Slater Young on current Pinoy Big Brother teen housemates:“Ako, mas gusto ko yung mas bata, mas walang inhibitions..."

Slater Young's advice to the current PBB teen housemates: “They have to magpapakita din ng [maganda], and they have to keep that in mind that in the show, they have to set [a] good example.”


Matapos manalo ni Slater Young sa Pinoy Big Brother Unlimited nitong taon, hindi naman niya ipinagkaila na may interes siyang pasukin ang showbiz.

Bagamat wala pang “final” offer sa kanya, naghahanda na rin daw siya sa pagsabak niya sa pag-arte, kaya naman ilang acting workshops na rin ang ginawa niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Slater sa naganap na fashion show ng Jag noong Mayo 25, sa SMX Convention Center, Pasay City, para sa selebrasyon ng Philippine Fashion Week.

“It’s not as easy as I thought,” sabi ng aspiring Filipino-Chinese actor nang aming kamustahin ang kanyang acting workshop.

“Ang hirap ng acting, sobrang mahirap, and it really tests your focus and concentration talaga, and it really gets you out of your shell.

“Uhm, so isa rin ‘yon sa problema ko, kasi, di ba, I’m naturally mahiyain?

“Pero [I’m] pushing [my] boundaries na.”

Wala naman daw partikular na genre na gustong pasukin si Slater. Pero umaasa siya na maging versatile actor, na kayang gampanan anumang role ang ibigay sa kanya.

PBB TEEN EDITION. Samatala, inamin ni Slater na dati raw ay hindi siya nanonood ng anumang season ng Pinoy Big Brother.

Pero nang makalabas na siya sa Bahay ni Kuya, at magsimula na ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 ay sinusubaybayan na raw niya ito.

Bilang manonood, aminado si Slater na may mga positibo at negatibong opinyon ang mga tao sa current season ng PBB.

Pero aniya, “You have to understand that they’re teens.

“So, iba pa din ‘yong teens 'tapos walang nanay, walang tatay na nag-[guide] sa kanila.

“Siyempre si Kuya, nagga-guide sa kanila.

“Pero siyempre teens, they have lessons to learn in their lives.

"So, I’m sure they’ll get there.”

Kaya naman daw kung bibigyan siya ng pagkakataon na makapasok muli ng Bahay ni Kuya, ang ibibigay daw niyang payo sa mga teen housemates:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it's more lang talaga…which are the good things that they are doing, [but] they’re being themselves lang din talaga.

“But you have to understand din na people, especially that now they’re on the spotlight, look up to them.

“So, they have to magpapakita din ng [maganda], and they have to keep that in mind, that in the show, they have to set [a] good example.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN