Ogie Alcasid feels pressure from playing title role in Boy Pick-Up The Movie

“Yes, I feel pressure. But, you know, I wouldn’t be put in this place by God if it wouldn’t succeed. So, I’m pretty sure that God put us here so that we can go all the way," says Ogie Alcasid on playing the title role of his movie.


Sinigurado ni Ogie Alcasid sa lahat ng mga nagsidalong entertainment writers sa presscon ng Boy Pick-Up: The Movie na may istorya ang pelikula nila.

“Tinatanong ng iba, ‘no? Papa’no magkakaroon ng kuwento yung Boy Pick-Up: The Movie, e, napapanood n’yo sa Bubble Gang, yung pick-up lang,” simula ni Ogie sa presscon na ginanap sa Imperial Palace Suites kahapon, May 27.

“Dito, makikita n’yo yung back story ni Boy Pick-Up, sino ba siya, sa’n siya nakatira, sino ang mga kapitbahay niya, ano yung buhay niya, sino yung mahal niya, sino ang mga magulang niya…

“Doon lang talaga umiikot ang story.

“But of course, because ang core audience ng Boy Pick-Up ay lahat ng mga nanonood ng Bubble Gang, plus yung mga mahilig sa pikapistas [mga gumagamit ng pick-up lines], ginawa naming highlight yung mga pick-up-an.

“So ‘pag tinatanong n’yo sa ‘min, ‘May kuwento ba ‘yan?’ May kuwento po. There is a story.

“’Pag pinanood n’yo yung pelikula, masusundan n’yo yung kuwento. Sigurado po,” patuloy ni Ogie na siyang gumaganap bilang Boy Pick-Up.

“Ipinanganak” mula pa noong nakaraang taon, isa sa mga sumikat nang characters ni Ogie sa GMA-7 gag show na Bubble Gang si Boy Pick-Up.

“It [Boy Pick-Up, the character] came from the production team of Bubble Gang.

"They asked me what I thought of pick-up-an, as a contest.

"Sabi ko, ‘Okey ‘yan. Pero gawin natin, yung pinakadulo, yung mananalo, walang kuwenta yung mananalo. ‘Tapos tawagin natin siyang Boy Pick-Up,” kuwento ni Ogie kung paano nagsimula ang character niyang may pelikula na mula sa produksiyon ng GMA Films at Regal Entertanment, Inc.

FLIP TOP. Lumalaban at kasalukuyang hari sa “Pick-Up Battles” si Boy Pick-Up.

Inspirado ang Pick-Up Battle ng “Flip Top” at “Sunugan” rap battles na nagaganap sa local underground hip-hop and rap scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ng Freestyle rap battles na nagsimula sa hip-hop/rap communities sa U.S., labanan ng dalawang magaling mag-rap ang nangyayari sa Flip Top at Sunungan battles.

Pagalingan sa pang-iinsulto sa pamamagitan ng Tagalog freestyle rapping ang dalawang rappers.

Kung sino ang may malakas na hiyawan o approval mula sa mga audience na nanonood sa battle ay yun ang mananalo.

Flip Top Battle (video)

“Fans po kami nun, e. Pinapanood namin yun sa YouTube,” pag-amin ni Ogie tungkol sa Flip Top at Sunugan rap battles.

May kinalaman daw ang Bubble Gang at Boy Pick-Up co-star niyang si Eri Neeman—Boy Back-Up sa pelikula at Bubble Gang versions ng Boy Pick-Up—sa paggaya nila sa Flip Top at Sunugan rap battles para sa kanilang Pick-Up Battle.

Sa Boy Pick-up sketch nina Ogie sa Bubble Gang, imbes na insultuhan sa pamamagitan ng pag-rap, pagalingan sa pagsasalita ng “pick-up lines” ang labanan.

Aminado naman si Ogie na hindi talaga sila ang nagpasikat ng pick-up lines.

“Matagal na ‘yan, e. Matagal nang alam ng mga Pilipino ‘yan.”

Nabanggit pa nga ni Ogie ang mga commercial noon ng aktor na si John Lloyd Cruz.

“Yung commercial niya, di ba? ‘Sobrang cheesy!’ Yung mga pick-up lines sikat na talaga sa kultura natin, e.

“Yung mga, ‘Can I call you… mine?’ matagal na ‘yan, e.

“Pero ang kaibahan namin, dinagdagan namin ng dimension, na may nagtatanong ng, ‘Bakit?’ pagkatapos may paligsahan.”

Mabuti na lang daw, nasakyan ng fans ng Bubble Gang ang sketch nilang ito.

“Hindi namin kini-claim na kami ang nagpasikat. Pero sinakyan namin yung kasikatan at medyo nasakyan ng mga fans namin, na nakakatuwa naman,” ani Ogie.

BOY PICKED UP. Tinanong ang stars na dumating sa presscon ng Boy Pick-Up The Movie kung nasabihan na ba sila ng pick-up line ng mga may intensiyon talagang i-pick-up sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-share ni Ogie ang isang pick-up attempt sa kanya sa isang bading.

“Na-pick-up na ‘ko…ng bading.

“Totoo!” natatawang simula ni Ogie sa kuwento ng pick-up attempt sa kanya.

“Sa eroplano pa nga, e.”

Isang bote lang daw ng pabango ang pinang-pick-up sa kanya ng bading.

“Pero hindi ako sumama,” paglilinaw agad ng singer-songwriter/comedian.

FEELING THE PRESSURE. Aminado rin si Ogie na nakakaramdam siya ng pressure sa pagkakaroon ng pelikulang siya mismo ang nasa title role at siya ang nangunguna’t malaking artista.

“Yeah… 25 years na ‘ko sa showbiz and it’s only now that I’ve been given a real title role.

“So, I think it was worth the wait—25 years of experience of doing comedy.

“But I think it came at the right time. Kaya’t natutuwa ako dahil ang daming goodwill na dumating sa project.

“Itong mga artistang ito, na kasama ko ngayon, talagang 180 thousand percent yung binigay nila sa comedy.

“And of course, I have to say thank you to my director here who… pare, ang galing mo.

"Palakpakan natin si Direk Dom,” pasasalamat pa ni Ogie sa kanyang co-stars na naroon na sina Solenn Heussaff, Sam Pinto, Dennis Trillo, Eri Neeman, Diego Llorico, Rodfil Obeso, at ang direktor ng pelikula niya na si Dominic Zapata.

May special participation din sa pelikula sina Senator Bong Revilla, Derek Ramsay, Dingdong Dantes, Boy Abunda, Chef Boy Logro, Luis Alandy, Tim Yap, Gina Alajar, at tween stars ng GMA-7..

“Itong ginagawa namin na comedy, medyo bago siya sa mga comedy na napapanood natin.

“Pero since tinanggap na po siya ng mga nanonood ng Bubble Gang, I’m very, very sure na when you watch the film, you will also embrace this kind of comedy.

“And yes, I feel pressure.

"But, you know, I wouldn’t be put in this place by God if it wouldn’t succeed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m pretty sure that God put us here so that we can go all the way.

“There is pressure but I like that kind of pressure, because I think we get that, parang, derive energy from that pressure. And I think we came up with a great film.

“Parang Avengers, ganun…

“Mas maganda nga lang yung Avengers

“Konti lang, saka mas nauna silang ipinalabas, e,” pagbibiro pa ni Ogie.

CLICK HERE and HERE to watch video clips of Ogie’s interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN