Mark Anthony Fernandez on mom Alma Moreno’s Senate bid: “Alam ko doon siya magaling, doon siya kumportable, kaya pabor po ako sa kanya."

Mark Anthony Fernandez plays ala-western kontrabida role against Richard Gutierrez in GMA-7’s new teleserye Makapiling Kang Muli. He describes his role in the soap: “Kontrabida ako rito. Pero okay siya, challenging at saka ma-action ng konti. Cowboy-cowboy kami rito."


Mula sa pagiging sobrang bait niya sa Munting Heredera, ngayon ay kontrabida naman siya sa bagong primetime series ng Kapuso network, ang Makapiling Kang Muli.

Ikinuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong role niya sa press conference ng Makapiling Kang Muli noong Martes ng gabi, May 29.

“Kontrabida ako rito. Pero okay siya, challenging at saka ma-action ng konti. Cowboy-cowboy kami rito.

“Sa Munting Heredera, mabait naman. So, para maiba naman. At saka masaya.

“Masayang gumawa ng action at saka masaya rin naman na para maiba naman kung ano ang gagawin.”

Hindi naman siya yung actor na madalas ay kontrabida ang ginagawa.

“Hindi naman. Bale pangatlo ko ‘to.

"Una yung You and Me Against the World, Kamandag, at saka ito pa lang naman.”

RICHARD & SARAH. Ito naman ang pangalawang pagsasama nila ni Richard Gutierrez. Una silang nagkasama sa Kamandag.

“Actually, parang wala namang nabago. Noong nagkita kami, warm lang.

“Yung mga nakatrabaho ko dati, noong nagkita kami, warm lang, very light ang trabaho.

“Sanay na rin kami kahit papaano sa isa’t isa,” sabi ng aktor.

Saan siya mas kumportable—bilang leading man o kontrabida?

“Kung ano ang ibigay na assignment sa akin, homework, doon ako. Kahit ano, e.”

Ang first time daw sa kanya dito sa Makapiling Kang Muli ay ang kanyang leading lady—ang StarStruck winner na si Sarah Lahbati.

Sabi ni Mark, “Si Sarah, ano siya… hungry for talents. At saka nag-i-strive talaga siya.

“Mukhang magaling siya. Very professional siya as an artista.”

ALMA MORENO’S PLANS. Tinanong ng PEP si Mark sa saloobin nito sa napipintong pagtakbo bilang senador ng kanyang ina na si Alma Moreno.

Sabi ni Mark, “Alam ko doon siya magaling, doon siya kumportable, kaya pabor po ako sa kanya.

“Alam ko kasi na doon siya kumportable at doon ang talino niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng text message lang daw niya nalaman ang planong yun ng mama niya.

“Sa text ko nalaman. Sabi ko nga, ‘A, talaga?’ ’Tapos yun, text-text na lang.”

Okay ba siya sa desisyon ng mama niya?

“Well, noong una, parang delikado. Parang ayoko yata, ganoon. Unang-una, may [Chief Justice] Corona issue pa.

“Bising-busy pa sila do’n kumbaga. E, kanina lang, napanood ko, parang okay na pala ang Corona issue."

Ang tinutukoy ni Mark ay ang pagkaka-impeach ni Chief Justice Corona pagkatapos makakuha ng 20 Guilty votes mula sa mga senator-judges.

“So, sa loob-loob ko, hindi sila ganoon ka-hectic ngayon.

“So, baka sakali, makapuwesto sila.”

Paanong suporta ang ibibigay niya sa kanyang ina?

“Basta sinabing okay na mag-campaign, siyempre doon kami susuporta.”

Naniniwala ba naman siya sa kakayahan ng mama niya na maging senador?

“Of course, yes,” may diin niyang sabi.

Nakahanda na ba sila sa mga posibleng tira at panlalait na posibleng maibato sa ina niya kapag tumakbo na nga ito bilang senador?

Ayon kay Mark, “Alam ko si Mama, handa na. Pero ako, sumusuporta lang naman ako.”

CLAUDINE BARRETTO INCIDENT. Natanong din si Mark kung ano ang masasabi niya tungkol sa airport incident na kinasangkutan ng dating girlfriend nitong si Claudine Barretto kamakailan lang.

“No comment,” nakangiti at tila pag-iwas sa isyu.

Nagulat din ba siya nang mabalitaan niya at ano ang naging reaksiyon niya?

“Nagulat ako. Oo, nagulat ako.”

“Parang matapang, matigas… hanggang doon na lang ang comment ko, baka lumalim pa!” natatawa niyang sabi.

Dagdag pa ni Mark, “Sana matapos na ang kaso nila at kung may gumugulo man sa isip niya o nila, sana magkaroon na sila ng peace.”

MARITAL BLISS. Kumpara noon, masasabi raw ni Mark na wala nang mga intriga sa marriage life niya ngayon.

Nine years na silang nagsasama ng kanyang misis na si Melissa Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang nabura na ang mga isyu ng hiwalayan nila noon?

“Ay oo, nalagpasan na yung mga nasa likod ng isip. Yung mga laging dumadaan sa likod ng isip, okay na yun.

“Ngayon, mas smooth, mas okay kami,” sagot ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN