Ellen Adarna dismisses claim that she’s not serious with showbiz career; dreams of having her own teleserye

“Siyempre, I would like my own teleserye. It’s my dream. Pero medyo magwo-workshop pa ako,” says Ellen Adarna, who admits she still has to brush up on her acting. The Cebuana FHM cover girl and former Internet celebrity says she’s still taking it easy, not pressuring herself as far as her showbiz career is concerned. “Ako naman, I’m just taking my time. I’m enjoying.”


As of May 25, nasa No. 5 position ng 100 Sexiest Women in the World 2012 ng FHM Philippines si Ellen Adarna, ang Bubble Gang Bubblets member at Internet celebrity turned TV personality.

Noong Biyernes, May 25, isang Voting Party ang idinaos ng management team na nagha-handle kay Ellen, ang Icon Celebrity Marketing, sa Fiamma Bar sa Makati.

Maagang nakarating ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaya nakapanayam namin muna si Ellen.

“This is my management team’s effort for me to reach the number one spot in the FHM 100 Sexiest Women in the World 2012, pero kakaririn ko na rin ito!” natatawang sabi ng 24-year-old Cebuana beauty.

Hindi naman daw kasi biro ang mga kalaban niya sa list.

Aminado si Ellen na kinakabahan siya sa chances niya para makapuwesto sa number one spot at sa mismong party na idinaos ng Icons para sa kanya.

“Puro kasi sila naging leading ladies na. E, ako, wala pa akong role na ganun,” sabi ni Ellen tungkol sa mga kaagaw sa puwestong number one ng sexiest woman poll ng FHM Phils.

“At saka itong ganitong party, hindi ako sanay na may ganitong party.

“Hindi nga ako nagbe-birthday party, ganito pa,” sabi naman niya tungkol sa voting party nang gabing iyon.

NO EFFORT, NO PRESSURE. Isang maipagmamalaki lang ni Ellen, nakarating siya sa number five spot nang hindi pa siya nag-e-effort.

Ngayon na lang, kung kailan nasa mataas na puwesto na nga siya ngayon ng FHM sexiest poll.

Nasanay raw kasi si Ellen nang hindi talaga nag-e-effort o pine-pressure ang sarili na makuha ang isang bagay.

Parehong attitude din ang pinaiiral niya sa kanyang showbiz career.

“Ako naman, I’m just taking my time. I’m enjoying.

"Kung meron [projects] then, okay, go. Kung wala, di wala,” aniya pa.

Dahil sa ganitong attitude niya, inaakusahan tuloy siyang hindi siya seryoso sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa hindi seryoso. Of course, I’m serious with my career. It’s just that ayoko ng nape-pressure.

“Sa akin, kaya rin ako ganito na mukhang pa-easy-easy lang is because wala pa namang offers, e. Kaya floating-floating lang muna.”

Kung may pinapangarap daw siyang proyekto, yun ay ang magkaroon din siya ng teleserye.

“Siyempre, I would like my own teleserye. It’s my dream.

"Pero medyo magwo-workshop pa ako,” nangingiting sabi ni Ellen na aminadong hindi pa siya gaanong confident sa kanyang acting talent.

Pero sinigurado naman ng two-time FHM Philippines cover girl na kung may offer ay talagang magseseryoso siya nang husto rito.

“Kung may offer, of course, magiging seryoso ako.

“Pero sa ngayon nga. Wala pa naman, e.”

FROM A RICH FAMILY. Factor din daw kasi na galing sa mayamang pamilya talaga mula sa Cebu si Ellen at alam niyang meron siyang fallback kung sakaling hindi naging successful ang kanyang showbiz career.

“Hindi naman.

“Ako kasi I’ve been working for my dad for a long time.

"And then, when I entered showbiz, I started to earn and have fun, I really love my freedom.

“So, siguro I just really wanted to stand on my own and earn on my own,” pahayag ni Ellen.

Pero lagi namang nakasuporta raw ang kanyang parents kahit na hindi aprubado sa mga ito ang pagpasok niya sa showbiz, lalo na ang kanyang ama.

“Minsan, kapag umuuwi ako sa Cebu, he would ask me, ‘O, what are you getting out of that?’

“They want me to stop. To just stay there na lang.

“I don’t want to. I love my freedom,” sabi ng Cebuana.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na bad girl o suwail siyang anak.

“No. Hindi naman ako bad girl. It’s just that yung independence kasi. It’s a big thing for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw dapat na pag-isipan siyang “wild girl” dahil sa mga lumabas sa Internet noon na pagkahilig niya sa parties.

“I’m done with that. Na-outgrow ko na yun. Lipas na yun.”

Hindi naman daw niya maike-credit ang kanyang pagiging “good girl” na ngayon sa kahit na kanino man, maging sa kanyang boyfriend sa ngayon na si Filo Cucueco.

“Wala. Ako lang talaga. Nalipasan ko na yun. I outgrew my going to parties,” bida ni Ellen.

UNDERSTANDING AND SUPPORTIVE BOYFRIEND. Nabanggit na rin lang ang boyfriend niyang si Filo, hindi na raw nito muling papasukin ang showbiz, katulad ng ginawa nito nung sinamahan si Ellen sa pagpasok sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

“Ay, wala. Sinamahan lang talaga niya ako.

"Hindi naman talaga siya showbiz. Ayaw niya sa showbiz,” banggit pa niya tungkol sa kanyang boyfriend.

Sobrang natutuwa nga raw siya kay Filo na sobrang supportive at mauunawain.

“Nasasakyan niya ako. Nagpapasensiya.

"He’s older than me kasi.

“Ever since naman, I never dated someone my age or younger than me. Laging mas older sa akin,” ani Ellen.

NOT SETTLING DOWN YET. Although napag-uusapan daw nila ang tungkol sa kasal, wala pa naman sa plano nila ang lumagay sa tahimik.

“Siguro kapag I’m 28 na or 29. Gusto ko nga sana, 30.

"Kaya lang, medyo matanda sa akin ang boyfriend ko. He’s 33!” natatawang sabi ni Ellen.

Gusto pa raw niyang i-enjoy ang kanyang showbiz career. Gusto pa raw niyang makagawa ng mas marami pang projects.

Sa ngayon ay nasa Bubble Gang siya at kasama sa Boy Pick-Up The Movie.

“Siguro, yun nga. I will finally stop in showbiz if I will settle down and have my own family.

“Pero sa ngayon, huwag muna. I’m still enjoying showbiz," sabi ni Ellen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN