Bianca Manalo confirms breakup with John Prats

“Okay naman kasi mas nakakatuwa naman na iba naman yung trabaho niya, iba naman trabaho ko,” says John Prats about his relationship with girlfriend Bianca Manalo, hours before the latter admitted their breakup on Bandila last Wednesday, May 30.


Dalawang linggo nang hiwalay ang magkasintahang Bianca Manalo at John Prats.

Ito ay kinumpirma mismo ng dating beauty queen at Aryana actress sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bandila kagabi, Mayo 30.

Hindi ibinigay ni Bianca ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni John.

Matatandaan na unang naugnay ang pangalan ni Bianca kay John noong Hunyo 2011, nang magkasama pa sila bilang mga hosts ng ABS-CBN noontime show na Happy Yipee Yehey!.

Si Bianca kasi ang itinuturong dahilan ng pakikipaghiwalay ng dancer-actor sa singer na si Rachelle Anne Go.

(CLICKE HERE to read related article)

Ilang buwan ang nakalipas, lumabas na rin sa publiko ang dalawa at inamin ang tunay na relasyong namamagitan sa kanila.

(CLICK HERE to read related article.)

CLEARING SUNSHINE’S NAME. Matapos ang halos pitong buwan na pagiging magkasintahan, lumabas naman ang bali-balitang pinagseselosan ni Bianca ang pagiging malapit ng boyfriend niya sa kasamahan nito sa Banana Split, ang SexBomb dancer na si Sunsine Garcia.

Subalit itinanggi ito ni Bianca sa kanyang panayam sa telepono sa Bandila. Si John daw ang nakipaghiwalay sa kanya.

Sa hiwalay na interbyu kay Sunshine ng Bandila, walang ideya ang dancer kung bakit nadadawit ang pangalan niya sa hiwalayang Bianca at John.

Nagtataka niyang sabi, “Hindi ko alam kung paano lumabas ang balitang ito. Wala akong ideya kung sino… bakit ako?”

Tungkol naman sa lumalabas na balita tungkol sa “sweet photos” nila ni John, ito ang reaksiyon ni Sunshine:

“Sa natatandaan ko, wala kaming pictures ni John Prats, na sasabihin mong sweet na hindi kaugnay sa trabaho. Kung may picture man kami, siguro iyon yung mga scenes.”

Nakiusap din ang dancer na tigilan na ang pagdawit ng pangalan niya sa isyu nina Bianca at John.

JOHN REMAINS MUM. Samantala, sa huling panayam kay John ng ilang miyembro ng media ilang oras bago pa kumpirmahin ni Bianca ang paghihiwalay nilang dalawa, tinanong siya kung may oras pa ba sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nagbigay si John ng anumang senyales na may problema na sa pagitan nila ni Bianca.

Ang tanging sinagot lamang niya, “Okay naman kasi mas nakakatuwa naman na iba naman yung trabaho niya, iba naman trabaho ko.

"‘Yon naman, hangga’t bata, kayod lang nang kayod.”

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si John tungkol sa inamin ni Bianca


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN