Part 2. Sam Pinto on rumor linking her to Derek Ramsay: "I know the truth so deadma na lang."

Sam Pinto on being tagged as "pinakamagandang babae sa balat ng lupa": “Oh, my gosh! Really? Well, super-flattered, I’m so speechless I don’t know what to say. But I hope they see more of me not just like being beautiful, I hope they see everything else."


Ongoing ang voting para sa annual FHM Sexiest Women list.

Masayang pagbabalita ni Sam Pinto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “As of last Friday [May 25], number one po ako. Yehey!

“Pero ongoing pa rin [ang voting], parang partial results pa lang.

“Oh, my God, kinakabahan na ako! Last day of voting is June 5, malapit na.”

Nag-e-expect ba siya na tulad ni Katrina Halili ay magiging number one siya two years in a row?

“I’m not really expecting anything, I’m actually getting really, really nervous.

“Parang ang lahat lumalaban talaga, e,” sabi niya.

Sino ang mahigpit niyang kalaban so far?

“Si Angel.”

Nasa No. 2 spot si Angel Locsin.

Nasa ikatlong puwesto naman si Solenn Heussaff at nasa No. 4 si Marian Rivera.

“Lumalaban talaga yung mga tao, grabe!” bulalas ni Sam.

Hindi raw siya kampante na siya ulit ang nasa top of the list.

“No, not at all, kasi as you can see, lahat talaga lumalaban this year, e. Ang dami nilang mga ginagawa, e, so there.”

BASHERS. Nagkaroon na ng isyu dati sa pagitan nina Sam at Marian.

Ngayong ongoing ang botohan para sa Sexiest Pinay list ng FHM, tiyak na mabubuhay muli ang isyu dahil kapwa strong contenders dito sina Sam at Marian.

Ano ang masasabi ni Sam tungkol sa kumpetisyon nila at maging ng ibang contenders sa FHM Sexiest Women list?

“Ay, now, grabe now! Like everybody’s… lahat ng mga nasa Top 10 basically, lahat nag-aaway na ang mga fans nila.

“Lumalabas sa lahat, sa mga fan page, nambabastos,” sabi niya.

Ano ang pinakagrabeng panlalait sa kanya?

“Ano daw… mukha daw akong tuod. Hindi raw ako sexy, ganyan- ganyan,” medyo natatawang sabi ni Sam.

Hindi raw siya sumasagot kahit minsan ay sobra na ang bashing sa kanya.

“There are times na sobrang nakakaasar, na ang sarap lang mag- reply, pero huwag na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang naman daw mga fans ni Marian ang involved kundi fans ng ibang mga nasa Top 10.

“Everybody… like, ‘Hindi kita iboboto, si Angel ang iboboto ko!’

“Sila talaga yung lumalaban.

“One time, sumagot ako, parang sabi niya, ‘Hindi ka sexy, hindi kita iboboto, ganyan-ganyan… si something ang iboboto ko!’

“Sabi ko, ‘I’m not forcing you to vote for me!’

“My gosh! Iyon lang!” natatawang sabi ni Sam.

Hindi siya nagagalit?

“It’s more on… yeah, kinda amused. Kinda also entertaining to read all these hatera na…” sabay tawa muli ni Sam.

MOVING. Co-managed si Sam ni Claire dela Fuente at ng Viva. Paano kung magdesisyon ang Viva na ilipat si Sam sa TV5?

“Two more years pa, 2014 pa matatapos,” sabi ni Sam tungkol sa natitirang kontrata niya sa GMA-7.

Pero dagdag niya, “I’m not really closing my doors to any of the three networks.

“I mean, for me, I trust Viva whatever their choices, it’s gonna be the best for me.

“Kasi they’ve been in the business for so long already so I trust them.”

Nagsimula ang showbiz career ni Sam sa TV5.

Aniya, “Sa Midnight DJ, mga sampung episodes.

“Yung kay Oyo [Sotto], bago pa ako nag-PBB [Pinoy Big Brother].”

PINAKAMAGANDANG BABAE. Nahingan din ng reaksiyon si Sam sa bagong bansag sa kanya na siya raw ang “pinakamagandang babae sa balat ng lupa” ngayon.

“Oh, my gosh! Really? Well, super-flattered, I’m so speechless I don’t know what to say.

“But I hope they see more of me not just like being beautiful, I hope they see everything else,” sabi niya.

May pressure?

“Oo naman! Kailangan lagi akong maganda? Ang hirap!

“I’m the type kung wala akong work, no make-up, naka-shorts and t-shirt, duster...”

Ano ang sikreto niya?

“I think it’s in the genes, ‘coz my mom, sixty, and she’s payat pa rin hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“How do I maintain? Wala.”

Ano ang vital statistics ni Sam?

“Alam mo, nakakahiya ang vital stats ko, e!” at natawa si Sam.

“Thirty-two lang ‘yan [bustline], 26 ‘yan [waist]... seryoso! And 32 ata [ang hips].

"Seryoso, seryoso!”

SAM’S LOVELIFE. Kumusta ang lovelife niya?

“Lagi na lang may lovelife?

“Actually, lovelife now, wala naman, ganun pa rin, wala pa rin.”

Kahit daw sa pagde-date ay wala siyang panahon.

“For me kasi, parang now that the whole FHM thing is going on, parang huwag muna. Ha-ha-ha!

“Deadma muna, oo, after that na lang.”

Paano niya tinatanggihan ang mga manliligaw?

“’Sorry, bisi-bisihan, I’ve work today!’

No time for love…

“Not yet.”

Naka-apat na raw siyang boyfriends, and the most recent was…

“Oh, my gosh! Two years ago?”

Ang huli niyang relasyon ay sa basketball player na si Simon Atkins.

“Siya yung last.”

Gaano tumagal ang relasyon nila?

“Very fast!”

Para lang basketball?

“Parang basketball lang actually!” at tumawa nang tumawa si Sam.

DEREK RAMSAY. Muli ring iginiit ni Sam na hindi raw totoo ang isyu sa kanila ni Derek Ramsay.

“Ano ba? Hindi pa ba tapos ‘yang isyu na ‘yan?” tawa na naman niya.

Siya kasi ang itinuturong dahilan sa breakup nina Derek at Angelica Panganiban.

“Oo nga daw! Hindi ko nga din alam na dahil sa akin pala.

“Hindi naman kami… we’re not actually really friends. We just say hi, hello, and bye!

“I don’t even know his number and he doesn’t know my number.

“The last time I saw him was nung ginagawa namin yung TVC for San Miguel Oktoberfest, which was last year.

“Before October last year—kasi the commercial was for Oktoberfest—hindi ko na siya nakita or nakausap after.

“Sabi ko nga, ‘Ano’ng nangyayari? ‘Tapos lahat ng mga tao nagtu- tweet na parang, ‘Hoy, ikaw pala ang may kasalanan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, my God!”

Ano ang explanation niya sa mga akusasyong ito?

“Actually, for me, I know the truth so deadma na lang. Bakit ko papatulan ito, I mean, hindi naman totoo.”

Hindi nila napag-usapan ni Derek ang isyu?

“I don’t really want to… not really don’t want to talk to him, parang for me, there is no reason to talk to him kasi we both know the truth.

“And I know he’s explained to everybody na that’s really not true.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN