Jackie Rice on having a sexy image: “Okay lang sa akin yun. Hindi naman ako gumagawa ng illegal."

Compared to her serye Sisid before, Jackie Rice says her role in Kasalanan Bang Ibigin Ka? is more mature: “Sa Sisid, sexy ang role do’n; pero dito, mas matured."


Iisa ang napansin ng halos lahat ng makakita kay Jackie Rice, ang bida ng bagong panghapong teleserye ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Kung payat siya noon sa huling labas niya sa Sisid, mas obvious ang kapayatan ni Jackie ngayon.

Talaga nga bang nagpapayat siya nang husto?

Paliwanag ni Jackie, “Nag-e-exercise na kasi ako ngayon. Boxing, nag-scuba rin ako, swimming...

“Sobrang nakakapayat siya. Maganda naman ang pagkapayat, di ba?

“Tinatanong ko nga sila, ‘Pangit ba, bagsak ba ang pagkapayat?’ Hindi naman daw.

“Kasi yung iba, parang haggard ang pagka-payat. Pero kapag sinabayan mo ng exercise, mas maganda—mas bongga ang effect.”

Pero hindi raw niya alam ang eksaktong timbang niya ngayon.

“Sabi nga nila, sabi nga ni Direk Mark Reyes, ‘Jackie, may 100 [lbs.] ka ba?’ Siguro po meron.

“Sabi niya, ‘Parang wala kang 100. Sabi ko, ‘Siguro po 100 kasama ang damit.”

EIGHT MONTHS. Umabot din ng halos walong buwan na wala siyang teleserye pagkatapos niyang gawin ang afternoon soap na Sisid.

“Matagal… wala. Nag-boxing lang, nag-scuba.

"Nag-try ako ng firing, pero hindi ko kinaya. Puro sports lang,” sabi niya.

Hindi ba siya nagtanong kung bakit natagalan bago siya mabigyan ng kasunod na project noon?

“Kung magtatanong ako, parang unfair naman. Siyempre, sunud-sunod ako dati.

“Kasi, wala namang dahilan para hindi ako mabigyan ng show.

“Sabi naman nila, maganda ang feedback ng Sisid, mataas ang rating, tumatak siya talaga sa tao. So, yun.”

Hindi ba siya nagtaka na sa kabila ng mataas na rating ng Sisid, hindi siya nagkaroon ng follow-up agad?

“Hindi, kasi tuluy-tuloy naman before that. Nag-Ilumina ‘ko, nag-Darna rin ako noon.

“Pero hindi ko rin naman ine-expect na eight months.

“Kaya lang, noong hindi ko ine-expect na eight months, sana nagpunta ‘ko ng States.

“Actually, may Bubble Gang naman po ako, so nothing to worry naman.

"Hindi naman po ako pinabayaan talaga ng GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADULT THEME. Sa Kasalanan Bang Ibigin Ka, siya ang pag-aagawan ng mag-amang sina Michael de Mesa at Geoff Eigenmann sa istorya.

Sabi ni Jackie, mas mature ang tema nito kumpara sa ginawa niya noon sa Sisid.

“Mas matured. Sa Sisid, sexy ang role do’n; pero dito, mas matured... hindi ko ma-explain.

“Ginugulo ko ang buhay nilang mag-ama. Pero mabait ang role ko dito.

"Na-in love ako kay Jake, si Geoff Eigenmann. Hindi niya ’ko sinipot.

"Yun pala, may emergency siya na hindi ko alam.

“’Tapos, ang daming miserableng nangyari sa buhay ko noong nawala siya. First love ko kasi si Jake [Geoff] rito.

“Hanggang sa dumating na nga si Michael de Mesa.

"So, siguro na-in love ka na rin, yun ang panahong down na down ka.”

Kumusta si Geoff bilang leading man?

“Okay, magaling siya. Siyempre, anak siya ni Michael de Mesa, ni Direk Gina Alajar... masaya, guwapo pa.”

“DIRTY OLD MEN.” Dahil may love interest siya na older guy sa serye, na ginagampanan ni Michael, hindi kaya mas maging attractive kay Jakie ang mga older guys o “dirty old men” (D.O.M.)?

“Ay, sana lang may time silang manood ng soap, di ba?” natawa niyang sabi.

Pero sa kaseksihan at ganda niya, nagkaroon na ba siya ng suitors na D.O.M?

“Hindi naman po mawawala yun. Siyempre, may mga tumatawag.

"Pero nasa sa ‘yo na yun kung paano mo iha-handle, di ba?

“Pero parang hindi ko kaya kasi malapit ako sa daddy ko. Daddy’s girl kasi ako.

“Ayokong mawala ang tiwala ng daddy ko sa akin.

"Pinalaki niya akong maayos para ganoon ang mangyari sa buhay ko.

“Wala namang pangit na nangyari sa buhay ko para sirain ko pa o sirain ko ang pangalan ko, di ba?” saad niya.

SEXY IMAGE. Wala raw problema kay Jackie kung nagkakaroon siya ng imahe na sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang sa akin yun. Wala namang masama do’n.

"Hindi naman ako gumagawa ng illegal. Okay lang naman po.”

May non-showbiz boyfriend si Jackie na naiintindihan naman daw ang trabaho niya.

“Naiintindihan naman niya ang trabaho ko kesa naman wala akong trabaho, di ba? As long as hindi siya bastusin.

“As long as nagagawa ko nang maayos kung anumang sexy ang ginagawa ko.”

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Sila pa rin ba ng non-showbiz boyfriend niya? May balita kasing nag-break na raw sila?

Nangiti si Jackie sabay sabing, “Kami pa rin pero parang hindi.

“May mga hindi pagkakaunawaan.

“Nag-decide kami na hindi muna kami, pero bawal kaming mag-boyfriend ng iba o mag-girlfriend ng iba.

“Magulo, e.

"Siguro dahil busy rin ako. Sobrang stress din ng nangyayari.

“So siguro, dahil araw-araw kaming magkasama, so kailangan ng space.”

Nilinaw ni Jackie na hindi naman sila live-in ng boyfriend niya.

“Hindi po, ayoko po. Kasama ko po ang daddy ko sa bahay.

“Actually ngayon, pupunta ang mommy ko sa Manila," sabi ng StarStruck alumna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN