John Prats reminds current batch of PBB Teen housemates: “Hinay-hinay lang sana.”

“Kapag bata ka, feeling mo kapag na-in love ka… Nagdaan din naman ako diyan, akala mo ‘yon na, pero hindi talaga ‘yon,” says John Prats about the current batch of Pinoy Big Brother Teen Edition housmates.


Katulad ng ibang manonood ng Pinoy Big Brother Teen Edition, nagugulat din ang isa sa mga host nito na si John Prats sa mga ipinapakita ng kasalukuyang batch ng housemates.

“Well, nakaka-culture shock naman talaga,” sabi ni John nang tanungin siya ng media tungkol sa mga nagiging gawi ng ilang teen housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

Ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ay naganap pagkatapos ng story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto kahapon, Mayo 29.

Kapansin-pansin kasi na ang ilan sa PBB teen housemates ay parang nagmamadali pagdating sa kanilang mga nararamdaman, lalo na sa pag-ibig.

Katulad na lang nang pag-amin ni Yves Flores ng kanyang paghanga kay Myrtle Sarrosa. Nagselos naman ang kapwa housemate nilang si Claire Bercero sa pagiging malapit ng dalawa dahil hinahangaan din nito si Yves.

Kamakailan naman, umamin sina Ryan Boyce at Karen Mae Reyes tungkol sa tunay na relasyon nilang dalawa.

Dahil sa mga ganitong pangyayari, may mga pagkakataon daw na hindi mapigilan ni John at iba pang hosts na magbigay ng komento tungkol sa kanilang mga nakikita.

Ani John, “As a host, minsan hindi rin ako nakakapagpigil na magbigay ng mga komento on air, especially we’re live.

“Minsan ‘yong ibang fans ng ibang housemate, nagagalit sa amin.

“But, you know, the brighter side of it, nagiging instrumento [din kami] na magturo sa mga kabataan na huwag maging mapusok.”

Dagdag pang payo niya, “Kasi kapag bata ka, feeling mo kapag na-in love ka…

"Nagdaan din naman ako diyan, akala mo ‘yon na, pero hindi talaga ‘yon.”

Bilang dating celebrity housemate, naiintindihan daw niya kahit papaano ang mga kasalukuyang housemates ng PBB.

Saad ni John, "Ang sa akin, kapag nasa loob po kasi kayo talaga ng Bahay [ni Kuya], wala po talaga kayong… as a former housemate, wala ka talagang control.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi pagkagising mo sa umaga, tayo-tayo lang magkakasama. So, ‘yong emosyon mo, minsan nababaling lang natin sa isa.

"Paglabas nila sa outside world, I’m sure marami silang matututunan from Big Brother, na paglabas nila, ‘Ay, malaki talaga ang mundo.’”

Muling paalala pa ni John, “‘Yon lang, hinay-hinay lang sana.

“Hindi na nga namin kailangang gumawa ng mga task for them kasi may sarili na silang task sa bawat isa.

“At ang problema naman namin ay kung ano ang ilalabas namin dahil sa sobrang daming item na nilalabas ng mga bagets na ito.

“Hindi ko alam, ang dami nilang drama sa buhay. “

NEGATIVE EFFECT ON THE SHOW? Hindi naman nababahala si John kung may mga negatibong reaksiyon mula sa mga manonood ng PBB.

Ayon kay John, “Well, sa tingin ko kasi ‘yon din ang point ng Pinoy Big Brother, ito rin ang risk ng show dahil ito po ang istroya ng tunay na buhay. Ganito na po talaga ang mga bagets.

“Actually, lahat naman sila natuturuan ni Big Brother sa loob.

“Ang dami kasing different personalities, different ang mga upbringing nila sa buhay, at mga experiences nila, at pinagsama-sama ang mga characters nila sa iisang bahay.

"I’m sure paglabas nila, marami silang natutunan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN