Angelika dela Cruz plays transgender in new indie movie; does not mind doing daring scenes

When asked how her new character in afternoon soap Kasalanan Bang Ibigin Ka differs from her other kontrabida roles, Angelika dela Cruz says: "Yung character ko, si Leslie, galit kay Erica, Jackie Rice’s character kasi tinuhog niya ang mag-ama. Ito kasi, may rason. Kumbaga, normal yung reaksiyon na ibinibigay niya."


Pagkatapos gumanap na bida at mabait ni Angelika dela Cruz sa primetime series ng Kapuso network na Biritera, balik-kontrabida naman siya sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? ay ang bagong panghapong programa ng Kapuso network na magsisimula sa Lunes, June 4.

Ang unang naging katanungan ng PEP.ph (Philippine Entertrainment Portal) kay Angelika nang makausap namin siya sa press conference ng kanilang programa noong Martes, May 29, ay kung ano ang kaibahan ng pagiging kontrabida niya ngayon sa mga nakaraang serye na kontrabida rin siya.

Paliwanag niya, “Usually kasi as kontrabida, like sa Bituing Walang Ningning noon, dahil sa career. Yung iba, dahil sa pag-ibig.

"Ito naman, dahil sa daddy. Daddy’s girl ako rito, e.

“Kaya yung character ko, si Leslie, galit kay Erica, Jackie Rice’s character, kasi tinuhog niya ang mag-ama."

Ang tinutukoy ni Angelika ay ang roles nina Michael de Mesa at Geoff Eigenmann, na mag-ama rin sa tunay na buhay.

“Sabi ko nga, yung ibang mga kontrabida roles ko, mga exag [exaggerated] na kontrabida.

“Ito kasi, may rason. Kumbaga, normal yung reaksiyon na ibinibigay niya.

“Kasi, kahit sa akin mangyari yung nangyayari kay Leslie ay ganoon din ang reaksiyon ko.”

SOMETHING DIFFERENT. Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya natsa-challenge sa bagong karakter na ginagampanan niya?

“Hindi naman sa hindi natsa-challenge. Pero bawat role naman, ibang atake ang gagawin mo, e.

“Halimbawa, yung director mo, kung ano ang gusto ng director mo, yun din ang ibibigay mo.

“Pero sa akin talaga, I want something different. Gusto ko nga, something different.”

DIFFERENT ROLE. Sa mga nakaraang interbyu ni Angelika, madalas niyang sinasabi na ang gusto niya lang talaga ay magtrabaho. Nag-iba na ba ang pananaw niya sa pagtanggap ng roles?

“Feeling ko ba? Well, meron akong gagawin na isu-shoot na movie.

"Indie [independent movie] siya, e. Excited ako kasi kakaiba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang role na tinutukoy ni Angelika ay bilang isang transgender.

“So, isa akong bading. Very Felicity Huffman, di ba?

"Doon ako excited talaga,” sabi niya, patungkol sa role na ginampanan ng Hollywood actress sa pelikulang Transamerica.

Kailan sisimulan ang movie?

“Inaayos pa ang schedule. Kasi, yun na lang ang problema. Wala pang details.

“Pero sure na siya. Schedule na lang ang talagang inaayos namin,” sabi ni Angelika.

DARING SCENES. Sa definition ng transgender, ito ay ang mga taong umaarte, nakararamdam, nag-iisip at may kakaibang hitsura sa tunay niyang kasarian noong siya’y ipinanganak.

Dahil dito, posibleng may pagka-daring ang tema ’tulad ng kissing scenes o love scenes.

Ani Angelika, “Oo, wala namang kaso sa akin ang mag-love scene.

"Kaya lang, ayoko ng pagtu-two-piece ako. Hindi kasi ako comfortable.

“Hindi ko naman ginagawa yun noong dalaga ko, ngayon ko pa ba gagawin?

“Kapag kami-kami lang, okay. Iba naman kasi yung kami-kami lang at yung nakikita ng sambayanan.

“Pero sa love scene, okay lang sa akin. Kasi you have to grow as an actor, e.

“Sa age ko naman, imposible namang hindi ka magla-love scene, sweety-sweety ka lang?

“Lalo na kung nagkokontrabida ka. “

Sabi pa niya, “Dito nga sa story [ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?], nagulat ako. First week pa lang ang meron ako, week one.

“Hindi ko alam na boyfriend ko dito si Bobby [Andrews], ’tapos magkakaroon kami ng affair ni Pancho [Magno].

“’Tapos ang kuwento sa akin, week two pa lang, may mga love scenes na ‘ko.

“Hindi ko alam, nagulat ako. Kasi daring talaga ang show.”

PERMISSION GRANTED. Ang mister ni Angelika na si Orion Casareo ay non-showbiz. Hindi ba magiging problema sa kanilang mag-asawa ang gagawin niyang intimate scenes?

“Siyempre, ayaw niyang manood. Normal yun, di ba?

"Parang yung sa kanya, you do what you have to do kasi trabaho mo ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nirerespeto niya ang trabaho ko, which I appreciate siyempre.

“Hindi niya ’ko hina-hassle about it.”

Hindi ba ito nagsasabi sa kanya na sana ay walang mga love scenes, kissing scenes?

“Hindi… actually, itong simula nga nitong Kasalanan Bang Ibigin Ka?, sabi ko, ‘Honey, daring ang show. Ang daming love scenes.’

“Sabi niya, ‘O, e, di ang dami-dami mong hahalikan.’

"Ang sagot ko naman sa kanya, ‘Naman! How exciting, di ba?’

“Sagot niya, ‘Malandi ka talaga.’

"Sabi ko, ‘Maiba naman, palagi na lang ikaw!’

“’Tapos, tawa kami nang tawang dalawa.”

Never pa bang nakapanood ang mister niya ng show niya na may ka-love scene siya?

“Nakapanood na siya.

"Siyempre, hindi mo naman alam kung kailan ieere. E, aksidente, napanood n’yo na.

“Noong time na yun, ang story, ako ang obsessed sa character ng lalaki. So, ako talaga ang humahalik sa lalaki.

“’Tapos, dalawa sila ng daddy ko [Ernie dela Cruz], magkatabi sila. Parehong mahigpit, di ba?

"Sabi ng daddy ko, ‘Uy Orion, sabihan mo nga ’yang si Shine.’

“Silang dalawa ang nag-uusap, akala mo wala ako do’n.

“Sabi ng daddy ko, ‘Sabihan mo nga ‘yang si Shine. Tingnan mo kung makahalik, akala mo wala nang bukas.’

“Sabi ni Orion, ‘Oo nga, Daddy, malandi kasi ‘yan.’

"Sabi ko,’Oy, oy, nandito ako, ha!’

“Tawanan lang kami. Hindi kasi kami serious sa mga ganoon—it’s work.”

SHIFTING CHARACTERS. Natutupad naman daw ang talagang goal niya na hindi pare-pareho ang bawat karakter na ginagampanan niya tuwing magkakaroon siya ng show.

“E, kasi, ang palaging tinatanong sa akin, ‘Hindi ka ba naaano na parang puro kontrabida ang ginagawa mo?’

“Hindi naman, e. Like sa Pilyang Kerubin, sobrang bait ko do’n.

"Yung sa show namin ni Iza [Calzado], sobrang bait ko rin do’n.”

Tinanong namin si Angelika kung saan palagay niya mas tanggap siya ng publiko—bilang bida o kontrabida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko masabi. Kasi, ang lakas ng impact ng Biritera.

"Kasi naman noong una, ang role naman na ginagawa ko sa mga roles ko, api-apihan.

“In fairness naman, lahat ng shows ko, nag-rate.

"Hindi ko talaga masabi… puwede bang pareho?”

PUBLIC SERVICE. Sa isang taon ay magkakarooon na naman ng eleksiyon. May mga balita na tatakbo si Angelika bilang konsehala sa Malabon City.

Matutuloy na ba ito?

“’Yan talaga ang hindi ko masabi. Wala pa talaga... wala pa talagang plano.

“Gusto kung sa gusto. But there are a lot of things to consider.

"Siyempre, gusto ko pa ng isang baby.

“Nandiyan na si Gab [anak ni Angelika] sa stage na mag-i-school na siya. ’Tapos, nagtatrabaho rin ako.

“Ayoko kasing pumasok na hilaw ako. Yung hindi ko maibibigay ang 100 percent ko.

"So, nandoon pa talaga ako sa stage na pinag-iisipan ko pa.

“So, everytime na tinatanong ako, ang sagot ko, ‘Hindi ko pa masabi,’ kasi totoo, e.

“Ayokong pumasok ’tapos wala akong gagawin. Ayoko ng ganoon,” saad ni Angelika.

Kung sakaling pasukin nga niya ang pulitika, gagawin niya ba yun dahil sa pagkamatay ng konsehal niyang kapatid na si Edward dela Cruz?

“Kung papasok ako, number one reason is, gusto mong tumulong.

“Hindi ka puwedeng pumasok dahil lang sa paghalili. Kasi, magiging parte na ‘yan ng buhay mo.

“Hindi naman biro ‘yan, e. Mag-iiba na ang buhay ko kapag pumasok ako do’n.

“Kailangan talaga, I’m 100 percent sure.”

Kung papasukin niya ang pulitika at palaring manalo, posibleng malimitahan ang showbiz career niya?

“Hindi naman.

"Kasi, simula noong bata, ito na ang buhay ko.

"Hindi mo naman puwedeng palitan sa akin ‘to, passion ko na ‘to, e.”

May pressure ba sa kanya na tumakbo siya?

“Wala naman, hindi naman pressure.

"Pero marami ang gusto akong tumakbo. Marami kasi akong magagawa.

"Sabi ko rin naman, ‘Kahit naman hindi ako tumakbo, puwede pa rin akong tumulong in my own way.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, iba pa rin yung opisyal. Kasi kapag nakapuwesto ka, mas may kakayahan ka.

“May koneksiyon ka na makatulong," saad ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN