Former child actress Miles Ocampo segues smoothly to teen roles

Miles Ocampo, who started in the kiddie show Goin Bulilit, has made a successful transition to teen roles in LUV V. She says, “Siyempre po noong una, nahihirapan. Actually, yung mga tao rin po kasi, ang isip po nila, kapag galing sa Bulilit, parang bata... So, ngayon, okay naman po na natatanggap nila na nagpapakilig na po kami.”


Ikalawang season na ng LUV U, ang Sunday youth-oriented show ng ABS-CBN at nakita nga namin ang teen cast ng show nang magkaroon ng event ang Wako-Wako sa Glorietta 5.

Dito namin nakausap ang isa sa lead stars ng show na si Miles Ocampo.

Masaya raw si Miles dahil nagsisimula na sila ngayon sa ikalawang season ng show.

“Sobrang saya po, like ako po, nagulat po ako na ganoon ang pagtanggap ng tao. Masaya po ako na nagustuhan po nila.

"Nakakaaliw po like kapag nasa mall ka po o pupunta ka po ng ABS, nakakatuwa po kapag sinasabi nila na ang ganda-ganda ng show niyo.

“Mas lalo pa pong nakaka-inspire magtrabaho lalo na kapag alam niyong may nakaka-appreciate sa ginagawa niyo.

“Dito po sa LUV U, para kaming naglalaro lang. Minsan kapag take, hindi po kami nakakapag-take agad, tawa po kami nang tawa, sobra.

"Para po kaming pamilya na. Ang saya po ng barka namin, sobra. Mula kay Kuya Smokey [Manaloto], para po talagang barkada talaga.

“Ang gugulo po namin sa set, tawa nang tawa.”

MAKING THE SHIFT. Kung tutuusin, masuwerte si Miles dahil mula sa Goin’ Bulilit, naisalang siya agad sa LUV U at nabigyan na ng mga teen roles.

Sabi nga niya, “Siyempre po noong una, nahihirapan. Actually, yung mga tao rin po kasi, ang isip po nila, kapag galing sa Bulilit, parang bata.

"Ang hirap pong mag-jump agad, ‘di ba po? Minsan po, nakukulong po yung isip ng tao na bata ka lang.

“So, ngayon, okay naman po na natatanggap nila na nagpapakilig na po kami.”

Natawa naman si Miles nang tanungin kung ngayon ba, nararamdaman na nga niyang hindi na siya bata.

“Lately po, lately po talaga. Minsan, pa-girl lang po ang peg,” natatawa niyang sabi.

Hindi itinanggi ni Miles na sa edad niyang kinse anyos, may mga nanliligaw na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Incoming 4th year na po ako, regular po ako sa St. Anthony School po sa Fairview.

"Noong first year pa lang po, meron na rin po, pero, hanggang ligaw lang po. Never pa po ako na nagka-boyfriend. Totoo po yun.”


Gusto ba niyang makipag-boyfriend tulad ng ibang mga teenager na ka-edad niya rin?

“Siyempre po minsan, kapag may nanliligaw, ay ang ganda naman, ‘di ba po?

"Hindi naman mawawala sa isip mo yun. Pero, wala po talaga sa isip ko na mag-boyfriend at hindi ko pa po ma-imagine na ako, may boyfriend na.

“Kasi po, ang focus ko po talaga sa ngayon, yung studies ko at saka yung trabaho ko.”

LOVETEAM. Ang newcomer na si Marco Gumabao ang ka-loveteam ni Miles sa LUV U at marami na rin ang kinikilig at naaaliw sa tandem nila. Kung dati raw tahimik lang ang tingin niya kay Marco, ngayon daw, masasabi niyang close na silang dalawa.

“Noong nag-workshop po kami kay Direk Laurice Guillen, hindi po talaga siya nagsasalita. Iniisip ko, paano ba makipag-usap sa kanya?

"Iniisip ko, paano kami magtitigan kung hindi kami nag-uusap,” natatawa niyang kuwento.

“Pero habang tumatagal, nakikilala na namin siya.”

Hindi kaya nanliligaw na rin sa kanya si Marco?

“Hindi po,” mabilis naman niyang sabi. “Sa ngayon po, friends lang kami. Kahit showbiz pa po ang dating, pero, friends lang po kami.”

Naniniwala naman si Miles na nang gawin niya ang LUV U, bagong grupo ng mga tagahanga ang sumusuporta sa kanya at mas nakikilala pa nga raw siya.

“Siyempre po sa ngayon, ang tawag na nga nila sa akin, Camille na. So, masaya po.”

IDOLS. Very vocal naman si Miles na ang artistang iniidolo niya ngayon ay si Bea Alonzo. Nakasama na rin niya ito sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang.

Ayon kay Miles, “Ang galing niya pong talaga. Sobra po akong nahuhusayan sa kanya. Yung passion niya po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, ate ko po siyang talaga. Nagba-bonding kami minsan. Nanonood kami ng movie. Ate po talaga. Ang bait po.”

Yung career path daw ni Bea ang gusto rin niyang mangyari sa kanya.

“Gusto ko po yung narating ni ate Be. Si Ate Be po kasi yung tipo ng tao na kahit Miss Bea Alonzo na siya, hindi niya tinitingnan ang sarili niya na ganoon.

"Parang napaka-down-to-earth, so, yun po talaga.”

At kung tatanungin naman kung sino ang crush niya, ang boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo ang sagot niya.

“Naka-package po kasi silang dalawa,” biro pa niya.

Aware ba si Zanjoe na crush niya ito?

“Opo, alam niya. Kaya palagi niya akong inaasar. Kasi po, si Kuya Z at saka si Ate Be, lagi po kaming nag-aasaran din.”

NEW SOAP WITH KRIS. May susunod na teleserye na gagawin si Miles. Siya ang magiging anak ni Kris Aquino sa teleserye na Kailangan Kita.

“Actually, hindi pa rin po nakukuwento sa akin ang eksaktong character ko, pero, sinabi na po sa akin na anak daw po ako ni Ms. Kris. Kapatid ko po si Xyriel Manabat dito.”

Excited na kinakabahan na raw siya bilang first time raw niyang makaka-trabaho si Kris.

“Nag-guest po ako sa Kris TV noon, pinatawag po niya ko sa dressing room niya.

"Gusto raw po niya akong ma-meet. So, ako po, kinakabahan po ako. Pero ang bait po ni Ms. Kris, sobra.

“Tapos, hindi ko po ine-expect noong mag-start na po ang Kris TV, pinakilala niya po ako as anak niya po.

"Nakakatuwa po, ang bait po ni Ms. Kris.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN