Eugene Domingo’s dream after several Best Actress awards—to win Box-Office Queen title

Eugene Domingo on her love scenes with Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo: "Wala talaga silang kamali-malisya sa akin. Kahit ano pang ipakita ko. Singit ko na yun, di ba? Wala lang, parang stuffed toy lang, puppet. Okay lang naman din na walang malisya kasi sagabal yun. ’Pag may nararamdaman ka sa kanya, ano yun, e, istorbo.”


Pagkatapos manalo ni Eugene Domingo ng awards for Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies dito sa Pilipinas, at tanghaling People’s Choice for Best Actress sa nakaraang Asian Film Awards, ang susunod na target pala niya ay ang hiranging Box-Office Queen.

“Opo, yun po ang pangarap ko.

“Ano lang… pinapalad lang na halos lahat ng pelikulang salihan ko ay kumikita. Pero hindi pa talaga to-the-max.

“Sana ay mabahaginan ako ni Ai-Ai [delas Alas] at saka ni Vice [Ganda], e.

“Gusto ko rin po yun. Maganda ring achievement yun as an actress.”

Ito ang inamin ni Uge, palayaw ni Eugene, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa grand presscon ng pinagbibidahan niyang Kimmy Dora and The Temple of Kyeme sa ilalim ng Star Cinema at Spring Films.

Ginanap ang presscon kanina, May 28, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

BEST SEQUEL. Posible namang makamit ni Eugene ang pangarap niyang ito kapag kumita ng malaki ang naturang sequel ng blockbuster hit movie niyang Kimmy Dora: Kambal sa Kyeme na ipinalabas noong 2009.

Nakatakda namang ipalabas sa mga sinehan ang Kimmy Dora and The Temple of Kyeme sa June 13. Parehong sa ilalim ito ng direksyon ni Joyce Bernal.

Ano ang masasabi ni Uge na malapit nang ipalabas ang sequel ng Kimmy Dora?

Paano niya maia-assure sa mga tao na maganda ang pelikulang ito bukod sa nag-shoot pa sila sa South Korea para kunan ang ilang mahahalagang eksena?

“Unang-una po, hindi namin inaasahan na magkakaroon kami ng sequel dahil tatlong taon na ang nakararaan.

“At saka parang puwede namang okay na yun, e, maganda na yun, e... point taken.

“Parang nakapag-set na tayo o puwedeng sabihin na gawa na lang tayo ng iba, parang ganun.

“Kaya lang po, kahit saang lugar po ako pumunta sa buong mundo, merong request, e, na, ‘Kailan po ba yung Kimmy Dora 2 o Kimmy Dora 3?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At hinintay namin ang tamang panahon para makapagsulat si Chris Martinez ng script.

“Actually, kung nandito siya, sasabihin niya, napakahirap. Dahil he had to write two concept papers for Direk Joyce.

“Ang tagal bago niya na-convince si Direk Joyce na this one, this partuclar genre is the best sequel to that kind of comedy—Kimmy Dora 1.

“Kasi hindi naman kami puwedeng gumawa ng kamukhang-kamukha noon. At hindi mo rin naman puwedeng sabihin na gagawa ka ng parang lesser than that.

“So, we had to convince Direk Joyce and the rest of the Spring Films na this type of comedy, na lalagyan natin ng layer ng horror and a little bit of historical patotoo tungkol doon sa mga roots sa Korea, will give more excitement to the sequel.

“That’s why it took two years because we had to go to Seoul.

“Direk Joyce had to hunt for locations, to talk to some professional mangkukulam, mga ganyan.

“So, aaminin namin na it’s very difficult and the pressure is there.

“We’re just waiting for Direk Joyce to feel it, actually, para maramdaman niya.

“Kasi noong una, parang ako lang at saka si Direk Chris ang nananalig, e.

“Nung pumasok na kay Direk Joyce, ‘Wow! Baliw!’

“So, I think the combination of Chris Martinez and Joyce Bernal is Kimmy Dora.”

EXHAUSTING DUAL ROLE. Mahirap na para kay Uge na gumanap ng dual role—o kambal bilang si Kimmy, ang sosyal at matalinong kapatid, at si Dora, ang mabait pero mentally-challenged.

‘Tapos ay nag-shoot pa sila sa South Korea habang napakalamig ng panahon dito.

“Napakahirap talaga!" sambit ni Uge.

"Ang nagpaandar talaga sa akin ay pananalig.

“Yung tatahimik na lang kaming lahat at kakapit sa isa’t isa para sa sabihin na, ‘Bumiyahe tayo, ‘eto na ‘yan. Commitment ito. Let’s do this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Magdasal tayo, makakaraos tayo. Lahat ng sequences na ito magagawa. Huwag ka nang umarte nang hindi dapat iarte.’

“Saan ka magbibihis? Diyan na lang sa tabi-tabi. Huwag ka nang humingi ng kung anu-ano.

“We have to finish this, lahat ito day-effect, at film partner namin na Korean production doon ay hindi mo rin naman talaga made-demand na, ‘Pengeng ganito.’

“So, when we said yes to this sequel, everybody’s committed.

“So, ibibigay mo na lahat. Talagang kapit na kapit na kami.

“And doing Kimmy and doing Dora really, aaminin ko, is exhausting, really. It’s like doing my last movie.

“Minsan talagang nakakaiyak naman ito, nakakapagod, yung ganun.

“Pero ang saya ng mga kasama, nananalig ang cast, nananalig ang direktor, ang mga producers, ang mga sumusuporta.

“Ang daming tumutulong—like from the wardrobe, ang daming nagpahiram ng mga damit kaya mas nagmukhang mayaman na sila ngayon. Ang daming gustong mag-cameo.

“Yung energy na yun, because they believe na kailangan talagang magkaroon ng sequel, and the audience are really waiting for something new to watch in the cinema from Kimmy Dora.

"Yun ang nagbibigay sa amin ng energy.

“But, paano nga kami naka-survive?

"Dahil siguro sa tiwala namin at pananalig sa isa’t isa at tulong ng Panginoon, prayers every day.”

KISSING SCENES AND LOVE SCENES. Siyempre, hindi rin nakaligtas si Uge sa pagtatanong tungkol sa leading men niya na sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo, lalo na’t may kissing scenes at love scenes pa siya sa dalawa.

Dahil si Zanjoe ang present sa presscon, natanong tuloy si Uge kung paano niya ba “hinalay” ang aktor?

Pabirong sagot naman ni Uge, “Ang dami kong pinapaliwanag dito tungkol sa camera at saka sa dedication, commitment... ‘tapos nandun ka sa halay!

“O, sige... alam n’yo, ang suwerte-suwerte ko talaga kasi si Zanjoe bigay na bigay. Wala pa iyang nakikita n’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron talaga yung sumigaw na si Direk Joyce ng, ‘Tama na!’ Yung ganun.

“Kasi nakalimot na ako, e. Kailangan ko ito, e. Kaso kinut na, e.”

Ano ang nangyari sa eksenang yun?

“Talagang pumasok yung ulo ko sa bunganga niya [Zanjoe]!” biro pa ni Uge na ikinatawa ng lahat.

Pero ewan daw niya kung bakit parang walang malisya si Zanjoe na kinontra naman ng aktor sa pagsasabing, “Siyempre, meron [malisya].”

Bagay na ikina-react tuloy ni Uge, “Totoo?

“Wala na, ikaw na yung title ng article. Hindi na ako. Kasi mas maganda yung sagot mo e. ’Kainis!

“Wala pa akong magandang article dito. Yung mga binitawan ko, hindi ka-title-title.”

Kadalasan kasing nabibigyan-pansin o nagiging headline sa mga artikulo o kolum sa mga pahayagan, lalo na sa tabloids, ang mga pahayag na kontrobersiyal ang dating.

Ang ginawa tuloy ni Uge ay pabirong bumukaka siya, sabay sabing, “Ayan, nagpakita na ng panty!

“Inumpisahan ko ito na para talagang nakaka-Asian actress. Nauwi na naman sa ganito.

“Huh?! Nag-blazer pa ako!”

Natanong din si Uge tungkol sa eksena nila ni Dingdong sa swimming pool na tila bumukaka siya na parang palaka.

“Lagi nga kaming nasa swimming pool, e, kami ni Johnson [Dingdong].

“Alam mo si Johnson, si Dingdong, ang husay… silang dalawa [ni Zanjoe] ang husay nilang mag-comedy.

“Agad-agad nilang naikakabit yung character nila kahit alam mong sanay na sanay na sila sa drama.

“’Tapos yung nga, wala talaga silang kamali-malisya sa akin. Kahit ano pang ipakita ko.

“Singit ko na yun, di ba? Wala lang, parang stuffed toy lang, puppet.

“Okay lang naman din na walang malisya kasi sagabal yun.

“’Pag may nararamdaman ka sa kanya, ano yun, e, istorbo.”

Katulad ni Zanjoe, may kissing scene din daw sila ni Dingdong.

“Kailangan, e. Kasi nasa edad na naman ako para makipag-kissing scene.”

Ano ang kaibahan ng love scenes niya kina Dingdong at Zanjoe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag si Kimmy at si Barry [Zanjoe], wild, sarap. Talagang mainit.

“’Pag si Johnson at saka si Dora, sweet, tender.

“Kaya nga nae-enjoy ko yung both worlds, e. Pero walang malisya.”

So, wala siyang naramdamang pagnanasa o sexual desire?

“Wala, wala talaga. Alam mo, aaminin ko naman ‘pag talagang nagigising ang pagkababae ko.

“Pero sa pagkakataong ito, hindi talaga. Kasi ang tingin ko kanila, talagang barkada.

“Kung ka-batch ko man sila sa eskuwelahan, ganun, e. So, wala.

“At this point, talagang very, very cool.

“Lahat kami gusto namin na hanggang future projects namin, maganda pa yung magiging roles namin—if ever we work again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN