John Lloyd Cruz refuses to answer issues involving him: “Wala naman akong kailangang sagutin at this point. Anything personal, wala."

Matinee idol John Lloyd Cruz keeps mum about his breakup with Shaina Magdayao and the rumor linking him to Angelica Panganiban. He says, “As far as I’m concerned, lahat ng issues sa personal life ko is perfectly fine—not fine, but settled.”


Bago lumipad papuntang Vienna, Austria si John Lloyd Cruz para kunan ang ilan sa mga mahahalagang eksena ng seryeng pagtatambalan nilang muli ni Bea Alonzo sa ABS-CBN, hindi birong mga intriga at kontrobersiya ang pinagdaanan ng aktor.

Una ay ang kumpirmadong breakup nila ng girlfriend na si Shaina Magdayao.

Ikalawa ay ang pagkakaugnay ng pangalan niya sa hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Nanatiling tikom ang bibig ni John Lloyd sa mga naturang issues at kahit minsan ay hindi nagbigay ng komento patungkol sa mga ito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si John Lloyd pagdating nila ni Bea sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Lunes, May 28.

Ayon sa aktor, wala siyang dapat ayusin o sagutin sa mga intrigang ipinupukol sa kanya.

“Wala akong alam. Wala akong aayusin.

“Wala naman akong kailangang sagutin at this point. Anything personal, wala.

“As far as I’m concerned, lahat ng issues sa personal life ko is perfectly fine—not fine, but settled.”

Kumusta na ba siya ngayon? May komunikasyon pa ba sila ni Shaina?

“We’ll get there.

“Siguro this time, I will not talk about her anymore.

“Parang medyo wala sa lugar, wala sa panahon,” iwas niya.

DEREK-ANGELICA BREAKUP. Naiturong third party si John Lloyd sa hiwalayan nina Derek at Angelica.

Ano ang reaksiyon niya na nasangkot ang pangalan niya sa breakup ng dalawa na sinasabing nagsimula nang mag-shooting sila ni Angelica ng pelikula sa Vietnam noong Holy Week?

Sagot ni John Lloyd, “Hindi na ‘yan suprising para sa akin, kumbaga, parang expected na.

“Kahit na ano sigurong pag-usapan natin tungkol sa project, okay lang, pero hanggang dun lang ako.”

REUNION PROJECT WITH BEA. Samantala, excited si John Lloyd sa muling pagtatambal nila ni Bea pagkatapos ng halos apat na taon sa telebisyon.

Huli silang nagtambal sa primetime series na I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkuwento pa nga ang aktor ng mga karanasan nila habang nagsu-shoot sa Vienna, Austria.

“Alam mo, gusto ko lang i-share na napakaganda ng mga nagawa naming mga eksena just today, fort he last 24 hours, we travelled five cities.

“Nakalimang cities kami in one day para lang makapagbigay kami ng isang magandang palabas.

“Dahil siyempre, nagbabalik kami sa TV, so hindi puwedeng ibitin ang ibibigay namin.”

Ibang-iba Bea raw ang nakasama niya ngayon kumpara sa Bea na kilala at katrabaho niya a few years ago.

Sabi ni John Lloyd, “Madami... ibang-iba na ang pag-iisip niya ngayon.

"I’ve never seen Bea so happy and content, sobra siyang masaya lang.

"Walang anumang negative na makukuha sa kanya, sobra siyang happy, inspired, and positive about life.

“Sobrang happy niya nung nandun siya sa Vienna, sa Salisbury.

"Sobrang masaya ako para sa kanya kasi kitang-kita ko sa kanya yung happiness, yung contentment, talagang naggo-glow siya.”’

Bukod sa teleserye, may gagawin ding pelikula sina John Lloyd at Bea.

Ito ang role na dapat sana ay si Sam ang gaganap. Pero sa pag-alis ng bansa ni Sam ay napunta kay Derek ang role. Nang lumipat naman si Derek sa TV5 ay napunta ang role kay John Lloyd.

Kinumusta namin sa aktor ang pelikulang pagtatambalan din nila ni Bea.

“Medyo natigil kami after three to five days of shooting, pero pagbalik namin, tuluy-tuloy na ulit,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN