Jake Vargas plans to change his image while waiting for next teleserye: "Papagupitan ko po yung buhok ko, papaiklian ko. Magwo-workout din po ako...”

Jake Vargas on saying goodbye to Tween Hearts: "Kung iisipin, hindi naman talaga totally nakakalungkot. Sabi nga rin ni Bea, we’re ending the show with a smile. Kasi alam namin marami po kaming napasayang mga tao. Kami rin po, naging masaya. At higit sa lahat, matatapos po ang show na mataas pa rin ang ratings namin. Na hindi po kami mawawala dahil mababa na ang ratings.”


Malaki ang paniniwala ni Jake Vargas na kahit pansamantala muna silang hindi magkakasama sa project ng kanyang ka-loveteam na si Bea Binene ay babalik pa rin ang kanilang tambalan at mabibigyan ng panibagong proyekto ng GMA-7.

Magtatapos na kasi sa June 10 ang Reel Love Presents Tween Hearts kung saan nabuo ang kanilang loveteam, gayundin ang pinagbibidahan nilang early primetime show na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, na hanggang June 8 na lang.

Pagkatapos nito, si Bea ay magsosolo muna sa Luna Blanca, kung saan gagampanan niya ang teenager na Luna na may maitim na complexion.

“Ito lang naman pong show na ito [Luna Blanca] ang hindi ko siya kasama. Pero I heard meron daw kaming gagawin na magkasama kami ulit.

“Kasi kami ni Bea, sobrang tag team kami niyan, e.

“Confident naman ako na babalik din yun loveteam namin kasi matagal na yung loveteam namin, kilala na yung loveteam namin,” sabi ni Jake.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa thanksgiving presscon ng Tween Hearts kagabi, May 31, sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Hindi ba siya natatakot na baka ’pag tuluyan nang paghiwalayin ang loveteam nila ni Bea ay maiwan siya?

“Hindi naman po ako natatakot,” sagot ng young actor.

“Kasi alam ko naman sa sarili ko na may kaya akong gawin kahit na magsolo ako.

“Dati naman po, gusto ko talaga solo.

"Pero okay naman po yung nangyari sa akin nung dumating yung loveteam namin ni Bea. Mas nakilala po kami ni Bea.

“Masaya na ako na nagkaroon ako ng loveteam. Sana hindi naman kami totally paghiwalayin.

“Okay lang naman sa akin kung magkaroon si Bea ng ibang kapareha sa ibang projects niya. Ako rin, okay din akong maipareha sa iba.

“Kasi para rin iyan sa career growth namin, e. Pero siyempre kung papipiliin ako, si Bea pa rin ang gusto kong ka-loveteam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmamalaki rin ni Jake na sila ni Bea ang itinanghal na Most Promising Loveteam for Movies and TV sa nakaraang 42nd Guillermo Mendoza Box-Office Awards.

TWEEN HEARTS’ ENDING. Espesyal kay Jake ang Tween Hearts dahil dito sila naging close ni Bea. Dumami rin daw ang kanyang mga kaibigan dahil sa show.

Hindi nga raw nila akalain na ang original plan na eight episodes lang ay aabot sa 86 episodes at tumakbo sa ere ang show ng halos dalawang taon—dahil na rin sa suporta ng mga fans at pagtangkilik ng mga manonood.

Balik-tanaw nga ni Jake, hindi pa raw sila close ni Bea noong first taping day nila.

“Hindi pa po [kami close]. Kasi kumbaga, kinikilala pa namin ang isa’t isa.

“Hanggang sa tumagal nang tumagal, hayun na, nagiging close na kami sa isa’t isa. Naging masaya na, nagkaroon na kami ng bonding.”

Ano ang hindi niya makalilimutang moment with Bea sa Tween Hearts?

“Kay Bea, siyempre yung bawat scene namin siguro. Kung paano kami umakting na nagtutulungan kaming dalawa.

“Parang tag team kami ni Bea, e. So, ‘pag yung acting, yung eksena mabigat, tinutulungan niya ako, nagtutulungan kaming dalawa.

“Yun ang hindi ko makakalimutan kay Bea,” sabi ni Jake.

Malaki nga raw ang utang na loob nila sa Tween Hearts dahil ito ang nagbukas ng mas marami pang oportunidad sa kanila.

“Malaki po talaga ang nagawa ng Tween Hearts hindi lang sa akin, hindi lang sa amin ni Bea, kundi sa aming lahat po na nandito sa show.

“Kasi po mas nakilala kami ng mga tao dahil sa show. At saka lahat po kami, nagkaroon ng iba pang shows.

“Kami po ni Bea, nabigyan po kami ng Pahiram ng Isang Ina, ‘tapos ito pong Alice Bungisngis.

“Siyempre po, nagpapasalamat kami sa lahat ng fans na sumusuporta sa amin, na hindi nagsasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagsimula yung Tween Hearts hanggang ngayon na matatapos na nga po, nandiyan pa rin po kayo para sa amin.

“Nagpapasalamat din po kami sa GMA na ginawa nila itong show na ito at nagtiwala sila sa amin,” saad ni Jake.

Kaya kahit malungkot daw na magtatapos na ang Tween Hearts, mas nangingibabaw pa rin ang nararamdaman nilang kasiyahan.

“Natural lang po na malungkot kasi mami-miss po naming lahat yung mag-taping na magkakasama. Yung bonding, yung kulitan, mami-miss namin.

“Pero puwede naman po naming ituloy yung friendship namin kahit wala na yung show. Magkikita-kita pa rin naman po kami.

“Kaya kung iisipin, hindi naman talaga totally nakakalungkot.

“Sabi nga rin ni Bea, we’re ending the show with a smile. Kasi alam namin marami po kaming napasayang mga tao.

“Kami rin po, naging masaya.

“At higit sa lahat, matatapos po ang show na mataas pa rin ang ratings namin. Na hindi po kami mawawala dahil mababa na ang ratings.”

REEL TO REAL LOVE? Siyempre, gusto ng mga fans nila na sana ay sila rin ang magkatuluyan ni Bea sa totoong buhay.

Bakit ba hindi nauuwi sa ligawan o sa mas malalim pang relationship ang samahan nila?

“Alam po kasi namin ang priorities namin talaga. Sa ngayon po, career po muna talaga.

“At saka na muna ’yan kasi mahirap po yung ganyan na ligaw-ligaw, yung magkakaroon kayo ng relationship.

“Kasi mahirap po iyan sa trabaho, e. ‘Pag nagkaroon kayo ng problema, mahihirapan kayo mag-acting.”

Sabi ni Bea, si Jake daw ang isa sa closest guys sa kanya. Ano ang masasabi ni Jake dito?

Sagot ng binata, “Siya rin po, isa siya sa closest girls sa akin, sobra.

“Marami na kaming pinagsamahang shows. Nakilala na namin ang isa’t isa.”

Pero si Bea ba ay girlfriend-material para sa kanya?

“Siyempre po, Bea Binene ‘yan, e. Para sa akin siguro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Bea?

“’Tulad nga po ng lagi kong sinasabi, maalaga ‘yang si Bea.

“Hindi ka pababayaan niyan ‘pag kasama mo ‘yan. Hindi ka magugutom talaga.

“Sobrang bait at saka siyempre maganda. Magaling umakting.

“Sobrang bait talaga ni Bea kaya naging ka-close ko siya.”

Si Bea rin daw ang isa sa mga unang dumamay kay Jake noong mamatay ang kanyang ina.

“Nung mawala po si Mama, si Bea po yung unang-unang nagpunta sa amin.

“Nagulat nga po ako, e. Kahit nga po madaling-araw na, nagpunta pa po siya.

“Galing pa po siyang rehearsal noon. Siya po yung unang nagpunta sa bahay,” sabi ni Jake.

NEW IMAGE. Kung si Bea ay may Luna Blanca, si Jake daw ay hindi pa alam kung ano ang susunod niyang project.

Pero mapapanood pa rin naman daw siya sa Party Pilipinas at sa Walang Tulugan with the Master Showman.

Habang wala pa siyang teleseryeng gagawin, ano muna ang pagkakaabalahan niya?

Ani Jake, “Bakasyon po muna ako.

“Siguro magbabago po ako ng image. Papagupitan ko po yung buhok ko, papaiklian ko.

“Magwo-workout din po ako. Medyo magpalaki po ng katawan.”

Biro nga ni Jake sa gagawin niyang pagwo-workout, para raw pambawi sa kakulangan niya sa height.

“Kasi yung mga kasama ko, nagtatangkaran na lahat, e. Kaya magwo-workout ako.

“Hindi naman yung gaanong malaki, yung magkakorte lang. Para mabago naman ang image,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN