Geoff Eigenmann on co-starring with dad Michael de Mesa in a teleserye: “Weird!"

Geoff Eigenmann works with his dad Michael de Mesa for the second time; the first in a movie, and now in the teleserye Kasalanan Bang Ibigin Ka. He reveals that when he was told about it, he thought: “Nagulat ako. But it’s nice."


Sa unang pagkakataon ay gaganap na mag-ama sa telebisyon ang tunay na mag-amang Michael de Mesa at Geoff Eigenmann.

Ito ay mangyayari sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka.

Una nagsama ang mag-ama sa pelikulang First Day High ng Star Cinema at ngayon lamang ito nasundan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Geoff sa press conference ng Kasalanan Bang Ibigin Ka kahapon, May 29, sinabi niyang sanay na siyang binibigyan ng ilang tips sa pag-arte ng kanyang ama.

“Yung mga tips naman, I listen naman. Hindi naman nawawala yun.

"But I’m sure, he’ll gonna give me my freedom also.

“Siyempre, kapag masama naman talaga... hindi naman masamang magbigay ng comments o reaction.”

WEIRD. Ano ba ang pakiramdam na tunay niyang ama ang kaeksena niya at mag-ama rin ang roles na ginagampanan nila?

“Weird!” natatawang sabi ni Geoff.

“The story of this show, gonna hit home. So, may ganoon din—bitter on both sides.

"So, yeah, it’s gonna hit home.

“Actually, no’ng sinabi na kami ang magkasama, nagulat ako. But it’s nice.

“Yung story kasi, father and son, falling in love with one girl.”

Ang babaeng pag-aagawan nila sa serye ay si Jackie Rice.

Isa pa lang naman daw ang eksenang naite-tape nila ni ng kanyang ama na si Michael.

“Medyo confrontation scene kasi mahu-hospitalize ang mom ko [Sharmaine Arnaiz]. E, ayaw siyang makita. Kaya yun…”

Napag-usapan ba nila ng daddy niya ang kuwento ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?

“Well, hindi naman, but about the story, yeah.

"Pero nothing about each other na mag-ama or our individual characters.”

BACK-TO-BACK SERIES. Wala halos pahinga si Geoff dahil pagkatapos ng primetime series niyang Legacy, nabigyan siya agad ng panghapong serye.

“Sa Legacy naman, ako yung may kaagaw,” sabi ni Geoff.

“Ngayon, ako ang may inaagaw—father and son for one girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon [Legacy], magkakapatid.

“Saka sa Legacy kasi, on the side lang ang nangyari sa akin as Josh.

“This time, it will gonna focus on father and son and love triangle, basically.”

SEPARATED. Matagal nang legal na hiwalay ang mga magulang ni Geoff na sina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Kinailangan pa ba niyang magpaalam sa ina na gagawa siya ng serye kasama ang ama?

“Actually, hindi namin napag-usapan. But they are working together.

“Ang alam ko yata, sila yata ang nag-usap because they had the chance to talk.

“Ang sinabi lang yata sa akin ng mom ko, huwag siyang magpapa-panghapon kasi panghapon din siya.

“Yun lang yata, if I remember it right.”

LOVE TRIANGLES. Sa Legacy, sina Geoff at Heart Evangelista ang inaakala ng manonood na magkakatuluyan.

Pero lumalabas na sina Geoff at Lovi Poe pala ang magkapareha. Si Heart ay napunta naman sa character ni Sid Lucero, na pinsan sa totoong buhay ni Geoff.

Natawa si Geoff noon sa intrigang nagkagusto siya kay Heart.

“Si Heart is always been a good friend. Ang dami na naming pinagsamahan—ang tagal na.

“So, this is our chance na magsama ulit and catch up with old times.

"Obviously, nakikita naman sa screen, yung chemistry, hindi nawala.

“So, I guess, based on that, I’m very happy naman and everybody’s happy.”

Naniniwala ba siyang may maganda ngang pagtitinginan sa pagitan nina Sid at Heart?

“Well, nakikita naman. They can’t deny it, it’s there. You see what you see.”

Pero natatawang pahabol niya, “I’m not Sid Lucero!”

Kung nagkataong walang Carla Abellana sa buhay niya, posible bang sa halip na si Sid ay sila ni Heart ang mas napalapit sa isa’t isa?

“Well, anything is possible naman. A lot of people believed that we were together before.

“Hindi sila naniniwala na hindi naging kami. So I guess anything can happen.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JACKIE RICE. Sa Spooky Nights unang nagkasama sina Geoff at Jackie Rice at ngayon pa lang sila magtatambalan sa isang regular soap.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho nila?

“Okay naman. Very different na yung ginagawa namin from Spooky Nights. So, sa Spooky Nights, medyo may alangan moment pa.

“Ngayon, very comfortable na.

"I guess, with me, because nag-workshop kami together and the nature of the scene that we do.”

Masasabi niyang ito na ang pinaka-mature na ginawa niya?

“Yes, very mature and with the story of father and son falling in love with the same girl…

“Ang daming puwedeng pag-ikutan no’n, e, so with that fact alone…”

Nabalita rin na may kissing scene o love scene sila ni Jackie sa serye.

“Okay naman. Comfortable.

"Alangan noong umpisa, pero, okay naman along the way.

“We did everything that Direk [Mark Reyes] asked us to do. So, okay naman.

“Actually, it’s hard to talk about something like that, ‘Hahalikan kita ng ganyan?’

“Ako, rehearsal pa lang, blocking pa lang, I try to be as close as possible, contact lang, para comfortable na.”

Natawa naman si Geoff nang may humirit ng tanong sa kanya kung "mabango" raw ba.

“It’s a weird question. It’s the first question that I’ve been asked that, so nakakagulat lang.”

Posible kayang simula na ito ng mature roles na talaga sa kanya?

“I guess,” sabi niya.

“With the story pa lang, ang dami nang puwedeng mangyari.

“So far, first week pa lang, we had I think, two love scenes, siguro more along the way. I don’t know…”

GOING STRONG. Bilang loveteam on screen, magkahiwalay na sila ng girlfriend na si Carla. Pero off-screen, ayon kay Geoff, ay sila pa rin.

“It’s good," sambit niya.

"Hindi kami nagkikita ngayon. Very busy.

"Siguro it’s been more than a week since we last saw each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, busy kasi, kakagaling lang din ng Dumaguete, Cebu for promo. I’ve been always on taping every day. Siya rin, may taping.”

Si Carla ang leading lady ni Richard Gutierrez sa upcoming primetime series na Makapiling Kang Muli.

Hindi ba ito nakakaapekto sa relasyon nila?

“Okay naman, less communication definitely, pero okay naman. We’re good,” pagtiyak ni Geoff.

Sabay biro niya na, “Parang may hinihintay kayo, a! Meron ba na hindi ko alam?”

Expected naman nila ni Carla na maghihiwalay muna silang talaga bilang loveteam.

“We know naman that we’ll gonna be paired with someone else. But just like before, communication.

“The phone is always there. Isang text lang naman ’yan, isang tawag—madali lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN