Jason Francisco almost quit showbiz after breakup with Melai Cantiveros

"Parang nung time na ‘yon, parang nahirapan lang ako magtrabaho kasi nga siyempre, pati mga kasama ko, apektado," says Jason Francisco about his breakup with girlfriend Melai Cantiveros.


“Masakit” para kay Jason Francisco ang paghihiwalay nila ng kasintahan niyang si Melai Cantiveros.

Matatandaan na nabuo ang kanilang pag-iibigan noong 2009 sa loob ng Bahay ni Kuya, kung saan pareho silang naging housemates sa Pinoy Big Brother Double Up.

Lumabas naman ang balitang hiwalay na ang dalawang komedyante noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Para kay Jason, hindi naging madali sa kanya ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Melai.

“Ayoko talagang may mga something na mga problem, parang madali akong [maapektuhan],” sabi ni Jason nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto noong Martes, Mayo 29.

Inamin ni Jason na umabot siya sa puntong parang ayaw na muna niyang magtrabaho dahil sa nangyari.

“Parang na-depressed nga ako,” sabi ni Jason.

“At saka parang mahirap kasi nga, parang ayoko nung ganun [hiwalayan], pero nangyayari pala yun.

“Parang nung time na ‘yon, parang nahirapan lang ako magtrabaho kasi nga siyempre, pati mga kasama ko apektado."

Bukod sa masakit sa kalooban, nahirapan din si Jason na tanggapin ang nangyari.

Paliwanag niya, “Parang forever maging masaya ba. So, nagkataon na yun na.

"Parang ayun, siyempre nalungkot ako.

"Siyempre, ang tagal na namin, parang from the start na magkasama ’tapos [naghiwalay].”

Ano naman ang natutunan niya sa relasyon nila ni Melai?

Sagot ni Jason, “Kasi sa totoo lang, ayaw ko magrelasyon dati pa naman nung nag-start ako sa PBB, kasi nga marami akong karanasan dati.

"So, parang nangyari naman, di naman love at first sight sa aming dalawa, di ba?

“Parang lahat, parang nag-develop lahat [sa Bahay Ni Kuya].

“Alam naman niya din ’yon, so parang andun na yung emosyon.

"Totoo naman yung emotion na nararamdaman namin so parang ni-work out na lang namin na maging masaya.

“’Tapos may mga times, heto, dumating na sa point na naghiwalay kami, ’tapos ngayun-ngayon, time na parang nagbalik kami sa normal, na parang magkaibigan na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sobrang masaya siya ngayon kaya masaya din ako.”

AFFECTED FANS. Hindi lamang daw silang dalawa ni Melai ang naapektuhan sa pangyayari. Kahit ang kanilang mga masugid na tagahanga ay nalungkot sa paghihiwalay nilang dalawa bilang magkasintahan.

Kuwento ni Jason, “Mas maraming nalungkot naman kasi, siyempre, mga forever Melason sila ‘tapos sinubaybayan nila kami from the start.

“Noong dati, talagang maraming umiyak, maraming na-brokenhearted.

"Lalo na yung mga [subscribers ng] TFC [The Filipino Channel], kasi nga marami din kami doong mga fans.

“‘Tapos may mga grupo na parang kami na lang yung parang kasiyahan nila. Mababaw lang naman yung kaligayahan nila, di ba?

“Ganun, yun, nalungkot sila pero tina-try nila na magbati kami.”

Sa ngayon, medyo masaya na rin daw ang fans nila dahil, sabi ni Jason, “Okay naman kami ngayon [ni Melai] so, parang feeling ko, masaya na rin sila.”

RENEWING FRIENDSHIP. Hindi naging malinaw ang sagot ni Jason kung nagkabalikan na muli sila ni Melai.

Subalit sinabi niya na “nagkakilanlanan ulit” sila ni Melai.

Kuwento pa ni Jason, “Sabi ko, masaya naman yun. Kasi siya, hinantay ko naman ‘yong time na parang, siyempre, para sa part niya din, di naman ganun kadaling mag-move on siya.

“’Tapos ngayon, feeling ko kahit konti lang, naka-move on na siya kasi nakakausap na niya ako.

“Kasi ’pag ka di talaga... di talaga ako nun kakausapin at ayaw nung ako makita.

“So ngayon, masaya, kasi ngayon parang [civil] na uli.”

Higit sa pagkakaibigan, inamin ni Jason na minsan ay naiisip niyang balikan si Melai bilang girlfriend.

“Sa totoo, lagi naman sumasagi sa isip ko,” sabi niya.

Subalit hindi muna raw ito ang focus ni Jason.

Para sa kanya, “Iniisip ko na lang, pinaninindigan ko na lang yung sarili ko, na parang ito kasi yung naging desisyon namin, so ayoko nang mag-isip ng iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Feeling ko naman ganun din siya kasi, so hindi ko na binabalik doon sa point na parang bati na kami ’tapos maya-maya… kasi naman lagi kaming [away at bati].

“Parang ngayon, parang mas maganda siguro na lagi kong sinasabi sa kanya na parang ngayon magkaibigan tayo.

“So, walang explanation, may commitment, pero hindi naman mag-boyfriend at girlfriend.

“Kasi nung nag-start kami, sobrang masaya kami na walang pressure sa iba na maririnig, walang selos-selos na nangyayari.

“So, ngayon, parang yung civil, lahat masaya.”

“WALA NAMAN AKONG IBA.” Sa kabila ng lahat nang nangyari, nananatili pa rin daw ang pagmamahal ni Jason kay Melai.

“At saka yung care, hindi naman mawawala siguro.

"Wala naman ako iba dito,” dagdag na pahayag ng komedyante.

“Siyempre, alam kong marami, maraming may gusto [sa akin].

"Minsan siyempre, nakaka-miss, sumasagi sa isip ko ang makipag-date.

“Pero ayaw ko, sabi ko para naman akong sira ulo.

“Umalis nga ako sa isang relasyon ‘tapos hahanap ako ng isa pa.

“Parang sa una, parang ganun, pero siyempre, mas masaya kung maaari siya [Melai] na lang uli ang balikan ko, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN