Arnell Ignacio says he does not give any commission to manager Annabelle Rama

Arnell Ignacio on Annabelle Rama’s plan to run for Congress: “Ang alam ko lang, hindi siya inosente sa batas. Sa dami ng kaso niya na siya ang kinakakusahan at siya ang kumakaso, hindi accurate na wala siyang alam at hindi siya inosente sa batas. Kasi matinik siya sa gano’n. Well, pabor ako na pumasok siya sa pulitika para meron namang… mas may maririnig tayo kung ano ang nangyayari. Baka mag-iba ang game plan ng buong Kongreso!”


Hindi man regular ang pagkakaroon ng TV show ni Arnell Ignacio ay hindi pa rin siya nawawala sa sirkulasyon.

Malaking dahilan nito ay ang manager niyang si Annabelle Rama.

Natatawa nga si Arnell sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya dahil parang ngayon lang daw nalaman ng buong mundo na ang nagpapatakbo pala ng kanyang career ay si Annabelle, gayong limang taon na niyang manager ito.

NO COMMISSION. Sa matagal na rin nilang pagsasama ni Annabelle bilang talent at manager, ni minsan ay hindi raw niya ito binigyan ng komisyon.

Kuwento ni Arnell, “Hindi siya kumukuha ng komisyon.

“Sabi ko nga, tatalak yun… gaya nito, may ka-meeting ako tungkol sa business.

“’Doon tayo sa likod ng SEC, merong Barrio Fiesta doon, tahimik.’ Wala kakong manggugulo sa atin.

“Pagpasok ko, hulaan ninyo kung sino ang nasa pintuan—Annabelle Rama!

“’Ikaw, ha, tarantado kang bakla! Hindi ka nagbibigay ng komisyon! Blah-blah!’ Galit na galit.

“Sabi ko sa kanya, ‘Habang ginaganyan-ganyan mo ako ng mga diamonds mo, nakakahiya! Magkano lang naman yung kumi-komisyon mo sa akin, tatlo-tatlong libo? Nakakahiya! E, Annabelle Rama ka!’

“’Ay, oo nga!’ Tawa siya nang tawa. ‘Sige, kumain ka.’

“’Tapos tinawagan si Perci [Intalan, executive ng TV5]. Si Arnell, bigyan ninyo ng show!’

“Hindi siya talaga kumukuha ng komisyon!” natatawang sabi niya.

Patuloy ni Arnell, “Sa akin lang yun. Kasi alam ko naman siyang kausapin, e.

“Siya kasi, ‘pag may gusto kang sabihin, sabihin mo sa kanya. ‘Tapos kung ano ang pinag-usapan ninyo, yun na yun. Hindi nakakalimot yun.

“Kahit ganun lang, dadaanan mo, nag-usap kayo tungkol sa pera? Matalas sa pera yun.”

Hindi naman masisisi ni Arnell si Annabelle kung bakit lagi nitong naaalala ang komisyon nito sa kanya dahil nakikita pa rin naman siya sa telebisyon paminsan-minsan.

“Nakikita kasi niya akong lumalabas sa TV!” tawa ni Arnell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagagalit yun. Sabi ko sa kanya, ‘Tita naman, magkano lang naman ito. Pagbigyan mo na ako, wala akong katraba-trabaho.’

“Sinabi naman niya na, ‘O, sige, hindi kita kukunan ng komisyon. Sige, mabait ka naman sa akin.’

“Mula noon talaga… mabait sa akin yun.

“Pero ‘eto nga, mag-e-air na yung Game ‘N Go, hindi ko siya bibigyan ng komisyon, regalo lang!”

Ang tinutukoy ni Arnell ay ang bagong weekly game show ng TV5; kung saan kasama niya sina Joey de Leon, Edu Manzano, Gelli de Belen, at Shalani Soledad.

Patuloy na kuwento niya, “’Eto nga, yung pagpapaalam ni Tita Wilma [Galvante] sa Imperial, nakagano’n na naman yung daliri niya [Annabelle] sa akin, o!

“Sabi ko, ‘Tita, huwag ka munang kumuha ng komisyon.’

“Kahit nagkakasalubong kami sa Greenhills, ganun siya lagi, pero sinasabi niyang, ‘Sige, huwag na.’

“Kung susumahin mo, sa loob ng five years na dapat niyang tanggapin na komisyon, maliit lang talaga.

“Kasi guesting-guesting lang ako. Wala naman akong show, e.

“Yung sa radyo, maliit lang naman yun.”

Hindi pa alam ni Arnell kung kukubra ng komisyon si Annabelle sa pagkapanalo niya sa nakaraang finals ng Talentadong Pinoy Celebrity Showdown.

“Huwag na ninyong ipangalandakan yung pagkapanalo ko, mabuti nga tahimik na ang buhay ko. Reregaluhan ko siya!

“Ang point ko kasi, basta sabihin mo sa kanya. Kasi alam niya na wala naman akong trabaho, e.”

ANNABELLE TO ENTER POLITICS. Ano ang masasabi ni Arnell sa balak na pagpasok ni Annabelle sa pulitika?

“Magmi-meeting muna kami,” iwas niyang sagot.

Pero muli naming kinuha ang kanyang opinyon.

“Ang alam ko lang, hindi siya inosente sa batas.

“Sa dami ng kaso niya na siya ang kinakakusahan at siya ang kumakaso, hindi accurate na wala siyang alam at hindi siya inosente sa batas.

“Kasi matinik siya sa gano’n.

“Well, pabor ako na pumasok siya sa pulitika para meron namang… mas may maririnig tayo kung ano ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka mag-iba ang game plan ng buong Kongreso!” natatawa niyang sabi.

Naalala lang ni Arnell na si Annabelle ang unang-unang tumutol noon sa pagpasok niya sa pulitika.

Matatandaang tumakbo siyang konsehal sa Quezon City noong 2010 elections, pero natalo siya.

“Pinipigilan nga niya ako, ‘no! Sabi niya, gago ako! Kaya magmi-meeting kami!” tawa na naman niya.

Tuluyan nang isinara ni Arnell ang anumang pagnanais niyang pumasok uli sa pulitika.

“Ayoko na. Kasi yung constituents na pinapasukan ko, mukhang masaya naman sila sa buhay nila, e.

“Nagrereklamo lang sila, pero hindi naman nila gustong mabago ang buhay nila, ganun na lang sila. Gusto nila yun.”

RODERICK PAULATE. Nagpapasalamat na rin si Arnell na hindi siya nakapasok sa pulitika dahil sa isyung ibinabato ngayon kay Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay ng “ghost employees.”

Aniya, “Kasi I’m very sure na... hindi ako naniniwalang 100 percent na ano… na buung-buo sa isip niya na ginawa niya yun.

“Kasi complicated and complex ang pulitika, e.

“’Pag may nakagalit ka, baka ano… Pero hindi ako makapag-comment kasi hindi ko alam ang buong kuwento.

“Hindi ko matatanggap na sinasabi nilang ginawa niya yun, kasi mataas ang tingin ko dun, e.

“Di ba, tayong lahat sa showbiz, ang taas ng tingin natin kay Roderick Paulate?”

FALLBACK ON TV5. Bagamat may playdate na ang Game ‘N Go, hindi pa kumbinsido si Arnell na matutuloy ang programa hangga’t hindi niya nakikitang umeere na ito.

Pero kung sakali mang hindi maging successful ang game show, may fallback naman daw siya sa TV5 pa rin—ang pagpunta-punta sa mga probinsiya para i-promote ang cable company ng Kapatid network na Cignal at ang TV5 mismo.

“Yun nga, promote-promote! Gaya nga niyan, galing ako sa Samal [Bataan].

“’Eto na lang, ‘etong network na ito, una, masayang magtrabaho.

“Maaaring kakaiba ang pamamaraan, pero definitely, masayang athmosphere ang TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kita mo, galing ako ng Samal para doon sa broadcast feed ng American Idol para sa finals night, para lang mapanood ang kababayan nilang si Jessica Sanchez.

“Ano bang ginawa ko dun, sabi ko lang, ‘Whoah! Hi! Tsu-tsu!’

“Wala pang 30 seconds sumulpot si Jessica Sanchez sa screen, uwi na kami.

“At saka ‘pag dumarating kasi ang TV5 kasabay ng ibang network, siguradong bongga kayo, e.

“Kaya at least, dun sa punto na yun, parang proud ka, e.

“Kahapon, nandun kami sa Samal. Ang set-up ng TV5, bongga! Laging ganun.

“Basta kasama mo ang Channel 5, laging parang puwede kang taas-noo na, ‘Hoy!’ Makes you proud talaga.

“Yung mga bossing ng TV5, ayaw naman nilang magmukhang parang inferior kapag nakasabayan mo yung malalaking istasyon.

“At least, sa puntong yun, we have to give the credit to Channel 5…totoong-totoo yun.

“Nakikita naman ninyo kapag may event ang Channel 5, di ba?

“Mararamdaman mo they care kung ano ang hitsura mo, pakiramdam mo.

“Sabihin mo lang sa kanila, ‘Puwede mo ba akong sunduin?’

“May darating sa iyong sasakyan, laging wala pang plaka. Bagu-bago pa.”

Okey ba siya sa ganitong trabaho na lumilibot sa probinsiya kahit walang regular show sa TV5?

“Ay, oo!” bulalas ni Arnell.

“Kasi alam mo naman kita mo sa panahon ngayon, ano pa ba ang garantiyang…

“Kasi noong araw, nagka-career planning ka pa. Ngayon, hindi na.

“Ano pa bang career planning? ‘Pag meron, you say thank you. ‘Pag wala… maalaga naman sila.

“’Pag wala kang work, bigay naman sila nang bigay.”

Aminado si Arnell na lumiit ang mundo ng mga gaya niyang beterano na sa TV at sa pelikula sa pagbibigay importansiya sa mga bagong talents.

“Well, that is very sad.

“Kasi ano ang mga beterano, lalung-lalo na yung mga subok na subok na, ‘yan mga haligi na, e. Hindi mo puwedeng balewalain ang value niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi man sila ang tinitilian, pero hindi mo mabubuo na matibay yung show kung wala sila…

“Parang kasama na rin pala ako sa mga beterano, di ba?

“Yung mga titilian kasi, kumbaga, formula mo yun, istraktura mo yun. Sila yung titili.

“Pero yung mga beterano, sila yung poste mo.

“Parang bahay ‘yan, e. Kung walang poste ‘yan, guguho ‘yan kung puro ka lang pintura, pagpapaganda.”

Hindi ba siya naiinggit sa ibang comedians, gaya nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda, na may nag-aalagang mga entity sa kanilang career?

“Hindi, ako pa ba’ng maiinggit?” sagot ni Arnell.

“Kailan ka ba nakarinig sa akin na nainggit ako?

“I am impervious to all the influences, sabi nga ni ano…” banggit ni Arnell, na hindi na niya matandaan kung sinong personality ang nagbitiw ng ganung linya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN