tinatawag nilang Universal Studios.
"Marami kasi kaming flashback scenes na kailangan ng traditional Korean houses. Ang ganda-ganda, kasi makikita ninyo ang ginagamit nilang set sa mga Korean novelas.”
Sa shooting ng pelikula, marami ring na-discover si Uge sa dalawang kapareha.
Isa na nga dito ay madaling patawanin ang dalawang aktor kung saan aakalain ng kahit na sino na sobrang seryoso ang mga ito.
“Talagang ang bilis-bilis nilang tumawa, si Dingdong may isang take kami na di niya talaga natiis, makikita ninyo naman sa pelikula.
"Ang hirap kasi ng ginawa nila dito, hindi sila gagalaw, di ko na sasabihin kung bakit ha.
"Ang hirap, talagang bumibigay siya. It’s so much fun to work with Zanjoe and Dingdong, kasi game na game sila and sanay na silang mag-comedy. Tagal na nila at ang huhusay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN