Jed Madela still wants to pursue international singing career; hints of doing “something international” soon

Jed Madela admits he’s also guilty of watching concerts of foreign acts. “Kasi minsan lang sila dito. Yung mga local artists, palagi naman sila dito,” he reasoned. But he appeals to Pinoy concertgoers to support local artists as well. “It’s not bad to support international acts, kasi it’s also good for us ‘cause we get to see how it’s done. Pero sana kung sumusuporta tayo ng foreign acts, sana suportahan di


Sa June 16, Sabado, isang malaking musical event ang magaganap sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

May pamagat na Icons at the Arena: Masters of OPM, pagsasama-samahin sa isang gabi ang mga pinakamalalaking pangalan sa local music industry para sa isang gabing concert.

Kabilang sa mga bigating mang-aawit na sasalang sa gabing iyon ay ang tinaguriang “The Voice” o “The Singer’s Singer” na si Jed Madela.

Sa presscon ng nabanggit na show sa Meet and Greet Room ng MOA Arena noong May 30, ipinahayag ni Jed ang kasiyahang nararamdaman sa karangalang makasama ang mga malalaking pangalan ng Original Pilipino Music o OPM.

“It’s such an honor. Sobrang honored ako,” ani Jed tungkol sa pagkakabilang niya sa lineup ng performers.

Bukod sa kanya, kasama rin sa mga magpe-perform sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera, Basil Valdez, Jose Mari Chan, Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Freddie Aguilar, Piolo Pascual, Christian Bautista, Erik Santos, Arnel Pineda, Bamboo, Juris, at ang grupong The Company.

“Of course, sharing the stage with the icons na sina Martin, sina Gary, sina Regine, and a whole lot more, it’s an experience na siyempre, hindi ko makakalimutan,” sabi ni Jed.

WCOPA CHAMPION. Matapos na manalo sa 2005 World Championship of the Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California, nagsimula na ng kanyang singing career sa Pilipinas si Jed.

Ito ay sa kabila ng pagkakataon niyang magkaroon ng singing career at oportunidad na makilala sa Hollywood.

Ang WCOPA ay taunang “Olympics-style” talents competition kunsaan sumasali at nakikipagtagisan ng talent ang performers na galing isa iba’t ibang panig ng mundo.

Nung 2005, napanalunan ni Jed ang anim na gold medals, dalawang plaques, at dalawang trophies mula sa WCOPA; kabilang na ang titulong Grand Champion Performer of the World.

Ano’t pinalagpas na lang ni Jed ang pagkakataong makilala sa Hollywood at mas piniling sa Pilipinas magsimula ng career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nung manalo kasi ako nung 2005, I was just new in the industry. So, hindi pa ako that big of a name in the Philippines.

"So, sabi ko, kailangan Pilipinas muna.

“So, I decided to go back despite of the offers of the [recording] labels, and a managing contract in the States.

“Bumalik muna ‘ko dito, although nandiyan pa rin naman ang mga offers.

“And hopefully, this year or next year, we’re coming up with something international.

"So, abangan na lang nila ‘yon,” pahayag ni Jed.

SAYING GOODBYE TO UNIVERSAL. Ngunit sa ngayon ay hindi muna nakatali sa kahit na anong recording company si Jed.

Matapos ang siyam na taon at walong albums, hindi na nag-renew ng kontrata si Jed sa Universal Records.

“My contract with Universal Records expired last May 21. Hindi na po ako nag-renew with them for now.

"And wala pa po akong recording label as of now,” sabi ng 31-year-old male singer.

Dagdag niya, “It’s my decision. And it’s not because of any reason at all na negative or what.

"It’s more of me na medyo rest na muna ng konti. Medyo freelance muna ng konti.

“Siguro try a new scenario, try a new environment.

“And wala naman kaming problema with Universal. I still have projects with them, and I still promote all my albums with them. May mga shows pa ‘ko for them.

“Wala talagang bad blood between us,” paniniguro ni Jed.

GUILTY OF WATCHING FOREIGN ACTS. Ngunit sa panahon ngayon na tila mas tinatangkilik ng mga Pinoy ang concerts ng foreign artists kaysa local artists, aminado si Jed na “guilty” rin siya kung bakit mas madalang ang concerts ng mga lokal na mang-aawit.

“Sa totoo lang, sobrang hirap [na mag-concert ang local artists ngayon]. Kasi of course, ‘pag foreign artists, tickets nila mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And people will really save up to watch foreign artists.

“Ako, guilty ako diyan,” pag-amin ni Jed.

“Ako talaga, fan ako ng concerts, e. I watch all the concerts na kaya kong panoorin.

“Siyempre, ‘pag Pinoy, iipunin na lang yung pera para manood kay Lady Gaga, or kay Beyonce or kay Bruno Mars. Kasi minsan lang sila dito.

“Yung mga local artists, palagi naman sila dito. Nakikita naman natin sila sa ASAP, ganun.

“But you know, for us [local] artists, it’s sad. It’s difficult.

“Kaya yun siguro ang maganda sa show na ito, dito sa [MOA] Arena and this concert [Icons at the Arena: Masters of OPM].

“Talagang pinapalabas nila talaga at pinapa-aware yung tao na ang daming magagaling na Pinoy na dapat suportahan din.

“And yun din ang pinaka-plea namin as Filipino artists.

“It’s not bad to support international acts, kasi it’s also good for us ‘cause we get to see how it’s done.

“Pero sana kung sumusuporta tayo ng foreign acts, sana suportahan din natin yung local acts.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN