Zsa Zsa Padilla on false news about Dolphy’s health condition: “Minsan, ganun nga, matatawa ka; minsan mapipikon ka. Parang depende na lang sa mood namin, e."

Zsa Zsa Padilla says that her partner, Comedy king Dolphy, is now in a stable condition and wants to travel abroad. “Talagang gustung-gusto niyang mag-abroad. So, kung talagang mapapayagan siya ng doktor niya. Kaya lang since… lalo na ngayon ang panahon magulo—mainit ‘tapos biglang uulan, di ba? Ang daling magkasakit, e. Well, it’s not easy for him. He’s been fighting for his life for a couple of years na. Talagang bilib din a


Hindi na raw alam ni Zsa Zsa Padilla kung paano pa siya magre-react sa muli na namang pagkalat sa text at social networking sites ng isyu tungkol sa diumano’y pagpanaw o di kaya’y paglala ng kundisyon ng kanyang partner at King of Comedy na si Dolphy.

“Oo nga, e. Sabi ko nga, ‘pag nakikita ba tayo sa ospital… nagpunta kasi ako sa ospital nung week na yun, e.

“’Tapos kinabukasan, may balita na. Pero may iba akong pasyenteng dinadalaw.

“Minsan, ganun nga, matatawa ka; minsan mapipikon ka. Parang depende na lang sa mood namin, e.

“Pero marami pa rin talaga ang concerned, marami pa ring nagtatanong.

“Hindi ko naman puwedeng i-address nang i-address yung ganun, di ba?” sabi ni Zsa Zsa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa nang bisitahin namin ang shooting ng kinabibilangan niyang pelikula, ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, noong Martes, May 29, sa Sampaguita Pictures compound sa Granada St., Quezon City.

Ang totoo raw ay stable naman ang kundisyon ni Dolphy ngayon. Gusto pa nga raw nitong mag-abroad.

Ayon kay Zsa Zsa, “Talagang gustung-gusto niyang mag-abroad. So, kung talagang mapapayagan siya ng doktor niya.

“Kaya lang since… lalo na ngayon ang panahon magulo—mainit ‘tapos biglang uulan, di ba? Ang daling magkasakit, e.

“Well, it’s not easy for him. He’s been fighting for his life for a couple of years na.

“Talagang bilib din ako sa kanya kasi talagang hindi siya nagrereklamo. Mabait siyang pasyente kasi, e.”

SIMPLE CELEBRATION. Nagdiwang si Zsa Zsa ng kanyang ika-48 kaarawan noong May 28.

Kumusta naman ang ginawa nilang selebrasyon?

“Wala, simpleng-simple. Hindi ko talaga hilig yung magpa-party, e,” sagot ng Divine Diva.

Nagbibigay pa ba ng regalo si Dolphy sa kanya?

“Hindi na. Ang sabi niya lang, ‘O, birthday mo pala ngayon. Well, happy birthday!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, ‘Thanks.’ Ganun lang.”

Sinorpresa lang daw siya ng kanyang anak na si Karylle noong birthday niya.

Kuwento ni Zsa Zsa, “Si Karylle, paggising ko, katabi ko na.

“Sabi ko, ‘O, sa’n ka galing?’ I didn’t notice na she was already in the room.

“So, ayun, naligo raw siya. ‘Tapos kuwento-kuwento.

“’Tapos nun, um-attend muna siya ng daily show niya [It’s Showtime]. ‘Tapos bumalik siya for dinner.

“Dapat kasi ang plano ko, bibili na lang kami ng pagkain, doon na lang kami kakain.

“Sabi ko, ‘Sige labas na lang muna tayo para maiba naman.’ Sa MOA [SM Mall of Asia] lang kami pumunta.”

Ano naman ang birthday wish niya?

“Good health lang. Kasi I was feeling sick lang last Saturday [May 26].

“So, sabi ko, it’s time for me to ask for good health for me also. So, that I can take care of him [Dolphy] also.

“Yun lang ang wish ko para sa family ko, para sa sarili ko.”

Si Mang Dolphy naman ay magbe-birthday sa July 25.

“Mag-e-eighty-four years old na siya. Sabi ko nga, ‘Uy, baligtaran, 48-84.’”

May inihahanda ba silang big celebration para kay Dolphy?

“Wala, kasi nga hindi naman siya puwedeng ma-expose sa mga tao. So, simple lang.”

JESSICA SANCHEZ. Samantala, bilang isang singer, natanong din ng PEP si Zsa Zsa tungkol sa runner-up finish sa American Idol ng may dugong Pinoy na si Jessica Sanchez.

Naging fan din ba siya ni Jessica?

“Oo naman,” sambit niya.

“Parang ang feeling nga ng taumbayan, di ba, parang may Manny Pacquiao bout?

“Nag-tweet din ako noon, e. Pero siyempre ayoko namang magmukhang pikon, di ba?

“Dahil gusto ko rin naman yung singing style ni Phillip Phillips, e. So, nag-congratulate ako.

“Talaga namang proud tayong lahat.

"And sana matuloy yung bali-balita na kukunin siya sa Miss Saigon na pelikula because she’s perfect nga naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you know, umpisa pa lang ito and siyempre nakikita naman natin yung kanyang potensiyal, di ba?”

Dagdag ni Zsa Zsa, “At ang pinaka-impress ako talaga nung nakipag-duet siya kay Jennifer Holliday.

“Sabi ko, ‘Wow! Yung guts talaga ng batang ito. At 16, di ba?’

“Ang tawag nga natin diyan, ‘halimawan on stage,’ di ba?

“Kasi sanay na siya sa contest, e, since maliit siya. Grabe ang kanyang fighting spirit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN