Gwen Zamora decides to stay in the Philippines despite career opportunities in other Asian countries

Gwen Zamora on her performance in The Witness: "I could have done better, and if I’m happy with what I did, then I might expect an award. May konting adjustment pa.”


Marami ang natawa at nagulat sa binitawang pick-up line ni Gwen Zamora tungkol sa chicharon sa press conference ng Boy Pick-up The Movie noong May 27, Linggo, sa Imperial Palace Suites.

Sa pelikula, si Gwen ang gumaganap na mataray, may pagka-fierce na kalaban ni Boy Pick-up na ginagampanan ng bidang si Ogie Alcasid.

Dahil sa kanyang pick-up line tungkol sa chicharon, naitanong kay Gwen kung naia-apply ba niya ang pick-up lines sa buhay niya.

Sabi ng Kapuso actress, “Kapag minsan. Kapag gusto kong patawanin ang mga kaibigan ko.

“Kasi minsan, sila, nagtse-check din ng pick-up lines.”

Natawa naman siya nang maalala ang sinabi niyang pick-up line na: "Chicharon ka ba? Dahil ang ingay mong kainin."

Sabi ni Gwen, “Hindi ko alam kung saan ko narinig yun. I think, sinabi lang ng mga friends ko.”

NATURAL COMEDIENNE. Hindi naman bago kay Gwen ang pagpapatawa, hindi lang dahil sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang kundi dahil sa comedy raw siya talaga nagsimula.

“I started with comedy talaga, clowning talaga ang start ko. Pero hindi siya yung clowning na may red nose.

“Sa Singapore yun, so comedy talaga ang simula ko," pagsisiwalat niya.

Pero ayon kay Gwen, gusto niyang magawa ang lahat.

“I’d like to be challenged. Gusto ko Johnny Depp style.

“Actually, gusto ko yung mala-G.I. Jane role. Gusto kong maging kalbo.

“Wala lang. Siguro, para may excuse akong magpa-kalbo,” natatawang sabi niya tungkol sa ginawa ng Hollywood actress na si Demi Moore para sa G.I. Jane.

Dagdag ni Gwen, “The more challenged I am with the character I am playing, the more happy I am.

“Kapag the more kong pinag-iisipan yung role ko, parang mas nai-immerse ako sa role ko.

"Mas gusto ko yun imbes na wala lang.”

SURPRISE MOVE. May gagawin ba siyang pelikula pagkatapos ng international film na The Witness na puwede siyang mapansin muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, I really want to tell the world now, pero hindi ko pa puwedeng i-share.

“So, abangan. Masu-surprise talaga kayo sa next move ko," pagbabalita niya.

So, kakaibang Gwen pa ang makikita ng mga manonood?

“Makikita? Hindi ko alam kung makikita, pero makikita ang vision ko.”

Kailan sisimulan ang sinasabi niya?

“Nasa processing na. I can tell you all in about one month.”

Kung naging maganda ang reviews ng pelikula niyang The Witness sa Pilipinas, naging topgrosser naman ito sa Indonesia noong ipalabas ang pelikula doon.

Magkakaroon din daw ng screenings ang The Witness sa iba pang Asian countries.

“Ang next showing is Singapore. I think, first week of June, Singapore na yata ang The Witness.

“After that, Malaysia, Brunei, and Hong Kong. So, iikot talaga siya sa Southeast Asia.”

Kumusta naman ang naging reception sa kanya ng mga Indonesian?

“It was really good. Nag-trending ako.

"I was trending in Indonesia kasi ang daming promo guesting.

“And it so happened that in one day, on the three channels—one live show and two taped.

“So, lahat ng channels na napapanood nila, nandoon ako.”

Umaasa ba siyang magka-award para sa pagganap niya sa The Witness?

“No… may nagsasabi, but I don’t think so.

"I could have done better, and if I’m happy with what I did, then I might expect an award.

“May konting adjustment pa.”

Itutuloy ba niya ang plano to do more films in other Asian countries?

“No, I’m staying here for now. I’m happy here.

“When I’m fully confident about my craft in acting, baka I will try and accept more in the international scene.

“But as for now, happy ako dito," sabi ni Gwen.

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Hindi naman itinatanggi ni Gwen na masaya siya sa kanyang lovelife ngayon.

Sila pa ba nung nakitang kasama niya sa premiere night ng The Witness sa Resorts World?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ve known each other for two years but we just... hindi ko pa masabi… parang friends, friends lang,” sabi ni Gwen

Wala pa silang commitment?

“Wala pa,” nakangiti niyang sabi.

Masasabi ba niyang exclusively dating sila?

“Hindi ko alam… but siya lang din naman ang dini-date ko," sagot ni Gwen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN