Janine Gutierrez on possible reconciliation of parents Lotlot de Leon and Ramon Christopher: “I wish. Pero tanggap na rin po namin na malabo pong mangyari.”

Janine Gutierrez carries with her lessons learned from being related to celebrities as she joins the intriguing world of show business. She tries to take everything in stride: “Marami po kasing feeling na yung pag-aartista, puro glamor lang. Yung puro pagpapaganda, pero mahirap din po siyang trabaho."


Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli, gumaganap na kapatid si Janine Gutierrez ng kanyang real-life uncle na si Richard Gutierrez.

Ang Makapiling Kang Muli din ang maglulunsad kay Janine sa kauna-unahan niyang soap opera simula nang pumirma siya bilang isang Kapuso star.

Masaya si Janine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Makapiling Kang Muli noong Martes ng gabi, May 29, sa GMA-7.

Aniya, “Nakakatuwa nga po kasi I’ve been looking forward to it. Nakakatuwa po at more pa, kasi kasama ko si Richard.

“’Tapos, si Direk Ricky Davao. Si Papa [Ramon Christopher], nandiyan din po.

“So, it’s very saya po sa taping. Kumportable. Natuwa po ako na sinama nila ako dito.

“It was easy to adjust in taping ’tapos alaga po nila ako. Yun po.”

NEW LOVETEAM. Pero noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7, may naging expectation ba na lead role siya unang ilulunsad?

“Siguro po, kahit sino naman pong bagong artista, magiging suwerte kung pagsabak agad, bida agad.

“Pero I’m thankful naman po sa mga ibinibigay ng network sa akin,” sabi ni Janine.

Si Benedict Campos daw ang naririnig niyang tila ipapareha sa kanya dito sa Makapiling Kang Muli.

Personally, gusto ba niyang makilala rin na may ka-loveteam?

“Hmmm, dito po or in general? Hindi ko pa rin po alam kasi hindi ko pa po nae-experience so I don’t know which is better.

“Pero I guess, bahala na po.”

Sa mga nakikita niyang mga loveteams, nae-excite ba siya?

“Nakaka-excite din po kasi never pa akong nagkaka-loveteam.”

May naging realization ba sa kanya na ganito pala ang showbiz?

“Marami po kasing feeling na yung pag-aartista, puro glamor lang. Yung puro pagpapaganda, pero mahirap din po siyang trabaho.

“I knew that naman kasi sila Mama [Lotlot de Leon] at sila Papa [Monching], nakita ko rin naman na nagpupuyat yun when I was growing up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung schedule po, di ba, kakaiba? Hindi siya regular.

“Parang ngayong nandito po ako, mas lalo kong na-realize na it’s hard work.

“Kailangan pagbutihin mo pong talaga ang mga opportunities na ibinibigay sa ‘yo kasi doon ka po mapapansin at saka doon ka rin gagaling.”

SHOWBIZ INTRIGUES. Sa mga mararanasan niyang intriga, ano ang mga payong ibinibigay ng mga magulang niya?

“Naku, sana hindi po!” natatawa niyang sabi.

“Pero noong bago pa lang po akong mag-umpisa, yun na rin po ang warning sa akin.

“At saka na-experience ko rin naman po noong maghiwalay sila kasi dati, bigla na lang may darating sa bahay.

“Talagang na-experience ko na maraming nag-aakala. Kung makapagtanong akala mo alam na nila ang sagot.

“Siguro okay na rin po na na-experience ko yun dati. At least ngayon po, I know what to expect.

“Basta they always remind lang na kailangan mag-isip nang mabuti bago sumagot.

“Kung hindi mo alam ang sasabihin, huwag na lang magsabi ng kung anu-ano.

“It’s hard po, minsan natu-twist po ang words mo, di ba? So, kailangan po maingat.”

PART WAYS. Matagal na ring hiwalay ang mga magulang ni Janine. At bilang panganay, kumusta na sila?

“Ano pa lang po ako noon, 13, magha-high school pa lang po ako noon. Matagal na rin po, ‘no?

“Minsan, hindi ko nga po naiisip na ganoon na katagal. Pero ayun, at first, it was very hard po.

“Kasi, noong bata ako, ang daming nagsasabi sa akin na, ‘Ang galing ng parents mo. Kahit bata sila nagpakasal, sila pa rin.’

"So, in my head, ’Ay, ang galing nga nila. Hindi na sila maghihiwalay.’ Kaya nagulat din po ako.”

Pero ayon kay Janine, hindi naman naging mahirap para sa kanilang magkakapatid ang sitwasyon noong maghiwalay ang mga magulang nila.

“They made us easier for us noong maghiwalay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinausap naman po nila ako nang maayos at ini-explain naman po nilang lahat.

“So, naka-adjust naman po kami. At saka, okay naman po sila ngayon.

“Kapag may event po—Christmas, birthday—lahat po magkakasama.

“At least, nagpapasalamat po ako. Kahit naghiwalay sila, parang pamilya pa rin po.”

Bilang anak, may wish pa rin ba siyang magkabalikan ang Mama at Papa niya?

“Kahit naman pong sinong anak ng naghiwalay, gusto pa rin po na magkabalikan sila.

“I wish. Pero tanggap na rin po namin na malabo pong mangyari.”

So far, sa pagkakaalam niya, parehong single ang mga magulang niya ngayon.

“Wala pa naman po akong alam. Pero kung may ipapakilala man po sila, ready na rin naman po ako.

“Matagal na rin naman po silang hiwalay at siyempre, I want them to find their own happiness po.

“Ayoko rin naman po na tumanda sila na… if they want someone to be with, I’ll be happy for them.

“Pero kung ayaw po nila, okay lang din po. Sila na po ang bahala.

“Ganoon talaga, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN