Eula Caballero on crush Ivan Dorschner. “Oo naman, sakto lang. Siyempre nakakakilig kapag may nakikita kang guwapo.”

Eula Caballero says she is willing to extend support to friends who need her, more so to Ivan Dorschner: “Hay naku, si Ivan naman sinusuportahan ko siya. Bilang magkaibigan kami sa lahat ng aspect ng buhay niya, sa lovelife, sa career."


Noong May 23 pa nag-birthday ng TV5 Princess na si Eula Caballero, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ng young actress sa nangyari noong araw na iyon.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-organize ng birthday party yung mga kaibigan ko, friends from showbiz, mga ka-batch ko sa Star Factor nung gabi.

“Pero noong umaga, I just went out with my mom.

“Pero pumunta muna siya ng simbahan. Sinundo ko siya, pumunta kami sa mga tita ko.

“And then, noong gabi na talaga, ayun… kasi alam ko, ako yung magti-treat sa kanila. Pero sila pala yung nag-treat sa akin.

"Kakuntsaba na nila yung mama ko, planado na pala nilang lahat.

“Sa may Victoria Peak sa may Timog ginawa, sa Songbook. Nag-arkila sila ng isang space doon.”

Nakausap ng PEP si Eula last Saturday, May 26, sa Broadway studio ng TV5, matapos ang live guesting niya sa Paparazzi.

Patuloy niya, “Hindi ko na nga nabilang kung ilan yung bisita, kasi may aalis ’tapos may dadating.

“Hindi naman ganun kadami, pero I’m happy dahil nandun yung lahat ng pinaka-close ko sa industriya na nakatrabaho ko.

“Hindi naman lahat, pero halos lahat nandun. Saka yung mga bago ko lang nakatrabaho.

“Mga friends ko... sina Kiray, nandun rin. So, I’m happy.

"Kasi pinaunlakan nila kahit paano ang birthday ko.”

JUST FRIENDS. Wala raw sa party niya ang nali-link sa kanyang si Ivan Dorschner.

Si Ivan ang dating Pinoy Big Brother Teen housemate naghubad sa stage noong mag-concert ang international recording artist na si Katy Perry.

Natsitsismis si Eula kay Ivan lalo na nang maging surprise guest ito sa interview sa kanya sa Paparazzi na may dala pang birthday cake sa kanya.

“Wala. Hndi ko talaga alam,” sunud-sunod na tanggi ni Eula tungkol sa balitang ito.

“Pero magkasama naman kami ngayon sa isang movie. Wala... barkada ko ang talaga yun, nagkukulitan lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang makulit lang yun talaga. Pero wala kaming anything beyond friendship.

“Walang ligawan, walang kung anuman… hindi nga, e! Echos!”

“Hindi. I’m happy na kaibigan ko si Ivan, maganda yung takbo ng friendship namin.

"Kumportable kami sa isa’t isa. Kasi it helps a lot sa magiging eksena namin sa movie na gagawin namin.

“Siyempre, ‘pag ganung friends lang kami, hindi ako maiilang kung sakaling may mga romantic scenes kami.

“Alam ko na nagri-reach out siya sa akin. At na-appreciate ko yun sa kanya,” pahayag ni Eula.

Ride to Love ang title ng pelikulang gagawin nina Eula at Ivan, at magsisimula na silang mag-shoot ngayong June.

Nagkakilala raw sina Eula at Ivan noong April 29, sa 43rdGuillermo Mendoza awards night.

“Naalala ko, ipinakilala kami sa isa’t isa. Then, noong nagkita kami uli for this project, hindi niya maalala.

“Sabi ko, ‘Nagkita na tayo before.’ Sabi niya, ‘Ha? Ewan ko sa iyo!’” kuwento ni Eula.

Hindi naman itinatanggi ni Eula na kinikilig siya kay Ivan.

“Oo naman, sakto lang. Siyempre, nakakakilig kapag may nakikita kang guwapo,” pag-amin niya.

Handa na ba siya sa galit at selos ng mga fans ni Ivan at ng ibang nagkaka-crush sa binata?

“Hay naku, si Ivan naman, sinusuportahan ko siya.

“Bilang magkaibigan kami sa lahat ng aspect ng buhay niya—sa lovelife, sa career.

“I’m willing na suportahan siya kung meron siyang mga tanong or advice. Ready ako na maging friend niya.

“Alam ko naman na posibleng may mag-react na mga fans dahil protective sila sa idol nila—in case lang naman na may mga fans na magselos.

“Kahit kay David [Archuleta], hindi pa man kami nagsisimula nung series namin na Nandito Ako, may mga nang-aaway na sa akin. ’Hey, don’t flirt with David, blah-blah!’

“Hindi naman maiiwasan yun.

"‘Pag mangyayari uli yun kay Ivan, isa-shrug off ko na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi wala naman akong makukuha ‘pag pumatol ako sa kanila.

“Iintindihin ko na lang sila bilang fan rin naman ako ng ibang artista,” saad niya.

NOT A PRIORITY. Puwede naman daw magpaligaw ni Eula. Katunayan, nagkaroon na raw siya ng boyfriend noong wala pa siya sa showbiz.

Pero aniya, “Hindi yun ang priority ko.

“Talagang binibigyan ako ng TV5 ng trabaho at hinahanapan ako ng field kung saan ako puwedeng ilagay na puwede akong mag-excel na marami akong matututunan.

“I guess, hindi naman sa humihingi sila ng kapalit sa akin, pero as an artist ng TV5, I want to give them the generosity na ibinibigay nila sa akin.

"Career muna po.”

NEW SHOW. Nagsimula na ang taping ni Eula para sa bagong horror program na pinamagatang Third Eye sa TV5.

Aniya, “Ipapalit po ito sa Regal Shocker. Sana nga po magtuluy-tuloy po ito, yung pagtanggap ng mga tao dito.

“Mainstay po ako dito, pero may mga guests kami.

“Kasi nga, magpapalit-palit ng tikbalang, ng manananggal—mga ganun. Ako yung may third eye.

“Maliban po dito sa bago kong show, meron pa rin naman po akong Lokomoko U.

REGAL CONTRACT. Kahit wala pang linaw kung mabibigyan ng launching movie si Eula, nagpapasalamat pa rin ang batang aktres sa Regal Films dahil suportado nito ang acting career niya.

“Gaya nga po sa Ride to Love You, kahit hindi sila ang nag-produce, ginagawan pa rin nila ng paraan na may magawa akong movie.

“Pinapayagan nila ako. Inaalagaan ako ni Mother Lily at ni Ms. Roselle [Monteverde-Teo], ang TV5 Talent Center.

“They remind me kung ano ang kailangan at hindi ko dapat gawin.

“I’m happy na may mga taong na sigurado ako na I can count on ‘pag may kailangan ako.”

Isa sa mga birthday wish ni Eula ay ang mabuo na ang pamilya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makauwi na yung daddy ko [na OFW] at dito na siya manirahan.

“Sana someday, malapit-lapit na. Makaipon ng konti.

"Baka puwede nang magsama-sama kami dito.

"Kasi tumatanda na ang parents ko. Si Papa tumatanda na, magsi-60 years old na siya. Ilang taon na lang.

"Hopefully, sana magkaroon pa ng maraming blessings para makapag-ipon ako at mabigyan ko ng assurance ang family ko na there’s nothing to worry about our future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN