Gary Estrada says if he runs for senator, he wants his wife Bernadette Allyson to run for Board Member in Quezon province

Gary Estrada on seeing former screen rival Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari: “I’m happy to see him/her. Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Naka-trabaho ko na siya sa dalawang pelikula. Sabi ko nga, it’s been a long time. I should be happy for him [because] he came out and I wish him well."


Naging busy na nga si Gary Estrada sa kanyang political life sa 2nd District ng Quezon kunsaan, isa siya sa mga Board Member rito. Nakikita namin ang mga iba’t-ibang proyekto ni Gary sa pamamagitan na rin ng kanyang Facebook account.

Hindi kaila sa marami na kung ilang beses na din siyang tumakbo noon sa Quezon pero noong huling eleksiyon siya pinalad na maging isa sa mga Board Member.

Mabilis niyang itinanggi nang tanungin namin kung balak niyang tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang Senator.

Ayon kay Gary, “Hindi po, masyado naman pong ambisyoso yun. Of course, we dream of that.

"But as much as we want to, I don’t think we can. Malaking funding din po ang kailangan doon at napakaaga pa.

“Unang-una, ito ay buong Pilipinas. Actually, we just came from visiting one town. It took us 10 days.

Kaming mag-asawa na yun [ni Bernadette Allyson], nagtulungan kami na kailangan mong saliksikan lahat ng hinaing ng iyong kababayan. Kailangan nalalaman namin.

“Nakakatuwa kasi, after ng election, I really went again.

"Ayaw naman nating sabihin na kapag kampanya, pulitika lang tayo nakikita. So, after election, I went. This is my second time going around again.”

Kung sakali at matutuloy raw ang plano ni Gary na tumakbo sa national elections, posible raw na kumbinsehin niya ang misis niya na humalili sa iiwan niyang posisyon sa Quezon.

“Wish ko po na siya ang humalili sa akin kung saka-sakali na ako po ay tataas. Ang iniiisip ko po palagi ay para po maipagpatuloy ang mga programang naiisip namin.

"At sa tingin ko naman po, ang aking maybahay, kung siya man ang papalit sa akin, mas magaling pa siya sa akin kung sakaling mapagkakatiwalaan ulit.

“Bakit ko ito nasabi, siya naman ay may masasandalang Senador, ang aking pinsan, si Jinggoy.

"At ang isa ko pang pinsan na nagbabalak din, si JV, so, magiging dalawa na ang senador niya at kung sakaling mapagbibigyan ng mga kababayan na tumaas, ang pinaka-guwapo niyang mister e, backer niya,” natatawang biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay ba kay Berna na pumasok din sa pulitika?

“Alam ko na kung bubuksan ang puso ng aking asawa, ito po ay ayaw niya.

"Aminado naman po ako riyan. Pero, unti-unti po nating ipinapakita sa kanya kung ano po ang ating mga pinaglalaban.

"At nakikita niya po na masaya ako sa aking ginagawa. Noong una, iniisip ko, bakit ko nga ba pinasok ang pulitika?

“Ako naman po e, nakapag-ipon, may magandang trabaho. Pero alam niyo po, ang pulitika, may calling. Kumbaga, nasa dugo po talaga.”

Ilang beses din siya natalo noon sa eleksiyon. Ngayon bang nakaupo na siya, masasabi ba niyang worth it lahat ng pagtitiyaga niya para manalo?

“Worth it kasi kapag nakikita niyo ang mga kababayan niyo na ngumingiti pagkatapos ng inyong proyekto.

“Maglalakad ako pauwi, they are grabbing my hands at nagmamano silang lahat sa akin.

"Alam mo yung feeling na, parang maiiyak ka sa itinulong mo. Ang aking tulong lang doon, humingi lang tayo ng vaccine.

"Sumulat tayo sa mga doctors ng probinsiya, nag-volunteer, pinakain natin. Yung tulong na naibigay natin sa kanila ay parang habangbuhay na nilang hindi malilimutan.”

SHOWBIZ CAREER. Ang Kokak naman daw ang huling show na nagawa niya sa GMA-7.

Ayon kay Gary, “Kung career ko po ang iisipin ko, ang career ko po siguro ay forever artista.

"Ang pulitika po, ito po ay sakripisyo, kawanggawa talaga. Nakakalungkot lang nga po ang hirap pagsabayin minsan.

“Pero kung may kukuha po at adjustable sa schedule natin, ako po ay mag-aartista.

"Actually, may offer sana before...[but] I was leaving for the U.S. Hindi ko po nagawa dahil hindi naman po sila makakapaghintay.

“I cannot cancel the trip because it was the only vacation I would have for the longest time. Ang huli kong punta ng Amerika, e, 1998 pa.

"Ang asawa ko, medyo kinukulit na ko at gusto namang mag-bakasyon. Tapos ang mommy ko naman po is not getting any younger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama rin ang kapatid ko, si Katherine at pamilya niya, so, we’re almost 15 in the group. Ang saya-saya.

"Except lang si Kiko [Ejercito] na may pasok na sa La Salle at nag-trabaho rin sa Tween Hearts, siya lang ang kulang.”

Kung tatanungin siya ngayon, ano ang masasabi niyang mas matimbang—maging actor o maging pulitiko?

“Hindi ko puwedeng anuhin. Like what I’ve said, show business has been very good to me. Ito po ang pinakain sa amin ng aming mga magulang. Ito po ang bumuhay sa akin noong ako ay bata.

“Ito po ang pinakain ko sa aking pamilya at pinapakain ko pa rin. Alam niyo yun.

"Kasi, kung aasa po tayo sa budget namin, sa tingin ko po, magiging corrupt po tayo.

"Kaya sabi ko sa ating mga kababayan, ako po ay pagbigyan niyo na umarte pa rin kahit ako’y naglilingkod sa inyo.

“And I’ve proven it for two years, kahit ako po ay bising-bisi, ako po ang Bokal na walang absent sa session namin.

"At pagkatapos ng session, ako ay nagsu-shooting then, diretso sa barangay at ipinakita po natin ‘to.”

WIFE AND KIDS. Mag-eleven years na rin silang kasal ni Bernadette sa June at may tatlong anak na mga babae sila. Marami ang nagsabi noon na posibleng hindi magtatagal ang pagsasama nila katulad ng ibang mga showbiz marriages.

Pero heto’t nanatili silang matatag. Ano ang sikreto?

“Alam niyo, it has to do with the kids. It has to do with the commitment of being married.

"I guess, unang-una yun sa amin. Hindi naman perfect ang relationship namin. We fight. We have an argument.

“Siguro the love is still there. At kapag nakikita mo yung mga bata, nakakalumo naman.

"I have three daughters at napakagaganda po ng aking mga anak at napakapalad ko po sa aking pamilya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON BEING A FATHER. Bilang ama, kumusta nga ba siya?

“Yan ang hindi ko alam. Ang ginagawa ko, bumabawi na lang ako sa aking pamilya.

"I always explain to them that Papa has to go to work, Papa has to go to this. Sometimes, I bring them and make it a point to have a date with one daughter o anak.”

Istrikto ba siya?

“Yes, I am very strict. Malinis ako sa bahay, at the same time, disiplinado ang mga anak ko.

"They are well-mannered, well-behave at the same time, nandiyan ang asawa ko para tutukan.”

ON KIKO THE ACTOR. Ang anak ni Gary na si Kiko (kay Chesca Diaz) ay nag-a-artista na rin.

“You know what, I’ve been there. Ako po ay artista na for the longest time. Twenty years to be exact.

“I want [my kids] to succeed in their chosen path. That’s the only thing I can wish for—their success in life. Kapag sila ang nag-fail, parang ako na rin yung nag-fail.

“I am very lucky with my son and my daughters. Suwerte rin ako na napalaki rin siya [Kiko] ng tama ni Chesca.

"At palagi kong binibilin sa kanya, irespeto mo muna ang kapwa mo para irespeto ka rin. Alamin mo kung saan ka nakatayo.”

May kuwento pa si Gary tungkol sa Twitter account ng anak.

Aniya, “Nandiyan nga yung may tweet-tweet siya. Pinagbabawalan ko. Kasi, ang dami ng kaso ng Twitter, ang dami ng isyu.

"Minsan yung nararamdaman mo, mali ang interpretasyon sa tao. We gave him advice. I never told him to close it but I told him not to express his feelings there because it’s not nice.

“Ako kasi, nakikita ko yung feelings niya, so, ngayon, medyo nagbabawas na siya ng mga ganoon.”

ON BB GANDANGHARI. Kinamusta rin namin si Gary tungkol sa dati niyang rival noon sa pagiging matinee idol na si Rustom Padilla na ngayon ay si BB Gandanghari na. Nakita raw niya ito kailan lang sa Box-Office King and Queen awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una niyang makita si Rustom bilang si BB na, ano ang naging reaksiyon niya?

“I’m happy to see him/her. Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Naka-trabaho ko na siya sa dalawang pelikula. Sabi ko nga, it’s been a long time.

“I should be happy for him [because] he came out and I wish him well. Dahil unang-una, kumbaga siguro, ito talaga ang para sa kanya.

"At least ngayon, tanggap na niya ang buhay niya at marami na ang tumatanggap sa kanyang tao.

“At sana, lahat ng tao ay tanggapin siya.”

May humirit naman ng tanong kay Gary kung noon daw ba, naramdaman na niya kay Rustom ang mga senyales na magiging isang BB Gandanghari nga ito?

“Alam niyo, kung may lumabas man na ganoon sa kanya, nabasa ko but I never questioned his gender.”

Hindi ba siya nagulat noong una itong lumabas as BB?

“Siyempre, buhay ni BB yun and it’s big news for the showbiz industry. Lalo na ako, I’m a part of the industry.”

Kung magkaroon ng offer na show na silang dalawa ang magkasama, okay sa kanya?

“Bakit ba naman hindi? To be honest, I invited him/her sa probinsiya.

"Sa blessing ng mga proyekto ko. Umoo naman siya, so, siguro , hahanapan ko muna ng proyekto na puwede siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN