Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez is determined to lose weight

Ogie Alcasid on his wife Regine Velasquez’s effort to shed the extra poundage she gained during pregnancy: “She’s been on a strict diet. She’s lost already almost 12 pounds. So konting… tuluy-tuloy na. Payat na nga niya, e.”


Hindi kasama ni Ogie Alcasid ang asawa niyang si Regine Velasquez at ang anak nilang si Nate sa thanksgiving party ng Sun Life Financial kagabi, May 29, sa World Trade Center, Pasay City.

Endorser ng nasabing insurance company ang mag-anak.

Ayon kay Ogie, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, “Medyo na-stress lang kami… well, Nate got sick for about two to three days.”

Pero okay na raw ang kanilang anak dahil lagnat-laki lang marahil ang naging sakit ni Nate.

“Well, sabi ko nga, sa ’kin na lang sana nangyari para lumaki ako!" pabiro niyang sabi.

“But he’s fine now,” pahabol ni Ogie.

REGINE VELASQUEZ. Malaki-laki na rin ang panganay nila ni Regine. Kailan balak ng kanyang asawa na bumalik na nang tuluyan sa showbiz?

“You have to ask her about it because I can’t really speak in her behalf.

"I think her priority right now is to be a mom and to lose weight. Then I think she’ll decide after that," sagot ni Ogie.

Anu-ano ang ginagawang pagpapapayat ng kanyang misis?

“She’s been on a strict diet. She’s lost already almost 12 pounds.

"So konting… tuluy-tuloy na. Payat na nga niya, e,” pagmamalaki pa ni Ogie sa misis niya.

“She’s on a strict South Beach Diet.

"I think when she reaches the goal na weight niya… I think she might start working out or go back to her yoga to strengthen her body."

IMPEACHMENT TRIAL. Kagabi ay mainit-init pa ang katatapos na paghatol ng Senate court kay Chief Justice Renato Corona.

Tatlo lang ang bomoto para hindi siya ma-impeach o matanggal sa puwesto laban sa 20 votes na nagsabing guilty siya sa isyu ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ano ang masasabi ni Ogie tungkol sa naging hatol kay C.J. Corona?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, napanood ko yung end part,” sabi ng singer-composer-actor, na malapit nang mapapanood sa pelikulang Boy Pick-up The Movie.

“A, well it’s been five months that they’ve… five months for the Senate and it ended today.

“But it doesn’t end there. Today actually is the beginning.

"We all have to work hard… hindi lang yung Senado, I guess all of us.”

Kung siya ang boboto, ano ang ibibigay niyang hatol.

“For me it would be for conviction. I would have… based on Article II alone, I would have done the same thing,” na ang ibig niyang sabihin ay iboboto rin niyang guilty si Corona.

JESSICA SANCHEZ. Sa katatapos naman na finale ng American Idol ay marami ang hindi pumabor, lalo na ang mga Filipino, sa pagiging runner-up ni Jessica Sanchez sa nanalong si Phillip Phillips.

Ano ang opinyon ni Ogie rito?

“Of course, she’s an amazing singer. Of course, I was rooting for her.

“You know, you can’t compare Phillip Phillips and Jessica—they’re two different artists.

“Phillip Phillips is a star, ’no… and so with Jessica.

"But of course, I was rooting for Jessica because, of course, kadugo natin siya, ‘no.

“Although she’s American, we know that... she’s American but kamukha natin siya, e!” natawa niyang obserbasyon.

OPM TO GO. Sunod na kinumusta ng PEP kay Ogie ay ang OPM to Go na isa siya sa mga nagtatag.

Ang OPM to Go ay isang online store gaya ng iTunes pero Original Pilipino Music ang mabibili.

“Very good," sambit niya.

"We’re getting very encouraging downloads and, uhm, more and more artists are joining us..

“So we will be doing more promos these coming months. The OPM to go is doing very, very well.

“Well, Universal Records has already included some of their artists in OPM To Go. Viva [Records] is with us, of course and then, a…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think in the coming months, there’ll be more labels joining us.

“Pero kami kasi, we’re really, really, really encouraging the independent musicians more, ‘no.

"Kasi yung independent musicians yung talagang kailangan yung tulong namin,” saad ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN