Eugene Domingo refuses to reveal identity of Korean leading man in Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme

Eugene Domingo has received accolades for her portrayal of various roles in movies and television. Her success may be measured by the number of movies she has done so far, including the sequel to Kimmy Dora, Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme.


Noong isang taon, humakot ng maraming awards si Eugene Domingo dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte sa indie film na Ang Babae Sa Septic Tank.

Ngayon ay may bago na naman siyang pelikulang ipapalabas under Star Cinema and Spring Films, ang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme—sequel ng blockbuster launching movie ni Uge na Kimmy Dora.

Sa press conference ng pelikula na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong Lunes, May 28, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene kung paano niya mahihigitan o malalagpasan ang mga nagawa niya sa mga nakaraan niyang pelikula.

“Ito, fresh, bago naman ‘to. Hindi natin maku-compare sa Septic Tank.

“Iba ang pinagmulan noon, e, Cinemalaya.

“Ito, talagang sabi ko nga, this is pure entertainment. Binigay na lahat—pambata, pang-barkada.

“I mean, kung yayayain ko man lahat ng taong manood, dyusko, forget about your problems, watch Kimmy Dora!

“This is Kimmy Dora, total entertainment.”

ANXIOUS. Hindi naman itinanggi ni Uge na may kaba pa rin siyang nararamdaman lalo nga’t magaganda ang mga nagdaang pelikulang pinagbidahan niya.

“Yes, may kaba. Siyempre, di ba?

“Hindi naman ako bato at wala naman akong confidence na akala mo kung sino, di ba?

“May kaba.

"Pero yung tiwala at pananalig na pinaghirapan n’yo, pinag-aralan, pinagsumikapan...

"At yung gusto namin talaga, maging sulit ang bawat sentimo ng manonood na Filipino.

“Hindi naman siguro kami pababayaan at gusto ko talaga lumigaya kayo.”

Magkakaroon ba muli ng guest appearance ang isa mga producer niya na si Piolo Pascual dito sa Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme?

“Naku! Busy siya! Busy siya noong nagsu-shooting siya ng Every Breath You Take.

“Pasalamat na nga lang ako dahil minsan, nakakadaan siya. Kasi, tini-text ko na minsan ng, ‘I miss you.’

“’Tapos nagsu-surprise visit siya, may dalang ice cream, okay na," lahad ni Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOREIGN GUEST ACTOR. Dati nang nasulat na magkakaroon ng leading man si Uge na isang Korean actor dito sa Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme.

“Oo,” nakangiti niyang sabi.

Pero ayaw nitong i-reveal ang identity ng Korean actor.

“Secret… secret! Magugustuhan ninyo.”

Kilala ba ang Korean actor na ito?

“Of course! You know him!”

Sikat ba ito?

“Of course, he is popular! Of course, you know him!

“Yes, kung sinuman ang lalaking mapapakasalan ng isa sa amin habang kami ay nasa Korea… yes, kilala ninyo siya.”

TOUCH OF HORROR. Sa trailer, ipinapakitang may touch of horror ang bagong Kimmy Dora.

“Yes, part yun ng itinatagong lihim ng pamilya namin, ni Ariel Ureta [who plays her father].

“Meron pala siyang nagawang… hindi naman pagkakamali, pero meron siyang hindi tinupad na pangako.

“Kaya maririnig mo na ’I believe in karma.’

“Si Kimmy at si Dora yata ang pambayad. And they have to fight. Nakita n’yo naman sa trailer, di ba?

“Nagpo-propose na ang dalawa nilang boyfriends, biglang kailangan na nilang magpakasal, hindi puwede.”

KARMA. Sa totoong buhay, naniniwala ba siya sa karma?

“Oo, oo… ano lang ’yan, e, kung ano ang ipinapakita mo sa ibang tao, kung ano ang makukuha nilang energy galing sa ‘yo, yun ang makukuha mo from them, di ba?

"Naniniwala ako sa karma.”

GAINING WEIGHT. Aminado si Uge na nag-gain siyang muli ng weight.

“There was a time na masyado akong naaliw sa pagpapayat.

“Si Chris Martinez, while he was writing the script [of Kimmy Dora sequel], sabi niya, ‘Hindi puwedeng ganyan. Hindi ka pupuwedeng payat.’

“Nag-a-argue pa kami. Sabi ko, ‘Bakit? Artista ako, puwede akong magsuot ng fat suit.

“Hindi puwede. But no, kailangan talagang chubby si Kimmy at saka si Dora.

“Kumain ako nang kumain, ‘tapos nag-e-enjoy ako ulit. Hindi na ‘ko tataba.

“Kasi, tama na yung mga kinakain ko, kasi wala akong bisyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, nasa 125 lbs daw siya na mas okay na sa kanya. Pero umabot daw siya ng 114 lbs noong pumayat siya.

LOCATION SHOOTING IN KOREA. Naging mahirap daw ang pagsu-shooting nila sa Korea dahil negative zero degree ang temperature doon.

Sa panahon na yun, ano ang naging motivation niya para hindi siya magreklamo at hindi maantala ang shooting?

“E, ano… magastos. Kapag umarte ako, yung mga pera, sayang. So, may mga sumusugal.

“May nagbigay ng pera, may nagtiwala. Huwag mong sayangin yun. At saka, hindi pa naman ako mamamatay.

“Basta, hindi na lang ako kumilos. Nagdasal na lang ako na, ’Patapusin N’yo po ang mga eksenang ito.’”

Sampung araw rin daw sila sa Korea.

“Ten days siya. Mga limang araw na nag-i-snow, pero never na uminit.”

ZERO LOVELIFE. Sa mga nagdaang press conferences ni Uge ay lagi nang kinukamusta ang lovelife niya, pero consistent siya sa kanyang mga sagot.

“Alam n’yo, wala… alam n’yo… ano yun, e, in God’s time. Pero okay na rin ako sa wala," sabi niya.

Hindi ba ang lungkot naman no’n?

“Hindi naman sad. I’m sure hindi sad yun.

"Kasi kung masasaktan ka rin lang at mahihirapan, kahit may karelasyon ka, ano naman…

“Hindi ba mas maganda naman na mag-isa ka na lang at peaceful ka?”

May mga manliligaw ba sa kanya? O sadyang mataas ang standard niya sa pagpili ng lalaking mamahalin?

“Wala, wala talagang nagpaparamdam. Dito sa pelikula, meron. Horror ito, e," biro niya.

Nagtawanan naman ang lahat nang tanungin si Uge kung hindi ba siya nagsasawa sa pagsagot tungkol sa lovelife niya.

“E, hindi kayo nagsasawa, e. So, hindi rin ako magsasawa sa kakasagot.

"E, kung halimbawa at 72 na ’ko at tanong pa rin kayo nang tanong, e, sasaktan ko na kayo!” natatawang biro niya rin.

TWO LEADING MEN. Sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo muli ang leading men ni Eugene sa Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme. Paano niya maikukumpara ang dalawang aktor sa pakikipagtrabaho niyang ulit sa mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaiba ang beauty nila, di ba? Isang moreno at saka isang mestizo.

“Pero ang pareho sa kanila, wow, they are both hungry for roles na talagang lalabas yung kanilang galing sa pag-arte.

“Yun ang nakikita ko sa kanila.

“Even... in fact, si Dingdong, nakikita ko na puwede siyang magdirek. Nagdirek na siya, pero hindi tuluy-tuloy.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘O, Dingdong, sa susunod, idirek mo naman ako.’

"Sabi niya, ‘Sige, basta may materyal.”

Si Zanjoe naman?

“Ay, ako naman, gusto ko siyang i-produce ng pelikula. Yung parang mala-Bembol Roco.

"Wala lang akong pera pa masyado. Uunahin ko muna ang pera ko," sabi ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN