Lucy Torres-Gomez on Annabelle Rama’s bid for Congress: “Who are we to say na dapat huwag tumakbo, dapat ito lang ang tatakbo? It’s a free country."

Lucy Torres-Gomez explains her side on why there should be electoral reforms: “I feel lang na it would be more efficient or effective ang dalawang term na tig-four years kaysa sa tatlong terms na tig-three years.”


Kinumpirma ni Lucy Torres-Gomez na tatakbo siyang muli sa parehong posisyon bilang representative ng Ormoc City sa 2013 elections.

“Yes, I am re-running for the next election,” pahayag ng kongresista sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang programang Paparazzi ng TV5 sa Broadway Centrum noong Sabado, May 26.

Maging ang pagtakbo ng asawang si Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City ay kinumpirma rin ni Lucy sa amin.

“Yes, he’s preparing for that,” pagbabalita niya.

Paano naghahanda si Richard sa pagsabak nitong muli sa pulitika?

“Ganun pa rin, umiikot doon. Actually, matagal pa namang handa siya, e,” sagot ni Lucy.

RICHARD’S DECISION. Noon ay si Richard lang talaga ang pursigidong pasukin ang mundo ng pulitika. Pero nang ma-disqualify ang aktor nang tumakbo siyang congressman ng Ormoc City noong 2010 ay si Lucy ang pumalit sa kanya.

Suportado naman ni Lucy ang muling pagtakbo ni Richard sa pulitika.

Paliwanag niya, “It’s just that now kasi, may mga munisipyo na kalaban talaga yung nakaupo yung mayor.

“Kahit maganda yung project, hinaharang nila para lang for the sake of the... maharang lang.

“Me, I’ll be more effective kung kakampi ko yung mga mayors ko.”

Makakapag-artista pa ba si Richard kung sakalaing manalo ito?

“Magla-lighten yung load niya talaga. I don’t know... we’ll see.”

ANNABELLE RAMA. Ano naman ang masasabi ni Lucy sa nababalitang pagtakbo ni Annabelle Rama bilang representative ng Cebu?

(CLICK HERE to read related story.)

“Alam mo, kaya nga tayo may electoral process, e, because anybody can run.

“Who are we to say na dapat huwag tumakbo, dapat ito lang ang tatakbo? It’s a free country.

“Kaya nga may electoral process tayo. Whoever runs, tao ang pipili at they have to respect the choices of the people,” saad ni Lucy.

Sa palagay niya, anong klaseng politician o public servant si Annabelle kung sakaling maupo ito sa posisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, Tita Annabelle is very ano… if you gauge it how she is as a mother… di ba, she’s very devoted, very committed?

“Siguro, naano rin niya na it’s time to give back.

"Malalaki na rin ang mga anak niya, e. It’s time to really answer the calling.”

Sa palagay ba niya ay handa na sa pulitika si Annabelle?

“Hindi ko alam talaga. We can never tell, e.

“Parang it only actually happens na makikita natin yun ‘pag nandun na siya sa mismong mundo, sa mismong trabaho.”

Ano ba ang maipapayo niya kay Annabelle sa plano nitong pagtakbo?

Sabi ni Lucy, “Magtanong na lang siguro kayo to those who been in politics longer.

“Because I’m so new to actually give unsolicited advice to Tita Annabelle.

“But all I can say is just really be committed. Parang ‘pag pinasok mo na talaga, then you have to be a hundred percent…

“Para by that time you’re finished, masasabi ng the people you represent, you know, ’That person did his best, and his best was good enough for us.’”

STRESSED BUT STILL BEAUTIFUL. Mukhang hindi pressured and haggard si Lucy sa mga problemang sumusulpot sa pagiging congresswoman niya o sa pulitika dahil taglay pa rin niyang kagandahan.

“Stressed din. Ibang klaseng stress din dun,” pagkontra naman ni Lucy.

Paano niya nagagawang maging maganda at cool pa rin sa paningin ng marami?

“Wala. One day at a time lang talaga. Yun lang ang magagawa mo.

“If you look too far ahead, mao-overwhelmed ka.

“Yeah, I have long-term goals, but how do you reach them?

"You just take it a day at a time, ganun lang.”

DEVELOPMENT PROJECTS. Kahit nakaka-stress at nakakapagod ang pagiging congresswoman, bakit gusto pa uling tumakbo ni Lucy?

“No, kasi I want to continue what I started. Ang dami-dami kong nasimulan na hindi pa tapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know I can do it well and so I’m going to run for a re-election.

“Totoo pala yung sinasabi nila na three years is too short.

“Better nga, four years na dalawang term lang kaysa sa tigti-three years na tatlong term… for me, ha.

“Isipin mo ha, ‘pag panalo mo, gagawin mo yung mga kailangang gawin.

“And in the last year, busy ka naman mangangampanya for re-election.

“I feel lang na it would be more efficient or effective ang dalawang term na tig-four years kaysa sa tatlong terms na tig-three years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN