Kaye Abad remains good friends with ex-boyfriend Chito Miranda; aware that he has a new girlfriend

“Trabaho na lang muna. Minsan lang ang opportunity na ganito bilang alam ninyo na tumigil ako dati,” explains Kaye Abad why she prefers to remain single for now.


Pilit mang iniwasan ng frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife, hindi naman niya naitanggi na sila na nga ng Star Magic talent na si Neri Naig.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, kinumpirma ng music artist na, “Yeah, we’re going out now, girlfriend ko siya. Are we official? I’d like to think official.”

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng dating girlfriend ni Chito na si Kaye Abad.

Ayon sa dalaga, alam niya na may bago nang girlfriend si Chito. Minsan na rin daw niyang nakilala si Neri.

“Hindi kami close. Kumbaga, ’hi, hello’ lang. Never kaming nagkaroon ng time na magkausap.

"Kilala ko lang siya from before, ‘yong Star Circle Quest,” nakangiting sabi ni Kaye nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto noong Martes, May 29.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman ito, aniya, “Okay naman kasi at least masaya na siya ulit. so masaya din ako.

"Basta masaya siya, masaya din ako,”

Bagamat naghiwalay na sila, nilinaw ni Kaye na nanatili pa rin ang pagiging magkaibigan nila ng miyembro ng Parokya ni Edgar.

“Nagte-text-an, nagkukumustahan, nagtu-tweet.

"Sobrang good friends. Sobrang okay kami.

"Kahit sa family niya, nagkukumustahan,” sabi ni Kaye.

Bagamat magkaibigan pa rin sila, hindi naman daw nagtatanongsi Kaye tungkol sa personal na buhay ng dating boyfriend.

Aniya, “Kumbaga, sa kanya na ‘yon. Ibibigay ko na sa kanya ‘yon.

“Kung ayaw niyang ikuwento, hindi ko na ipipilit.

“Kung ano ang sine-share niya sa akin, ‘yon na lang ang nakukuha ko.”

STAYING SINGLE. Samantala, kung may bago nang girlfriend si Chito, nananatili namang single si Kaye.

Matatandaan na na-link noon si Kaye sa dating co-star niya sa Precious Hearts Romances na si Guji Lorenzana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses ding umamin si Guji tungkol sa kanyang paghanga sa singer-actress, pero wala namang pag-aming naganap tungkol sa tunay relasyon nilang dalawa.

Sa ngayon, masaya na raw si Kaye sa paglabas-labas kasama ang mga kapamilya at kaibigan.

“Kumbaga, ayaw ko na lang muna i-entertain kasi mahirap.

“Trabaho na lang muna. Minsan lang ang opportunity na ganito bilang alam ninyo na tumigil ako dati," sabi niya.

BIRTHDAY WISH GRANTED. At talagang nasusulit na ngayon ni Kaye ang mga oportunidad sa pag-arte.

Mahigit isang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang matapos ang teleseryeng Angelito: Ang Batang Ama, pero muli itong magbabalik sa telebisyon para sa ikalawang yugto.

Katuparan daw ito ng kahilingan ni Kaye noong kaarawan niya kamakailan.

Sabi niya, “Birthday wish ko na kung anuman ang magiging next show ko, sana kasama ko ulit ‘yong same [people].

“Ito, literal na same group, kasama lahat. Masaya at excited kasi may mga bagong characters at saka mga bagong plot.”

JOHN PRATS. Isa sa mga kinapananabikan ni Kaye sa bagong yugto ng Angelito ay ang pagiging magkapareha nila ni John Prats.

“Tumutodo na talaga ako, e. Todo na talaga ito, wala nang isasagad pa!” natatawang komento ng 30-year-old actress sa muling pakikipag-loveteam niya.

Pabiro pa niyang dagdag, “Kapag inabot ko si Zaijian [Jaranilla], abangan n’yo ‘yan, magpapamisa ako.’

"Ten years old si Zaijian ngayon, bigyan natin ng mga five years, puwede na ‘yan.”

Sa seryosong tono, aniya, “Kay John, actually, excited ako kasi ang tagal ko nang kakilala, Ang TV pa lang.

“Noong sinabi sa akin na si John, na-excite ako kasi ‘yong batuhan namin ni JM [de Guzman] dito, di ba, natural at parang magkaibigan talaga?

“Kay John, bilang matagal na kaming magkakilala, na-excite ako kung paano lalabas ‘yong chemistry, ‘yong friendship naming dalawa.”

Pero kahit matagal nang magkakilala sina John at Kaye, challenge pa rin daw para sa aktres ang kanilang tambalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinabahan ako sa part na kung loveteam, may kissing scene.

“Bilang sabi ko nga ay 1994 pa lang kami magkilala, nasubaybayan ko na si John hanggang sa magka-girlfriend at lahat.

“Malalaman natin ang kakayanan namin bilang artista sa parteng ‘yon, kung magagawa namin nang maganda ang mga love scenes.”

Natatawang hirit pa ni Kaye sa huli, “Sobrang challenging! Ini-imagine ko pa lang, hindi ko talaga ma-imagine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN