Garrie Concepcion on Twitter issue involving sister KC: "Na-master na niya yung ’pag may narinig siya, nabasa niya, hindi na lang niya pinapansin."

Garrie Concepcion on getting her share of Twitter bashers: "Marami din po, especially nung time na nagkakagulo dahil namatay yung stepfather ko. Ang dami nilang sinasabi tungkol sa mommy ko.Yun po talaga ang masakit. They say things na below the belt na. Pero wala tayong magagawa. Kaya minsan, hindi na lang dapat magpapaapekto."


Tulad ng maraming Pilipino, nakadama rin ng lungkot at panghihinayang ang baguhang singer-recording artist na si Garrie Concepcion sa hindi pagkapanalo ng Filipino-Mexican American Idol runner-up na si Jessica Sanchez.

"Nakakapanghinayang, pero she’s already made," sabi ni Garrie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, May 25, sa Dome Restaurant/Coffee Shop at the EDSA Shangri-la Mall.

"Whether nanalo siya or hindi, for sure she’s a star already!" sabi pa ng 23-year old looker.

Garrie admitted na kabilang siya ngayon sa mga milyong Pilipinong kumikilala sa tinaguriang “World Idol.”

Garrie, who is Gabrielle Julia Marie Ibuna Concepcion in real life, is the daughter of actor Gabby Concepcion with former San Juan councilor, Grace Ibuna.

Nagpa-interview sa PEP si Garrie sa pamamagitan ng kanyang talent manager/co-handler (with Boy Abunda’s Backroom outfit) na si Vivian Recio, bilang patuloy na pagsusulong sa kanyang sinimulang singing career.

Nailunsad na last year ang self-titled debut album ni Garrie na ini-release ng Star Records.

Ayon kay Vivian, maganda naman ang turnout ng launch. Mabilis na pumi-pick up ang album (sales-wise) at nag-number 4 ito noong Disyembre sa Top Charts List ng Astrovision.

Kaya tuluy-tuloy lang ang magandang napasimulan ni Garrie.

Bukod sa pag-awit ay tine-train din siya sa iba pang aspeto ng show business, ‘tulad ng pag-arte at hosting.

In fact, nabanggit din ni Garrie sa PEP ang iba pa niyang mga kaabahalan sa kasalukuyan.

"Singing in corporate events... doing charity shows," sabi niya.

That afternoon, May 25, kagagaling lang daw nina Garrie at Vivian sa isang ospital. Kabilang si Garrie sa mga nagpasaya, through her songs, sa mga batang may masidhing karamdaman.

Ayon pa sa mestisahing dalaga nina Grace at Gabby, ang desisyon niyang pumasok sa showbiz at mag-record ng album ay nangyari noon pang 2010 matapos niyang maka-graduate sa college.

"We started the album, but since my stepfather died, medyo na-push back siya uli," sabi ni Garrie patungkol kay dating Congressman Iggy Arroyo, na namatay noong January 26, 2012 sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Now, things are picking up again and I know that my managers are doing everything they can."

GO GETTER. Sa college ay nagtapos si Garrie ng kursong Hotel and Restaurant Institution Management sa La Salle College of St. Benilde in 2010.

Aniya, "I majored in Tourism. Sobrang layo [sa pinu-pursue ko ngayon].

"Ever since kasi, I already loved to sing. But never did I imagine that one day I actually will record my own album."

Kailan niya napagtanto na kaya niyang maging recording artist?

"When was that?" nag-isip muna si Garrie.

"Well, kasi I’m the type of person who never lets an opportunity pass. And I’m only young once!

"So, nung napag-usapan [yung album], when it was offered, sabi ko, ’Okay, why not? Let’s do something...’"

ON KC CONCEPCION. Sa promotion ng Garrie Concepcion debut album ay ilang beses nang nagkasama sa TV guestings ang half-sisters na sina Garrie at KC Concepcion.

Si KC ay anak ni Gabby sa unang asawa nitong si Sharon Cuneta.

Kuwento ni Garrie, "Nag-duet po kami ng one stanza and a chorus sa Kris TV.

"’Yun po yung very first appearance namin [ni Ate KC] together.

“And then, yun pong sa ASAP, we danced together.

“First time kong sumayaw!" natawa uli si Garrie.

Ang higit niyang ikinatutuwa sa puntong ito ay ang magagandang pagkakataon ng pagsasama nila ni KC, na napaka-supportive sa kanyang sinisimulang career sa showbiz.

"Actually, in all honesty, hindi po kami lumaki together," pagtatapat ni Garrie about her and KC.

"But I know, si Ate, na-meet na niya ako before. Nagkakilala na po kami [as small kids], kasi may pictures kami noon together."

Garrie recalled seeing photos of her and KC at their father’s beach house in Anilao, Batangas.

"Siguro, si Papa [Gabby], ’pag kasama ako, isinasama rin niya si Ate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, after a long time, ngayon lang kami [uli] nagkakilala. Kasi nung nag-college siya, sa Europe..."

In high school, KC went to the International School (IS); while Garrie attended high school at Colegio San Agustin-Dasmariñas Village in Makati City.

"Mas nagkakilala kami dito nung namatay yung lolo namin," sabi ni Garrie, referring to Gabby’s father and original manager, the late Rollie Concepcion.

Namatay ang matanda ilang buwan matapos magbalikbayan at mag-showbiz comeback si Gabby on September 2008.

VERY SUPPORTIVE. Bilang pinaka-nakatatandang kapatid o panganay sa apat na naging "mga panganay" ni Gabby—Kristina Cassandra "KC" Concepcion, with Sharon Cuneta; Gabriel "Garrie" Concepcion, with Grace Ibuna; Chloe Concepcion, with former actress Jenny Syquia; and Samantha Concepcion, with Gabby’s current wife Genevieve Yatco—may magandang impression si KC mula sa half-sister na pumasok na rin sa show business.

Sabi ni Garrie, "As a sister, she is very... totoong tao si Ate KC!

"Kung ano yung nakikita n’yo sa TV, yun na siya!

“Ang lambing niya, sobra! Malambing, supportive, maalaga...

"At saka kung kasama ka niya, she’ll make you feel na alaga ka niya. She’ll ask you, ’O, okay ka ba?’

“Pag aalis naman siya, she’ll make sure na may pasalubong siya pagdating niya."

Noong bata pa sila, may mga pictures sina KC at Garrie na hindi nila matandaan ang pinagmulan.

"Nagugulat talaga kami, ’Saan nanggaling itong pictures na ’to?’" tanong lang daw nila kapwa.

Tawa pa ni Garie, "So, now, everytime na lumalabas o nagkikita kami, we make sure na we have pictures together!"

Sa kanyang pagsu-showbiz, gano’n din daw ka-supportive kay Garrie si KC.

"Very, very supportive," paniniyak nga ni Garrie. Na hindi na pagdududahan, lalo’t napanood ang live appearances ng dalawa sa TV shows ng ABS-CBN.

Hindi binigo ni KC si Garrie sa mga unang pagpu-promote ng album ng kanyang younger sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everytime [we guested together], halimbawa bago magsimula yung ASAP or yung sa Kris TV, she’d always make me feel comfortable...

"’Okay lang ’yan... have fun! Relax!’" pagku-comfort daw ni KC noon kay Garrie.

TWITTER BASHERS. But lately, KC seems to be in some "nasty trouble" dahil sa mga mapanlait sa Twitter.

Worse, may pinakahuling insidente na umano’y PR executive pa ng network na kinabibilangan ni KC ang nagpahayag ng hindi magagandang pananalita o ulat laban kay KC sa pamamagitan ng Twitter.

Ano nga ba ang damdamin ni Grarie sa sitwasyong kinasusuungan ng kanyang Ate KC?

"Well, as a younger sister, I do hurt for her.

“Pero siyempre, di ba, medyo hindi natin maiiwasan... people will always keep on saying something?

"But for us who really know her, alam po namin na hindi totoo.

"My Ate kasi, she has already... na-master na niya yung ’pag may narinig siya, nabasa niya, hindi na lang niya pinapansin."

As in, deadma na lang para huwag nang lumaki pang lalo ang anumang "non-issue"?

"Opo!" sagot ni Garrie.

Maging siya raw ay nakaranas na ng hindi magagandang gawain ng mga Twitter bashers.

"Marami din po, especially nung time na nagkakagulo dahil namatay yung stepfather ko.

"Ang dami nilang sinasabi tungkol sa mommy ko.

"Yun po talaga ang masakit. They say things na below the belt na. Pero wala tayong magagawa.

“Kaya minsan, hindi na lang dapat magpapaapekto."

Ayon pa kay Garrie, may dagliang solusyon naman para maiwasan ang mga nambabastos sa Twitter.

"Puwede silang i-block kaya kahit mag-tweet sila nang mag-tweet, hindi mo na mababasa.

"Blocked na agad!" natatawang sambit ni Garrie.

Sa isang banda, natuto ang dalaga sa ganitong sitwasyon.

"Sometimes, they’re the ones that make you stronger. Kasi kailangang i-prove mo sa kanila [na kaya mo sila].

"Then, sasabihin mo sa sarili mo, ’Okay, sige, say what you want to say, pero ipu-prove ko sa inyo na mali ang sinasabi n’yo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON SHARON CUNETA. Nakausap na ba ni Garrie si KC hinggil sa pinakahuli nitong Twitter issue?

"Actually, hindi pa. Kasi busy si Ate KC ngayon with X-Factor.

"Nagkumustahan lang kami. Sinabi niya, may sakit siya.

“And I reminded her, ’Don’t forget to take your medicine. Alagaan mo ang sarili mo.’

"As often as we could, we text each other."

On the other hand, Garrie said she has yet to meet KC’s mother, Megastar Sharon Cuneta.

"Never pa po kaming nag-meet... ever since!" sambit ni Garrie.

Then she giggled, parang may kung anong naisip na hindi naman isinatinig.

"We will get there... we will get there," paniniguro naman ni Garrie.

Pero hindi niya alam o wala siyang idea sa ngayon kung kailan iyon magaganap.

"A, siguro... ay, well, hindi ko pala alam with Papa [Gabby].

"I think, everything has its perfect time. So, baka hindi pa po time.

“Okey lang naman po, for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN