Richard Gutierrez on mom Annabelle Rama’s plan to run for Congress: “Kung nasa puso naman niya, hindi naman namin siya puwedeng pigilan."

“Iniisip kasi namin na yung politics na, siyempre, you have to consider the good side, pero yung negative side of it rin. Kaming nagmamahal sa mom namin, pinapaalam lang namin sa kanya on both sides—positive or negative. Pero at the end of the day, siya rin ang magde-decide, e," says Richard Gutierrez about his mom Annabelle Rama’s decision to run as representative of Cebu in 2013 elections.


Handa na si Richard Gutierrez na sumabak muli sa drama sa pamamagitan ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, na idinidirek ni Ricky Davao.

Leading lady ni Richard dito si Carla Abellana. Ang iba pa nilang kasama sa cast ay sina Mark Anthony Fernandez, Sarah Lahbati, TJ Trinidad, John Lapus, Phillip Salvador, Robert Arevalo, Rio Locsin, Mark Gil, Jennica Garcia, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Dominic Rocc, Rocky Gutierrez, at si Ms. Gloria Romero.

“Madami na kaming nakunang eksena, mostly na kaeksena ko si Carla,” simula ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Makapiling Kang Muli noong Martes, May 29, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Patuloy niya, “At marami na rin kaming mga drama scenes ni Carla at ni Sarah rin.

“Inaabangan ko rin kasi yung mga eksena na kasama si Tita Gloria Romero at si Mr. Phillip Salvador, na first time kong makasama sa isang teleserye, na napakahusay na mga artista.

“May mga eksena rin ako with Ms. Rio Locsin na drama rin. So, abangan nila yun.”

VETERAN ACTORS. Inaasahan daw ni Richard na may matututunan siya mula sa kahusayan ng mga beteranong artista na kasama niya sa teleserye.

“I’m very blessed to be surrounded with great actors, mga veteran actors na mahuhusay. Kasi natututo kami sa kanila, e.

“Actually, hindi na nila kailangang sabihan na tuturuan. Basta ‘pag nag-obserba lang kami sa kanila, marami kaming natututunan.

“And we’re thankful dahil gina-guide rin kami, gina-guide kami ng aming director na si Mr. Ricky Davao.

“And, of course, yung ibang artista. So we’re in good hands.”

Katulad ni Carla, napi-pressure din daw si Richard sa tuwing makakaeksena niya ang mga veteran actors.

“Of course, napi-pressure rin. But more than that, it’s the excitement.

“I’m very excited to have a scene with Tita Gloria Romero… to have a scene with Mr. Phillip Salvador dahil mga haligi sila ng industrya natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sarap lang ng feeling na makakaeksena ko sila. I’m looking forward to it,” saad niya.

Ano ba ang mga natutunan niya sa veteran actors nang makasama niya ito sa tapings at sa mga eksena nila?

“Being very professional and taking their craft seriously, pinpoint yung emotions nila doon sa kailangan ng script.

“I mean, it’s more about the professionalism no’ng mga veteran actors and how they deliver their lines and their emotions.

“Marami kang matututunan, just observe them.”

KISSING SCENE. Gaya ng karaniwan nang nangyayari tuwing may bagong teleserye o pelikulang ipinapalabas, balita rin ang pagkakaroon daw ng matinding kissing scene nina Richard at Carla sa Makapiling Kang Muli.

Totoo bang nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila bago kunan ang naturang eksena?

Kuwento ni Richard, “Ang nangyari diyan, first taping day ni Carla at first scene namin, kissing kaagad!

“Wala nang paliguy-ligoy pa, wala nang rehearsal, wala nang workshop. Gawin na natin ito!

“Wala nang usap-usap, isinalang na agad kami sa gano’ng eksena.

“Pero it was a good experience dahil first time ko rin naranasan yun na bago pa lang, ‘tapos kissing scene agad.

“Doon mo makikita na very pro si Carla dahil wala siyang hesitations.

“Hindi ko naramdaman na nailang siya or whatsoever.

“So, makikita mo talagang she’s very professional. So, I appreciate it.”

Kinumpirma rin ni Richard na muntik nang maaksidente si Carla habang sakay ito ng kabayo.

“Kamuntik siyang mahulog,” sabi ng Kapuso star.

“Actually, isa yun sa mga kinabahan ako sa eksenang iyon.

“Pinapatakbo namin ang kabayo, parang naghahabulan kami, and then yung kabayo niya, natapilok.

“Biglang bumaba yung kabayo niya at kamuntikang malaglag si Carla. Buti na lang nakakapit siya doon sa kabayo.

“Isa yun sa mga masasabi nating memorable, pero marami pa, marami pang mga eksena. Saka there’s more to it pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS MOM’S PLAN TO RUN FOR CONGRESS. Pagdating naman sa planong pagtakbo ng ina niyang si Annabelle Rama sa susunod eleksiyon bilang Kongresista sa Cebu, hindi pa gaanong kumbinsido si Richard sa pagsabak na ito ng mommy niya sa pulitika.

Pero suportado raw niya ang ina sa intensiyon nitong pagtulong sa mas nakakarami.

Sabi ni Richard, “That’s politics and, of course, it’s a different ballgame from showbiz.

“Yung mom ko kasi came from a political family, she has background in politics.

“Pero tingnan na lang natin kung ano ang desisyon niya.

“Kami namang family niya, nasa likod niya kung ano ang gusto niyang gawin, we will support her.”

Nagpaliwanag si Richard sa balitang tumututol sila ng mga kapatid niyang sina Ruffa at Raymond na pasukin ng kanilang ina ang pulitika.

“Iniisip kasi namin na yung politics na, siyempre, you have to consider the good side, pero yung negative side of it rin.

“Kaming nagmamahal sa mom namin, pinapaalam lang namin sa kanya on both sides—positive or negative.

“Pero at the end of the day, siya rin ang magde-decide, e.

“Kung nasa puso naman niya, hindi naman namin siya puwedeng pigilan.

“Kung ano ang nasa puso niya, yun ang sundin niya.”

Aktibo pa rin si Annabelle sa pagiging isang talent manager. Kaya ang tanong namin kay Richard ay kung puwede pa bang pagsabayin ng mommy niya ang pagma-manage ng mga artista at ang pagiging congresswoman kung sakaling manalo ito.

“Siguro tanungin ninyo na lang siya… Pero tingnan natin kung ano ang masasabi niya sa mga susunod na kabanata.

“Pero for now, we’re here to support her.

“And we’re telling her na there’s a lot of things to consider,” saad niya.

Isa rin sa mga iniisip ni Richard ay ang magiging kapakanan ng ina kapag nagsimula na ang pangangampanya nito sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nakakapagod rin ang mangampanya ng ilang buwan, sa lahat ng barangay.

“Sabi ko nga sa mom ko, mag-start na siyang mag-exercise if you’re planning to run.

“Siyempre yung health niya, concern kami. Concern kami sa puwedeng mangyari.

“Siyempre, politics ‘yan, it’s a different game. Mahirap na game ‘yan at hindi basta-basta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN