Andrea del Rosario’s daughter celebrates second birthday with gift-giving in Calatagan, Batangas

“I am so happy because my baby girl turned two years old. Malaking bagay iyon para sa akin kasi muntikan na siyang mawala sa akin. Through prayers, unti-unti kong nakikita ang improvements sa health niya," says actress Andrea del Rosario about her baby Beatrice Anne, who celebrated her second birthday last May 28.


Isang simple pero makabuluhang birthday celebration ang ibinigay ni Andrea del Rosario sa kanyang baby girl na si Beatrice Anne kahapon, May 28.

Two years old na ang anak ng dating miyembro ng Viva Hot Babes.

Sobra ang pasasalamat ni Andrea sa Panginoon dahil lumalaking malusog at masaya ang kanyang anak.

Kung matatandaan, nag-50-50 si Bea, palayaw ni Beatrice, nang isilang siya sa Amerika dahil sa mga naging kumplikasyon nito sa katawan.

Sabi ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I am so happy because my baby girl turned two years old.

“Malaking bagay iyon para sa akin kasi muntikan na siyang mawala sa akin.

“Through prayers, unti-unti kong nakikita ang improvements sa health niya.

“And Bea is such a happy baby. Gusto niya na lagi siyang may kalaro. At napakalambing pa.

“Kapag nakikita ko siyang gano’n, you can just imagine ang saya sa puso ko.

“Lahat ng puwede kong gawin para sa anak ko ay gagawin ko talaga, makita ko lang siyang nakangiti parati.

GIFT-GIVING. Sa Calatagan, Batangas nag-celebrate ng kanyang second birthday si Bea, na dinaluhan ng mga kamag-anak ni Andrea.

Pero imbes na malaking birthday party, nagkaroon ng gift-giving si Andrea sa isang organization doon na tumutulong sa maraming bata.

Kuwento ng aktres, “Bumili kami ng maraming school supplies para sa mga bata na tinutulungan ng isang organization doon sa Calatagan.

“We bought mga school bags, notebooks, pencils, at iba pang kailangan ng mga bata sa pagpasok sa school.

“Yun ang naisip namin na magandang ibigay aside sa pagkain, kasi magagamit nila nang matagal ang mga binili naming mga school supplies.

“Parang thanksgiving na rin namin ito dahil sa magandang kalagayan ng anak ko.

“Mga bata rin ang gusto naming tulungan. Kaya every year on Bea’s birthday, ganito ang gagawin namin.

“Tuwang-tuwa nga ang anak ko kasi yung ibang mga bata doon, kalaro niya kapag nasa Calatagan kami during weekends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig sa beach ang anak ko kaya parating nasa tabing-dagat ‘yan kasama ang mga bata doon.”

FIRST BIRTHDAY. Hindi makalimutan ni Andrea ang naging first birthday ni Bea. May nakakabit pa noong G-tube kay Bea dahil katatapos lang nitong maoperahan.

Ayaw nga raw isipin ng aktres na hindi magsu-survive ang anak niya.

“Yung mga doctors doon, hindi na nila ako binibigyan ng false hopes.

“Direkta na nilang sinasabi sa akin that it’s a 50-50 chance na maka-survive ang anak ko.

“Kakapanganak ko pa lang, inoperahan na siya and she had four other operations after that.

“Hindi pumasok sa isipan ko na hindi aabot sa first birthday niya ang anak ko.

“Lumaban din kasi ang baby ko kaya heto siya ngayon. Parang walang nangyaring masama sa kanya.

“Kaya nitong nagdaang birthday niya, wala nang tube na nakakabit sa kanya at nakakakain na siya nang maayos.

“Halos lahat gusto niyang kainin na, pero inuunti-unti kong ibigay sa kanya para hindi mabigla ang bituka niya.”

UPCOMING PROJECTS. Pagdating naman sa showbiz career ni Andrea, may gagawin siyang TV series sa TV5; kasama rin siya sa pelikula na pagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay, at KC Concepcion sa Viva Films.

Ayon kay Andrea, “Sinabi na sa akin yung tungkol sa series sa TV5. Mga bata raw ang mga bida.

“Hinihintay ko na lang kung kailan ang simula ng taping.

“Yung movie naman sa Viva Films, mukhang maganda siya. Ang ganda ng cast.

“Matagal din akong hindi nakagawa ng movie. The last I did was the indie film Fidel. That was 2009 pa.

“Okey na rin na maging busy ulit ako sa showbiz. Two months na lang, matatapos na ako sa course ko sa school.

“Hindi na magiging problema ang schedules kasi after my course, focus na ako sa trabaho ko sa showbiz.”

BUSINESS & OTHER VENTURES. Samantala, bago tumulak papuntang Batangas si Andrea ay nagkaroon ng grand opening ang bagong branch ng kanyang restaurant na Longganisa Sorpresa sa Mandaluyong Circle last May 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bale ikatlong branch na ito ng business ni Andrea. Yung una ay nasa SM North EDSA at ang pangalawa ay nasa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.

May gusto ring pasukan na ibang career si Andrea. Pero aayusin daw niya muna lahat ng commitments niya sa showbiz at sa kanyang negosyo bago siya sumabak sa bagong career na tinutukoy niya.

“Noon ko pa naman gustong gawin ‘yon, pero kailangan pag-aralan ko nang husto.

“Mahirap nang pumalpak tayo sa unang pagsubok pa lang.

“Hindi ko na muna babanggitin kung ano ‘yon.

“Kapag nakapag-decide na ako at nasimulan ko na, doon ko pa lang puwedeng makumpirma.

“Sa ngayon, showbiz at ang resto business muna ang concentration ko.

“Plus of course ang pinaka-priority ko ay ang aking anak. Mother muna tayo bago ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN